Michelle's POV"Mich!! Paki-abot nga nung dress ko nasa cabinet ni Aduke!" Ito na naman tayo, Madame Kianna strikes again. Kung dati, they have Madame Carol, kami naman ngayon, we have Madame Kianna. Well, mas gusto niya daw yung Madame Dy, mas yayamanin daw pakinggan.
"Ito na po, madame!" Binigay ko na yung dress kay Ate Kianna. I was about to go back to our room but suddenly, Madame Kianna spoke.
"Hep hep!"
"Hooray?" I innocently answered. Hindi ko alam yung isasagot ko eh!
"Hay nako, Michikels. Infairness, sa lahat ng alipin ko, ikaw talaga ang pinaka-inosente. Nako, kung si Aduke yung sumagot saakin ng ganun, baka naihagis ko. Nga pala, may pupuntahan ka ba bukas?"
"Bukas? Wala naman, check ko pa." Kinuha ko yung phone ko then checked my schedule. Wala akong klase, meron pero maaga, wala din akong plans para gumala.
"Luh siya oh. Artistahin pala ang peg nitong si Cobb! May pa-check check pa!" Aray! Binatukan pa talaga ako nito ni Mayang!
"Masakit yun ah!" Sumimangot naman ako kay Mayang dahil sa ginawa niya.
"Hay nako, mga alipin. O ano, Mich? Free ka?"
"Oo, Ate Kianna. Free naman, bakit ba?"
"Uy, teka teka. Bakit may usapang free dito? Ako, free ako!" Mayang raised her hand pa. Hay, sanayan nalang sa mga weirdo everyday. Joke! Hahaha.
"Di ko tinatanong, Mayang." Inirapan naman siya ni Ate Kianna. Tumawa nalang ako dahil nakakatawa itsura ni Mayang. Parang na-reject na ewan.
"Anyway, Mich sama ka bukas ah. Nood tayo ng game ng GA."
"Huh?! Game ng GA? Bakit biglaan yata? May tickets ka ba? Bakit si Mich? Lahat ba tayo? Alam ni coach?" I was about to react pero naunahan na ako nung bagong reaction queen. No other than, Gyra Barroga.
"Teka nga. Ikaw ba si Mich? Kausap kita, alipin Gyra?" Napatahimik naman si Gyra. Well, madame has spoken.
"Pero oo nga, Ate Kianna. Bakit ako lang?" Nakaka-curious naman talaga. Mayang, Gyra & me are very curious.
"Bakit ikaw? Tanong mo doon sa Ricci Rivero na yun."
"Ricci Rivero?" Sabay-sabay namin na tanong nila Mayang.
"Wait nga, why is he even involved here?"
"Dami niyong tanong ah. Yes or no lang naman sagot sa iisa kong tanong. Malamang, involved siya. Siya nag-bigay ng tickets eh."
"Tickets? So it means, lahat tayo?"
"Wag kang ngumiti ng ganyan, Mayang. Kamukha mo si Dora." And the world war 3 starts in 3... 2... 1...
Kasalukuyang naghahampasan na ang dalawang babae sa gilid ko."Mga alipin, magsi-ayos!" Salamat naman at tumigil na itong dalawang to. Natatamaan din ako eh.
"Hindi kayo lahat kasama. 2 tickets lang ang binigay ni Rivero. Yung isa daw akin, yung isa kay Michelle." Huh? Bakit saakin? Ano naman kinalaman ko sa basketball?
"Yieeeee! Nice one, Mich!!!" Nag-simula naman na akong asarin nitong tandem na 'to. Kakaiba talaga.
"Madame, alam mo ba yung MiCci? Ship nila ni Ricci yun eh. Daming shippers parang ThomAra!" Halos mangisay na to sa kilig si Mayang havang sinasabi yun.
"Alam ko, of course. Papahuli ba ako? Pero alipin, TinDrei ang bagong ThomAra."
"Ay, oo! Sobrang hopia nung dalawang yun eh. Close na close kapag practice pero kapag games, di nagpapansinan. Mga pabebe." Gyra added. Medyo tama din. Ganyan nga yan sila, close sa practice. Pero si Tin yata may problema eh. Halos nagtatampo na nga si Drei kasi hindi talaga nanonood si Tin ng games ng Archers, pero wala parin. Walang nagbabago sakanilang dalawa.