#10Drei

1.8K 36 7
                                    





Tin's POV

Kakatapos lang ng klase namin nila Michelle. May 2 hours pa kaming vacant time kasi 6:00 pa naman yung training namin, eh 4:00 palang.

"Saan tayo ngayon mga sisterakas?"

"Parang gusto ko mag-festi ngayon." Sabi ni Michelle out of nowhere.

"Wow naman, Michelle. 2 hours lang vacant time natin, fyi."

"Oh, sorry na. Sabi ko lang naman na gusto ko eh, 'di ko naman sinabi na doon tayo."

"Tara, sa razon nalang tayo tambay."

"Ano ba 'yan, Tiamzon!! 'Di ka pa ba nagsasawa sa Razon? Araw-araw na natin 'yan pinupuntahan, haler!!"

"Eh kung ikaw nalang kaya masunod, Betts? Ang ingay mo eh! Kanina nung sinabi ni Mich na festi, may comment ka din." Napatigil naman sa paglalakad si Bettina.

"Ay besh, away kayo?"

"Away? Nino?" Napakunot naman noo ko sa tanong niya. Sino naman kaaway ko?

"Ni..." Lumapit siya saakin pero lumayo ako. Hinampas naman niya ako.

"Aray! Ano ba!"

"May ibubulong kasi ako, lapit!!" Lumapit naman ako sakanya para marinig kung ano man ang ibubulong niya pero I'm sureee, walang kwenta sasabihin nito ni Betts.

"Ni Josh kasi, gaga."

"Sinong Josh? Yung kapatid ni Kuya Thomas?"

"Shunga! Hindi kasi. Josh, Josh Caracut."

"Bettina!" Kinurot naman siya ni Michelle sa braso after niya sabihin yun. Buti pa talaga si Michelle eh, hays.

"Tss. Tigilan niyo na nga yung issues na 'yan!"

"Ay bitter si ateng."

"Alam mo, halika na nga." Kinaladkad na ni Mich si Bettina palayo saakin dahil alam na niya kung anong magagawa ko kay Betts. Umiling nalang ako at sumunod sakanila. Nag-decide kami na pumunta nalang sa nearest mall.

"Kakain ba tayo?"

"Mich, gutom ka na naman? Kakakain lang natin bago tayo umalis ah."

"Pake mo ba, che!" Nagikot-ikot lang kami, patay oras.

"Uy, archers ba yun?" May tinuro si Bettina pero inignore ko lang.

"Makakasalubong yata natin sila, sis!!"

"Oh ano? Kilig ka naman agad diyan kay Brent."

"Lul. Baka ikaw kay Rivero." Nakita ko naman na nag-blush saglit si Michelle. May something na yata sila ni Rivero. Nung nakalapit na yung archers, agad naman tumabi 'tong si Rivero at Paraiso kila Bettina. #mgagawalangbrencci. Okaaay, ako na 5th wheel.

"Bro, dito!" Aba at nagtawag pa talaga 'to si Ricci. Pagka-harap ko, nakita ko siya. Naturally, dinaanan ko lang siya ng tingin.

"Hi, idol Tin!" Sabi ni Melecio.

"Hi din, ROY!" Ngumiti naman ako sakanya at ang cute cute ni Aljun!!

"Grabe naman po. Hehe."

"Hoy, Melecio! 'Wag ka ngang pabebe at pacute diyan kay Tin!" Binatukan naman siya ni Kuya Kib.

"Hahaha. Hi, Kuya Kib!"

"Hi, Tin." Cutie talaga ng Lbocio. 💚 Oo, walang Ca, jk.

"Mich, bili lang ako ng ice cream. Gusto ko eh, hehe."

No EraseWhere stories live. Discover now