Kundiman

1.5K 23 2
                                    



Michelle's POV

"Michelle! Nakatulala ka na naman diyan. Iniisip mo na naman ba yung ex mo na ugok?" Napairap nalang ako kay Bettina at pumunta na sa sala.

"Betts, no. Duuh. Niloko niya na nga ako eh. So why waste my time thinking of him?"

"Asus, makapagsalita siya oh. Pero nung kaka-break niyo pa lang, kung maka-Ricci ka diyan, wagas!!" Binato ko siya ng unan kasi ang annoying ng sinabi niya.

"Past is past, move on!!"

"Mga babae, mamaya na ang usapang break-up. Tara na at mag-training." Binato naman saamin ni Tin yung gym bags namin.

"Porket masaya ka sa lovelife mo ngayon ah." I whispered, pero mukhang narinig parin nila yun.

"Ang bitter mo talaga. Halika na, leggo see your adorable ex." Annoying teammates forever. 🙄 Pagkapasok namin sa Agno, nakita namin na nagt-training parin yung archers. Umupo muna kami saglit sa gilid habang hinihintay matapos yun training nila.

"MICHELLEEEEEEE!!!!" OA ah! Si Ate Kianna siguro! Nakita ko si Ate Kianna sa baba kaya bumaba ako tapos nilapitan siya.

"Nakakahiya ka, Ate Kianna! Tumigin lahat sa'yo oh!"

"Ay, wapakels! May ipapakilala ako sa'yo girl, daliii." Kinuha naman agad ni Ate Kianna yung phone niya at may tinawagan. After how many minutes, natapos na din yung phone call niya.

"Upo ka muna doon, baby girl. Paparating na sila. Ayyy, kinikilig ako!!" Napailing nalang ako sa actions ni Ate Kianna and bumalik na sa kinauupuan ko kanina.

"Anyare? Bakit ganun makasigaw 'tong si Ate Kianna?" Medyo nawala focus ko, kasi nakaupo na sa tapat namin sila Jollo. Oo, crush ko si Jollo. Charot! Kasama niya kasi si ex.

"Kita mo na, lumapit lang konti eh. Tsk tsk." Binatukan ko naman agad si Tin. Pero nakita naman ito ni Andrei.

"Hep hep! 'Wag mo nga sasaktan si Tintin ko, Mich!!" Bumaba naman si Tin at niyakap si Andrei.

"Ewan ko sainyong dalawa! Ew!"

"Hoy! Invisible ba ako? Sabi ko, anong sinabi sa'yo ni Ate Kianna?"

"Sabi niya may ipapa----"

"MICHELLE HE'S HERE!!!!!"

"HE?! SINONG HE?! PAPI BA?!" Tumakbo naman agad si Bettina papunta doon kay Ate Kianna pero ako, nag-ayos nalang ako ng net tapos niready yung mga bola. Wow, I feel so tall. Hahaha. Habang naga-ayos ako, may kumalabit saakin. Pagkatalikod ko, si Ate Kianna. With, some chinito guy.

"Uh, hi." Nag-smile saakin yung chinito na guy at parang nahihiya pa siya saakin.

"Hello." Nag-smile nalang din ako.

"AHHHHHH!!! BAGAY KAYO KINIKILIG AKO!!!" Nagsasabunutan na si Betts at Ate Kianna sa tabi namin. Nagkatinginan naman kami nung guy & tumawa nalang.

"Uhm, medyo nakakahiya kasi. Nasa gitna pa tayo ng court. Gusto mo sa gilid nalang tayo?" I whispered.

"Hahaha. Oo nga, sure." Umupo kami saglit sa bench. Nakakahiya naman sa lalaking 'to, ang bango bango. Tapos ako, mukhang haggard.

"Anton Asistio pala!" He offered his hand. Wait, parang kilala ko 'to. Holy-- siya ba yung player ng Ateneo?!

"Anton Asistio? Player ng Ateneo?" I accepted his hand naman and smiled.

"Yup. Wow, I'm so flattered. Kilala ako ni Michelle Cobb."

"Hala uy. Hahaha. So, what brings you here?"

No EraseWhere stories live. Discover now