7/11

3.3K 44 4
                                    




Ara's POV

Kakatapos ko lang mag-shower dahil kakatapos lang din ng training namin ngayon. Medyo double time ang pagt-training namin dahil malapit na ulit ang games ng F2. Lumabas na muna ako ng agno, syempre kasama ko si daks.

"Ano ba 'yan daks! Sana nagpa-kalbo ka nalang, nakakahiya naman sa buhok mo."

"Wala ka na ba talagang ibang sasabihin kundi 'yan? Kahapon pa kayo. Sabi ng ito nga gusto ni bang na gupit." Paulit-ulit kasi nilang nilalait yung buhok ko at talagang naiinis sila sa buhok ko.

"Bang na naman. Bakit kaya hindi ka nalang tumira doon?"

"Ayoko nga! Alam mo naman na---"

"Alam ko naman na magagalit si Thomas? Ang gulo niyo! Jusko, Victonara! Napakalandi niyo." Binatukan ko naman agad siya dahil sa sinabi niya. Gago, foul.

"Alam mo din naman na siya naman talaga, umpisa palang."

Speaking of Thomas, nakita ko siyang pumasok sa 7/11. Siniko naman ako ni Mika na parang sinasabi na lapitan ko na si Thomas. Pero hindi, hindi pwede. Una, galit siya saakin ngayon. Galit siya dahil sa buhok ko na sobrang ikli daw. Pangalawa, one wrong move, mabubunyag lahat. Lahat ng tinatago namin since season 75.

"Mika, ikaw nalang pala pumunta sa 7/11. May pupuntahan lang pala ako saglit."

"Ulol, daks. Porket andoon lang si galinggaling mo." Binatukan ko nalang siya at humiwalay na ng way.

"Ate Ara!!!!" Bigla naman may pumunta sa harap ko tapos naka-smile ng sobrang laki.

"Hello!" Nag-smile din ako sakanya dahil nakakahawa yung ngiti niya.

"Pwede po pa-picture?" Nag-nod ako at nag-smile for the picture.

"Thank you, Ate Ara!!!"

"Welcome!" Nag-smile na lang din ako sakanya tapos naglakad na.

"Ate Ara!" Nilingon ko naman ulit yung fan na tumawag saakin.

"Yes?" Naglakad siya papunta saakin tapos may binigay na papel.

"Alam ko pong nakita mo si Kuya Thom. Ito po paper, may date diyan. 'Yan yung time na magkakaroon na ng legit pic, at ako ang kukuha! Promise, ate ah?"

I was shocked. I don't know how to react, sobrang straight forward niya. Nag-smile nalang ako sakanya at nag-bye na.

We have tons of pictures together, but we just really need to hide it.


Thomas' POV

"Pangit ng laro natin ngayon Thom ah!" Inakbayan naman ako ni Jeron.

"Sorry, paps. Bawi ako next training." Inayos ko na yung gym bag ko pero iniwan ko muna saglit. May bibilhin lang ako sa 7/11. Nakakainis talaga, pati laro ko, naaapektuhan na. Si Ara kasi. Yung buhok ba naman kasi! Dinaig pa yata ako eh, or sadyang idol lang niya ako. Pumasok na ako ng 7/11 tapos kumuha na ng Gatorade. When I was on my way to the counter, may nakita akong parang maliit na stall or what do you call this stuff. Tapos may card sa taas na nakalagay, "Buy 1 and confess your love!" Naalala ko bigla si Ara. Tumingin tingin ako saglit tapos may napili akong box. Box siya na may laman na necklace tapos 10 letters, ikaw magsusulat. I immediately grabbed that box and went to the counter. Habang nakapila, nakita ko si Mika pumasok ng 7/11.

"Miks!" Napalingon siya saakin at nag-wave. Nagbayad ako tapos pinuntahan ko narin si Mika.

"Uy, Mang Thomas!"

"Hi, Mika! Ikaw lang mag-isa?"

"Hala siya! Hindi ka pa nahiya, sana tinanong mo nalang kung nasaan yung girlfriend mo." Nginitian na naman ako ni Mika ng nakakaloko.

No EraseWhere stories live. Discover now