Emmy's P.O.V
Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na may boyfriend na ako. Dumadalaw siya paggabi, nag-uusap kami through phone. Ngayon naman, wala akong klase dahil may emergency daw si Ma'am Anito. Siya naman, may pasok pa. First year college na kaya si Vincent. Accountancy ang kinukuha niya.
Dalawin ko kaya?
Wala naman si mommy at si Tito eh.
Alas onse pa ng umaga, pagdating ko dun, noon break na.
Confused ba kayo kung san ang daddy ko?
He died while I was still a baby, about two months old....so I live with my mom.
"Manang, may pupuntahan po muna ako." Tumango lang si Manang at lumabas na ako at sumakay sa taxi.
To: St. Marks Academy
"Salamat po manong!"
Sa waiting shed ako naghihintay sa labas dahil No ID, No Entry..
pffft..
"Ang sakit ng ginawa ni Vincent sakin! Niloko niya ko! huhuhu!"
"Ikaw naman kasi, binigay mo lahat."
"Mahal ko siya eh...Pagkatapos ko binigay lahat, iniwan niya pa rin ako? huhuhu!"
"Tsk..kakarmahin din yun. Uwi na tayo, mukhang uulan oh."
Nakatayo ako habang pinapanuod ang dalawang dalagang tumatakbo at ginawang payong ang kanilang folder ng pumatak na ang mahinang ulan.
Vincent?
Marami naman sigurong Vincent sa mundo diba? Hindi yung akin.
Kawawa naman yung girl, sana karmahin nga kung sino man yung Vincent na yun!
Sa di kalayuan ay nakita ko si Vincent na may baklang kausap. May binulsa sa kanya ang bakla at ngumiti.
Ano yun?
Lumapit ako sa kanila at tinapik si Vincent sa braso, kita ko ang pagkabigla sa mukha niya at pagkamangha.
"E-emmy....Si France, kaibigan ko." he said.
"Hi!" I greeted him.
Ngumiti yung France sakin.
"Ikaw si Lorraine? I'm France...Francine paggabi!" Nakipag appear siya sa kin.
Lorraine?
Ex niya? Di niya naman nakuwento ha.
Tinignan ko si Vincent, pero wala akong sagot na makita. Napatakip na lang siya sa mukha niya.
Tumingin ako sa palibot namin. Sa kaliwa, mga babaeng nagkukumpulan at tila pinag-aaralan ako, taas kilay na kinikilatis ako mula ulo hanggang paa.
Sa kanan naman, nagchichismisan ang mga bakla at sa gitna ay mga lalaking nagtatawanan.
"Panalo ka na Vincent! Congrats!" hiyawan nila at muling tawanan.
panalo san?
Ganito ba talaga kasikat si Vincent?
"So, ano na?" pagbabalik tanong ni France at kumembot. "O ikaw siguro si Nikki, yung babaeng matabil pero mukhang tahimik ka naman eh o si- -"
"No. I'm Emmy." I cut him off and I turned and ran away.
Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Takbo lang ako ng takbo...walang paroroonan.
BINABASA MO ANG
Accept Me, Emmy (COMPLETED)
Teen FictionVincent. A girls dreamboy. Magnetic and hot....a very playboy type. The sky is the limit. To him girls are made for pleasure and fun only.... until he met Emmy.... the girl who change his life. but what if she learn the truth in his past.... A past...