CHAPTER 1

6 0 0
                                    

Seann's POV

"Hay! Sa wakas rest day na din bukas, makakapagpahinga din ako." That's me, talking to myself on my way home. My name is Seann Dominguez, 22years of age, 5'4" ang height at wala pa yata sa 100lbs ang weight ko. Anung sabi mo? Tinatanong mo kung maganda ko? Well. Ang masasabi ko lang ay

...............hindi ako panget. Balik tayo sa kwento ko.

Grabe ang linggong ito, nakakapagod. Hindi lang trabaho ang nakakapagod kundi pati bunganga ng amo ko na walang tigil sa pagbubunganga. Kung sa bagay bunganga nga naman kaya san nga naman dapat gamitin. At talagang pag di ka nga naman ganung sineswerte, badtrip ka na nga wala ka pang masakyan. Makapaglakad-lakad na nga lang muna.

"Muntinlupa! Muntinlupa!" sigaw ng barker ng jeep.

"Manong wala bang San Pedro na ang daan ay Susana heights exit?"

"Naku Ms. Sobrang traffic kasi ngayon sa Susana heights exit kaya mahirap makasakay gawa ng may Road Widening Project na naman. Kaya mag Muntinlupa na po kayo." Sagot ni Manong Barker.

"Ganun ba Manong? Sige salamat". Ay naku, kailangan makapag express way ako. Makalakad nga muna sa dako paroon. Hays! Anu ba na-

"Tulong! Tulong!!!!!!!!!!!!" Lord! Anu bang kailangan sa akin ng mga ito. Bakit kailangan akong kidnapin? Di ba pwedeng holdap na lang? "Tulong!!! Tu-" At talagang kumpleto pa sa props na pampatulog.


LUCKY TO BE TAKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon