Chapter 10: Were Through

1.1K 25 0
                                    

Emmy's P.O.V.

"Iiyak mo lang lahat. Mawawala rin yan."

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Di pa ako umuuwi samin. Alas nuebe na ng gabi. Tawag ng tawag sila mommy pero di ko sinasagot. Kasama ko si Troy dito sa park, kung san kami unang nagkita ni Vincent.

"Pwede ba akong umiyak sa likuran mo?" tanong ko sa kanya. Namumugto na ang mga mata ko.

He nods.

Tumalikod siya at pinuwesto ko ang braso ko sa balikat niya at ibinaon ang ulo ko. Sa posisyong yun ay pumalahaw ako ng iyak.

Unang pagmamahal

Unang pagkabigo

Sobrang hapdi.

Alam niyo ba yung pakiramdam na umasa sa wala?

Naranasan niyo na bang masaktan ng sobra na mahirap ng huminga at maniwala?

Yung pakiramdam na walang wala.

Yun ako eh.....

Pinahid ko ang mga luha ko at tumawa.

"Pasensiya ka na. Wala na kasi akong ibang mapuntahan." I said and giggling.

Tiningnan niya lang ako, awang-awa.Sa mga tingin niyang yun ay naaawa ako sa sarili ko.

Nabigla na lang ako ng bigla niya kong niyakap ng mahigpit. Nakabaon ang ulo niya sa balikat ko at ang dalawang kamay sa likuran.

"Sana di ka naniwala, sana di mo siya minahal, sana di ka nasaktan Sa bawat pagtulo ng luha mo ay isanglibong sakit ang bumabalik sakin!"

He said. Wala na akong nauunawaan.

"Nang makita kita sa St. Marks Academy nung binisita mo si Vincent.....I fell in love with you. Your just too stupid to notice. Please stop crying.....for me, please."

Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat.

"Mahal kita Emmy....please wag mong sayangin buhay mo sa mga di karapat dapat."

Wala pa rin akong masagot.

May sasabihin sana ako pero sabay na tumunog ang cellphone namin. Binasa namin ito.

From: UnknownNumber

Message: SaTradingCenternabodega. 9:30pm.

Ano na naman to?

"Pareho ba tayo ng message na natanggap?" I asked him.

"Oo yata....sa tingin ko mahalaga to."

he answered at sumakay na kami sa motor niya.

************************

[ TradingCenter ]

"Ito na yung bodega."

He said at bumuntong-hininga sa tabi ko.

"Paano mo nalaman ang lugar na to? Madalas ka ba dito?"

"Si Luis, isa sa mga tropa. Sila ang may-ari nitong center. Ito ang tambayan namin minsan."

ahh..kaya pala.

"Ilan pala kayo sa grupo?" Ang bobo ko, di ko sila kilala lahat. Nalimutan kong itanong.

"Lima kami. Si Vincent, ako, si Luis, Clay at Jace."

Accept Me, Emmy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon