Garantisado

5K 56 3
                                    

Si Islaw ay maagang nabalo sa buhay. Sa kasawiang palad siya'y nagkaroon pa ng liver cancer at tinaningan na ng doktor na ilang buwan na lamang ang kanyang itatagal.

Si Islaw ay labis na nalungkot na halos nawalan na ng gana sa maraming bagay. Isang araw siya'y lumapit sa kanyang kumpare na si Ambo upang ihinga ang malungkot na sinapit ng kanyang buhay.

Wika n'ya, "pareng ambo, ang lungkot naman ng sinapit ko. Bakit naman ganito ang naging kapalaran ko? Maaga na akong nabalo nagkaroon pa ako ng liver cancer, at ang sabi ng doktor hindi na raw ako magtatagal. Pare, may alam ka bang paraan para humaba pa ang aking buhay?"

Sagot ni ambo, "mayroon pare at garantisadong-garantisado. Ganito lang ang gawin mo, mag-asawa ka ulit. Pero sa pagkakataong ito hanapin mo ang babaeng nagtataglay ng lahat ng kapangitan. Tsismosa, bungagera, selosa, intrimitida at kung ano-ano pang kapangitan. Tapos tumira kayo sa gitna ng bukid para siya lang ang iyong nakikita sa araw at gabi."

Sagot ni islaw, "pareng ambo sigurado ka ba sa payo mo? Hahaba pa ba ang buhay ko kapag nakasama ko ang babaeng iyon?"

Sagot ni ambo, "hindi pare! Hindi na hahaba ang buhay mo. Pare sisiguruhin ko sayo, kapag nakasama mo ang babaeng iyon bawat sandali ng buhay mo parang wala ng katapusan."

------------------------------------------------------
Sorry kung tumagal bago ako makapag update

Enjoy
------------------------------------------------------

FUNNY JOKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon