CHAPTER 2

7 0 0
                                    



Seann' s POV

Grabe ang lambot naman ng kama ko ngayon at ang bango kahit parang amoy kili-kili. Teka! Pano ko nakauwi di ba wala akong masakyan kagabi? Di ba may dumukot sa akin kagabi na mga naglalakihang lalaki? Pero ba't ....

"Waaaaaah!!!!! Anung nangyari? Bakit wala akong damit?! Kaninong kama ito? At sino ka?" Sigaw ko pagdilat ko, sabay takip ng kumot na nalaglag sa dibdib ko (Sorry, flat chested eh, walang kapitan) habang ginigising at sinisipa ko yung katabi ko.

"Manang! Mamaya mo na ko gisingin. My head aches. I still need to sleep." Sabi ng lalaking katabi ko sa kama na nagtalukbong pa ng unan.

"Manang!? Sinong tinatawag mo na Manang?" sabay tulak ko sa engliserong palaka sa kama.

"Anu ba'-?! Who the hell are you?! What are you doing inside my room?! " Sigaw ng lalaking hubad na katabi ko kanina sa kama habang ako ay tulala sa kanyang ano dahil di niya man lang tinakpan ang ano niya pagtayo niya.

"Hoy! Anu na?! Ba't di ka na nagsalita dyan?!" Sigaw na naman niya habang tulala pa din ako. Yung totoo? Ganito ba talaga itsura nun, nakatayo? At hindi ba talaga niya nahahalata kung san ako nakatulala. Mas titigan ko pa kaya.

"Anu bang tiniti-" sabay sunod ng tingin niya sa ano niya at sabay abot ng tuwalya para takpan ang ano niya. "Pervert!!!" Aba porke di nagreact pervert agad. Makapagreact nga.

"Oh my innocent eyes!" sabay takip ng mata ko. Sana di halatang late reaction. Hehe. First time ko makakita nun kaya masisisi niyo ba ko kung natulala ako. Tsaka curious ako, masama ba yun?

"Innocent?! Seriously?! Teka! Sino ka ba and why are you here inside - , wait this is not my room. Pano ko napunta dito?" Sabi niya habang hinihigpitan ang tapis niya, as if naman na hihilahin ko yun nuh. Pero pwede ko din namang itry yun. Hehe. Behave dapat.

"Aba'y kayo itong nangkidnap sa akin tapos ako tatanungin mo kung ba't ka nandito? Tsaka anu bang pinagsasabi mo dyan at kung umasta ka ay parang ikaw itong napagsamantalahan?" Sabi ko sa lalaking kaharap ko na di na maipinta ang mukha.

"What!? Don't you know me? Why would I do that? Many are volunteering to be my woman so why would I waste my time to abduct someone just to have sex. And please, you're not my type. Teka! ikaw siguro kumidnap sa akin nuh at binabaligtad mo ang kwento ngayon. Grabe talaga ang mga desperada, lahat kayang gawin. Tsk!" sabi niya habang nakaupo sa sahig at hawak ang ulo niya at masama ang tingin sa akin.

"Grabe naman daldal ng hinayupak na to." Bulong ko sa sarili ko.

"What did you say?!" tanong ng lalaking nakatapis habang nanglalaki ang mga mata.

Aba malakas pala pandinig nito. Hay! What do I expect? Eh mukhang sagana sa vitamins ang lalaking ito eh. Look at those biceps, triceps and of course, di papahuli ang abs. Lahat may muscle, mapapakagat labi ka na lang. Sabay kagat ko sa labi ko.

"HOOOOOOOOOOOOOOYYYYYYYYYYYYYY!!!!" Sigaw ni tapis king.

"Ay kalabaw! Anu ba!!!???? At anu bang pinagsasabi mo dyan na desperada ko." Aish! Kailangan kung bumawi, di dapat ako magmukhang manyak at desperada dito. Badtrip kasing abs yan eh. " Di ako desperada nuh, for your information I have lots of suitors pero dinededma ko lang. Hmmp!"

"Then anu ito, why did you kidnapped me?" tanong ulit ni tapis King.

" Ang kulit mo naman eh. How many times do I have to tell you that I didn't kidnapped you? I'm also a victim here." Badtrip ito paulit ulit ako. Napapa-english na din tuloy ako

"And you want me to believe that?" si tapis king na naman.

"Because it's the truth, you know what? If you don't want to believe me then I don't care. I need to go home. I'm sure that my parents are worried now." Sabi ko sabay patayo na sana sa kama.

"Why suddenly you don't care on what's happening? Eh samantalang kung makasigaw ka kanina eh parang gusto mo akong mabingi." tanong ni kulit tapis king habang nakatayo na sa harap ko at nakapamewang.

"Hehe, because I notice that I'm still wearing my panty, there's no bloodstains at di masakit yung private part ko so it means......nothing happened to me. But sad pa din, paniguradong may nakita yung mga hoodlum na yun" Sabi ko habang nakayuko at nagpipigil ng inis.

"Why?" puro why naman itong boy tapis king na ito oh. "Don't you know na sa first timer lang yung bloodstains na sinasabi mo? What if may nangyari tapos nagsuot ka lang ulit ng panty?" Ay bwiset!!! Anung akala ng lalaking ito? Na kaladkarin akong babae?

"Hoy!!!! FYI, virgin pa po ako. Anung akala mo sa akin? Kaladkaring babae?" sabi ko yan habang dinuduro – duro ko sya, sabay pulot sa mga damit ko at punta sa banyo sa likod niya.


LUCKY TO BE TAKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon