Emmy's P.O.V
Nagpaalam ako ng maaga kay mommy. Alam na niya kung san ako pupunta.
[Evergreen Homes]
Red, yellow, blue and white baloons ang idenesinyo ko sa sa dingding.
"Sa tingin mo, magugustuhan niya to?"
"Oo naman po Tita Tessa, bakit naman hindi?"
Yup! You heard it right! Kasama ko siya ngayon. May spare key kasi ako sa unit ni Vincent.
Si Tita nga ang nag prepare at personal na nagluto ng mga ulam. We invited his friends too.
How? Naalala niyo si France?
Yung baklang kaibigan ni Vincent na inakalang isa ako sa mga exes niya.
Siya yung nagbigay ng mga invitations sa mga kaibigan ni Vincent.
Ideya ko to. Kinuntsaba ko na sila lahat.
Nang mag text sakin si Vincent na nasa elevator na siya ay pinatay namin lahat ng sindi ng ilaw, nagtago at nanahimik.
Dinig na dinig namin ang pag unlock ng doorknob.
1
2
3
"Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Sabay naming pagkanta at pagpalakpak.
Nabigla si Vincent at tila di makagalaw.
Lumapit ako dala ang tray ng chocolate cake.
"Now, make a wish!" I said happily.
He hesitates but he closed his eyes for a while and blow his cake.
"Happy birthday tol! Gurang ka na!" bulyaw ng isa sa mga tropa niya at nagsitawanan lahat.
"Oo tol pero mas gwapo parin ako sayo! balik bulyaw ni Vincent.
"Ikaw ba nag prepare lahat nito Emmy?"
Umiling ako.
Kumunot ang noo niya at nagbigay daan ang mga kaibigan niya.
"Happy birthday anak." mahinang bati ni Tita Tessa.
tahimik ang lahat....nagbubulungan.
"Sabi ni Vincent OFW daw ang mommy niya."
"Really? He told me his parents died in a plane crash."
"Di kaya, he said his mom died during giving birth to him."
Maraming nagtataka pati rin ang mga tropa ni Vincent, nagkatitigan lang sila ni Tita Tessa. Inilapag niya ang regalo at niyakap si Vincent ng buong puso. He never respond.
Humiwalay ng yakap si Tita Tessa at hinawakan ang magkabilang balikat ni Vincent.
"Pasensiya ka na nak...nasira ko yata kaarawan mo...mahal kita." maluha luhang wika nito.
Walang ekspresyon ang mukha ni Vincent, ngumiti siya at inakbayan si Tita Tessa, iniharap sa mga bisita.
"Guys! Guys! What you heard was right. This woman standing next to me is my mother! My very honorable mother, a child can be proud of."
Tahimik lang kaming lahat pero pansin kong maiiyak na si Tita.
"Siya ang tangi kong ina na umiwan sa tatay ko....iniwan ako at nagpakasaya lang siya kasama ang lalaki niya at anak! Diba masaya?" tumawa siya at humiwalay...
"Vincent...." I hissed.
"Bakit ka pumunta dito? Mababalik mo ba lahat ng nawala sakin? Si papa, mababalik mo ba? Umalis ka na lang! Di kita kailangan, maayos na buhay ko ng wala ka, ngayon pa kaya? Hahaha!"
Akmang hahawakan ni Tita ang kamay ni Vincent pero umilag ito.
"Alam mo bang nangyari sakin nung wala ka? Gusto mong malaman?" he smirked at tumalikod samin, hinahaplos ang abstract niyang painting.
"Lagi akong sinasaktan ni Lola, laging nagugutom at pagod. Naranasan mo bang kumain ng tira-tira na pagkain sa karenderya na dapat ay para sa baboy? Naranasan mo bang matulog sa plasa dahil di ka pinapasok?....Lahat ng yon! ALAM KO!!"
Humarap si Vincent samin ng matalim na tingin.
"P-patawarin mo ko anak....patawarin mo ko...." humagulhol ng iyak si Tita, pilit niyayakap si Vincent pero panay ang ilag nito.
"Umalis ka na!" sigaw nito sa ina.
Maging ako man ay walang nagawa kundi manuod at makinig. Di ito ang inaasahan ko.
"Patawarin mo ko nak, naging makasarili ako...pero isa lang ang di mababago, mahal na mahal kita. Maligayang kaarawan." Tita whispered and she left...crying.
"Vincent...." I hissed again.
Hindi niya ko pinapansin.
"I no longer celebrate my birthday....so you all, can leave as well."
Nilagpasan niya lang ako at dumeretso sa kwarto niya....rinig naming lahat ang pag lock niya ng pinto.
Vincent...
Nagsitinginan kaming lahat. Di namin alam kung uuwi na kami o mananatili pa.
"I'm heading to Summer's place pa pala. I need to go. Bye guys!" one of his classmates said.
"Ako rin pala." the two followed and the rest followed too, giving reasons. Enough said.
I did not stop them.
Ang natira ay ako at ang apat na barkada ni Vincent na lang. Kumakain sila ngayon.
"Too many efforts has been wasted because Vincent is such a hipocrite, including yours and the other victims."
I turned around to see who's talking. He was one of his closest friend. The one who was quiet and I guess....pinakamatino sa kanila.
He too, is handsome. Must say.
"I'm Troy....Troy Liza."
BINABASA MO ANG
Accept Me, Emmy (COMPLETED)
Teen FictionVincent. A girls dreamboy. Magnetic and hot....a very playboy type. The sky is the limit. To him girls are made for pleasure and fun only.... until he met Emmy.... the girl who change his life. but what if she learn the truth in his past.... A past...