Chapter 11

618 15 3
                                    

Kiara's POV
Hindi na lang ako sumali sa usapan nila kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila.Mabuti nalang dumating na ang teacher namin kasi hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Maxine...
Bat ba kasi hindi ko kayang labanan ang mga taong nananakit sa kin?Bat ba kasi ang hina-hina ko?Kailan ba ako magiging malakas at palaban??Ano nalang ang buhay ko kung walang nagliligtas sakin??Baka matagal ng sira itong mukha kong Pangit kung wala ang mga kaibigan kong nagliligtas sakin..Hay!!sana wag magsawa ang mga kaibigan kong iligtas ako dahil hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko laban sa mga taong nananakit sa kin.....
Hindi ko namalayan ang oras dahil sa malalim kong iniisip..Uwian na pala at heto kami ngayon ng mga kaibigan ko naglalakad paalis sa school...
Habang naglalakad kami may naka bunggo ako at dahil sa kalampahan ko napaupo ako at unang bumagsak sa semento ang pwet ko....
"Aray ang sakit ng pwet ko.."inda ko sa pwet kong bumagsak sa semento
"Okay ka lang ba Kiara??"tanong sakin ng naka bungguan ko...Pero teka bat alam niya ang pangalan ko??Tinignan ko kung sino itong lalaking nabangga ko dahil curoius ako bat alam niya ang pangalan ko....
"Ah oo okay lang ako Kurt salamat pala sa pagtulong mong makatayo ako"
"Parang ang lalim ng iniisip mo kanina ha...Kaya hindi mo napansin na mababangga mo na ako??Ako ba ang iniisip mo ha??
-________-
Okay na sana eh tinulungan niya akong tumayo pero sa kasamaang palad sinabi bang iniisip ko siya...tsk feelingero
"Bat naman kita iisipin??!!"mataray na tanong ko sa kanya
"Kasi gwapo ako at iniisip mo na naiinlove kana sakin?"ngiting ngiting sabi niya sa kin
"Asa ka naman...ikaw iisipin ko??"sabay turo ko sa kanya..."wag kang feelingero Kuya di bagay sayo"
"Wag ka na kasing mag deny huling-huli ka na nga eh.."
"Hindi nga ikaw ang iniisip ko eh..Bat ba kasi ipinagpipilitan mong ikaw ang iniisip ko ha??!!"
"Kasi gwapo ako"taas baba ang kilay niyang sabi sa kin
"Ikaw gwapo??"tanong ko sa kanya
"Oo"
"San banda at hahanapin ko?""
"Sa mukha ko.."sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa kin at ilang inch nalang magkikiss na kami sa lapit ng mukha niya...Hindi ko kayang umalis dahil isang maling galaw ko lang mahahalikan kuna siya kaya tinitigan ko nalang siya..
"Baka matunaw ako sa kakatitig mo" sabi niya sa kin sabay layo na ng mukha niya sa kin...Umiwas nalang ako ng tingin at tumingin ako sa mga kaibigan kong kilig na kilig na ngayon..
"Kiara tara may pupuntahan tayo .."sabi ni Kurt sakin sabay hila ng kamay ko
"Teka lang magpapaalam muna ako sa mga kaibigan ko.."sabi ko sa kanya
"Amm..Candice,Maxine,Keisha..Amm...Mauna na kayong umalis may pupuntahan lang kami ni Kurt...."nahihiyang sabi ko sa kanila
"San ba kayo pupunta?"naka ngiting tanong ni Candice sa kin
"Mag dedate kami"biglang sagot ni Kurt sa tanong ni Candice
"Mag dedate??kayo??"kinikilig na tanong ni Keisha
"Oo"sabi ni Kurt
"Kyahh!!!cge cge punta na kayo baka gabihin kayo...Ingatan mo yang si Kiara ha malilintikan ka sa min pag hindi ligtas na nakauwi niyang si Kiara sa bahay nila..."sabi ni Maxine
"Syempre naman iingatan ko itong kaibigan niyo..At hindi ko hahayaang masaktan itong girlfriend ko.."
"Ayiee!!ang sweet naman ni Kurt...Ang swerte mo Kiara at siya ang naging boyfriend mo ..cge na alis na kayo.."sabi ni Candice
   At yun kinaladkad na naman ako ni Kurt papunta sa Parking lot
"Hindi ka naman mahilig mangkaladkad eh noh?"sarcastic na sabi ko sa kanya
"Ang bagal mo kasing maglakad para kang pupunta sa libing kung maglakad.."masungit na sagot niya sa kin
"Eh ano naman kung mabagal akong maglakad?!Sinabi ko ba kasing hintayin mo ako??"
"Bat ba ang sungit-sungit mo sa kin ha?!!"
"Wala lang trip ko lang ...Bakit masama nabang maging masungit ngayon??!!"
"Hindi naman pero parang hindi mo ako boyfriend kung ituring mo...Wala ka man lang ka sweet-sweet sa kin.."
"For your information Mr.Lee hindi naman talaga kita BOYFRIEND eh diba nagpapanggap lang tayo..At wala akong pake kung hindi ako Sweet sayo ..Pero teka diba sabi mo sa kin kanina magdedate tayo??"
"Oo bakit may angal ka??!"masungit na sagot niya sa kin
"Oo meron diba nasa RULES natin na bawal tayong mag date.."
"Tsk!!!Wala akong pake diyan sa RULES-RULES mo na yan...Basta gusto kung magdate tayo ngayon.."
"Pano kung sabihin ko sayong ayaw kung makipag date??anong gagawin mo?"
Tumingin tingin siya sa paligid bago humarap sa kin..
"Nakikita mo ba ang mga babaeng yun?"sabay turo sa isang grupo ng mga babaeng nakatingin sa min..
"Oo bakit?"
"Mga Fan Girls ko ang mga yan kaya kong gusto mo pang masikatan ng araw bukas ..Makikipag date ka sa kin.."sabi niya"Sakay na baka mamaya sumugod na ang mga yan dito baka dika na makabalik ng buhay sa bahay niyo.."
Agad naman akong sumakay sa kotse niya dahil mahirap na baka hindi nga ako makauwi ng buhay pag di ako sumama sa kaniya...Nakakatakot naman kasi ang mga tingin nila sa kin parang binabalatan nila ako ng buhay sa mga tingin nila sakin
"San ba tayo pupunta??"tanong ko sa kanya
"Basta maghintay ka nalang pwede!!"masungit na sabi niya sa kin
"Tsk!!Ang sungit.....Kala mo naman kong sinong gwapo ang pangit naman"..
"May sinasabi kaba??"masungit parin na sabi niya sa kin
"Wala  sabi ko gwapo ka.."sabi ko sa kanya...Hindi na siya nagsalita itinuon nalang niya ang atensiyon niya sa pagdradrive niya...At dahil naboboring ako natulog nalang ako..

Kurt's POV
    Nakarating na kami sa mall...Oo tama kayo sa mall kami pupunta ngayon dahil gusto ko siyang ipa make over dahil ipapakilala ko siya kay lola at kay mommy..Tama ulit kayo ipapakilala ko na siya....Ang kulit kasi ni Mommy eh gusto daw niyang makilala ang girlfriend ko....
        Tinignan ko si Nerd habang natutulog....Maganda naman pala etong Nerd na ito eh...Hindi lang marunong mag-ayos at manamit ng babagay sa edad niya...Habang tinitignan ko ang mukha niya napadako ako sa mapupulang labi niya parang ang sarap halikan parang ang lambot-lambot..Hindi ko namamalayang unti-unti ko na palang inilalapit ang mukha ko sa mukha niya at ang sunod na nangyari hinahalikan ko na siya..Agad akong lumayo sa kanya kasi gumalaw siya at unti-unti ng nagigising kaya agad akong umiwas ng tingin para hindi niya malaman na tinitignan ko siya...
   
"Buti naman nagising kana kanina pa kaya kita ginigising"pagsisinungaling ko sa kanya
"Ah sorry napasarap lang ang tulog ko at isa pa napagod kasi ako"sagot niya
"Tara na baba na tayo andito na tayo"
"Asan ba tayo?"
"Nasa mall"
"Ano naman ang gagawin natin dito sa mall??"
"Magpapa make over"
"Sino ang magpapa make over ikaw??"
Hindi ako...ikaw"
"Ano!!ako??bat naman ako??at tiyaka ayaw kong magpa make over kuntento na ako sa mukha ko kahit PANGIT"
"Alangan namang ipakilala kita sa Mommy ko na ganyan ang itsura"
"Ano!!?ipapakilala mo ako sa Mommy mo??"gulat na gulat na tanong niya sa kin
"Oo bakit may angal??"
"Wala naman nabigla lang naman ako eh sabi mo kasi magdedate tayo eh..Dimo naman sinabing ipapakilala mo ako sa Mommy mo..."naka pout na sabi niya...Ang cute niya palang mag pout ang sarap halikan eh..Ano na ang nangyayari sa kin kung ano-ano ang mga naiisip ko...At kalimutan niyo nang sinabi kung cute siya
"Wag kang feelingera hindi kita idedate..Magiging kawawa kalang pag nag date tayo magmumukha ka lang na YAYA ko kaya stop dreaming that i will date you kasi hindi yan magkakatotoo.."nakita ko ang naging reaksyon niya habang sinasabi ko ang mga salitang niyan unti-unti siyang sumisimangot
"Okay sabi mo eh.."😔😔malungkot na sabi niya
"TSK...ang drama mo Nerd tara na sa loob baka gabihin pa tayo..."Sabay hila ko sa kanya...Kawawa naman siya mukhang nasaktan siya sa mga sinabi ko...Hay!!na guiguilty tuloy ako

When Miss Nerd Got InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon