ILYSB

1.8K 27 5
                                    



Ricci's POV

Papunta na kami ng razon para mag-training. Medyo maaga natapos klase namin ngayon nila Drei. Parehas kasi kami ng last class nila Drei, ako, Brent at Aljun. Kaya nagsa-sabay sabay na kami papunta para mag-training. Pagka-pasok namin, nakita namin na nandoon parin yung spikers. Kakatapos lang yata ng training nila.

"Kakatapos lang ba ng training nila?"

"Ay hindi, Drei. Kakaumpisa lang nila." Inirapan pa talaga nito ni Aljun si Andrei. Sa batch namin, siya talaga pinaka-slow. Parang si Kuya Thomas lang. ✌🏻

"Drei! Si Tin oh. Yieeeeee!" Tinulak ni Brent si Drei kaya napahawak siya saakin.

"Ano ba 'yan, Drei! Harassment ka!!"

"Arte nito. Brent! Si Bettina oh. Yieeee!" Binatukan naman ni Brent si Andrei. If I know, kinikilig lang 'yang gago na 'yan. HAHAHA.

Bigla naman may tumugtog na music. Nagpapatugtog yata yung spikers. Pagka-tingin ko naman, tumayo na pala yung spikers. Sila Majoy, naga-ayos na ng net. Bigla naman may nagpatugtog ng juju on dat beat. Nakita namin na tumayo si Michelle at Aduke.

"Ano 'to? Sasayaw sila?"

"Siguro."

Maya-maya pa, sumayaw na si Aduke at Michelle. Shit, ang hot pala sumayaw nitong si Michelle? Nag-juju na sila dati eh, nakita ko sa twitter. Pero hindi ko naman napanood masyado, nakita ko lang kila Aljun. 'Di ko alam na ganito pala ka-hot sumayaw 'tong si Michelle.

"Pucha, Drei! Mas magaling pa sumayaw sa'yo si Michelle oh! HAHAHAHAHA."

"Tama ka, Aljun. Para siyang puno na ewan sa juju on dat beat niyo eh. HAHAHAHA." Natawa narin ako sa sinabi nitong mga 'to. Napanood niyo naman siguro yun? Nung pagka-tingin ko ulit kila Michelle, nagsasayaw parin sila. Tapos nung sa part na "you ugly", tinuro nila si Tin. Kaya ngayon, hinahabol na sila ni Tin. Si Michelle lang talaga, actually.

"AHHHH!!! TIN SORRY NA SORRY NA!! SI ADUKE TALAGA MAY PAKANA!!" Napatawa naman kami. Ang cute kasi nila tignan. Si Tin, may hawak pang tsinelas habang hinahabol si Michelle. Tapos si Michelle naman, parang baby na paiyak na.

"EYYY! Nice view ba, teammates?" Dumati na pala sila Kuya Jeron. Pagt-tripan na naman kami nitong mga 'to.

"Si Andrei lang, Kuya Je!!!"

"Anong ako? Ikaw kaya diyan kay Bettina!!!" 'Di ko nalang sila pinapansin at pinanood ulit sila Michelle. Nagliligpit na sila ngayon ng net. Ang liit pala nito ni Michelle. Teka, bakit puro Michelle nasa utak ko? Hahaha.

"Ricci, baka pwede ka maistorbo diyan? Titig na titig eh!" Ako na naman nakita ng teammates ko. #sanayna

"Sino ba type mo diyan, pre?" Inakbayan pa ako nito ni Kuya Je.

"Si Michelle ang kanina pa tinititigan niyan, captain!" Tinignan ko naman ng masama si Brent. Nakitawa naman na sila Aljun kay Brent.

"Grabe talaga mga tipo mo, Rivero! Galing mamili!" Kuya Thomas added. Pinagtatawanan na ako nitong mga 'to ngayon.

"Michelle Cobb ba? Sige, I got you, bro." Tumayo naman si Kuya Jeron tapos lumapit sa spikers. Ano na naman kaya gagawin nitong mga 'to.

No EraseWhere stories live. Discover now