Bistado

8.5K 101 14
                                    

Minsan si Islaw ay pumunta sa palengke upang bumili ng isang buong manok. Nangyari si Ambo ang tindero, at isang manok na lang ang natitira nyang tinda. Inilagay niya iyon sa timbangan.

"Three-fourths na lang ito,"wika ni Ambo.
"Masyadong maliit! Wala ka bang mas malaki dyan?" Tanong ni Islaw.

Kunwaring naghanap pa si Ambo ng mas malaki.

Mayamaya lang sa bilis ng kanyang kamay ay inilagay ang dating manok sa timbangan at idiniin ito.

"Isang kilo, ok na ba ito?" Tanong ni Ambo.

Sagot ni Islaw, "Yan, ok yan. Sige kunin ko na yan pati na yong isa."

FUNNY JOKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon