Wow Mali

2.5K 33 2
                                    

Si iska ay malapit ng magdiwang ng kanyang ika-walumpung taong kaarawan. Ang kanyang tatlong anak sa america ay nag usap-usap tungkol sa regalong kanilang ibibigay sa kanilang ina.

Ang una ay sinabi, "ang ireregalo ko kay inay ay isang magandang bahay. Ibibili ko siya sa corinthian garden ng isang mansion."

Ang ikalawa naman ay sinabi, "ang ireregalo ko naman kay inay ay isang mamahaling sasakyan. Ibibili ko siya ng isang mercedes benz."

Dahil sa ganda ng kanilang mga ireregalo, ang ikatlo naman ay nagsabi, "ang ireregalo ko kay inay ay isang loro."

"Unfair naman yata yon," tugon ng una at ikalawa. Wika nila, "kami isang mansion at isang mamahaling sasakyan, ikaw loro lang?"

Sagot ng ikatlo, "huwag n'yong nilalang-lang 'yon lorong ireregalo ko. Ang loro na 'yon, memorize noon ang buong bibliya from cover to cover. At 'di lang 'yon, nakakabasa din 'yon ng dyaryo. Kaya priceless 'yon."

"Ah ganun ba? Pambihira pala ang lorong iyon," tugon ng una at ikalawa. "Siguradong masisiyahan si inay dahil mayroon ng magbabasa para sa kanya."

Dumating na nga ang kaarawan ng kanilang ina at kanyang natanggap ang mga regalo ng tatlong anak. At siya ay sumulat.

Wika n'ya sa una, "anak bakit bumili ka pa ng ganitong kalaking bahay. Alam mo namang matanda na ako. Ang gusto ko eh isang kuwarto na lamang."

Wika naman n'ya sa pangalawa, "anak bakit naman bumili ka pa ng mamahaling sasakyan. Wala na akong hiling mamasyal. Ang gusto ko ay sa bahay na lang. At iyong driver na ibinigay mo, intindihin ko pa. Hindi ka na sana nag-aksaya pa para sa ganitong sasakyan."

Sa ikatlo naman ito ang kanyang sabi, "anak, sa lahat ng nagregalo sa akin, gustong-gusto ko ang ipinadala mong maliit ng manok. Ang sarap-sarap, bagay na bagay sa pinaupong manok."

FUNNY JOKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon