Chapter 14

583 18 0
                                    

(Ganyan itsura ni Kiara para pagbuksan ng pinto ang kuya niya):):

Kiara's POV
Nagising ako sa isang malakas na pag katok sa kwarto ko kaya agad akong bumangon para pagbuksan ang taong umisturbo sa pagtulog ko...Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko habang nakapikit parin ang mga mata ko dahil inaantok pa talaga ako...
"Sino ka??na saan ang kapatid kong pangit??"sabi sa kin ni Kuya Louie
"Kuya naman ako to si Kiara"inaantok na sabi ko
"Panong naging ikaw si Kiara eh ang ganda mo tas yung kapatid kong si Kiara ay ang Pangit tas buhaghag ang buhok??Tas mukha siyang Unggoy.."
"Kuya ano ba ako nga si Kiara!!"Naiinis na sabi ko sa kanya..Bat ba kasi ayaw niyang maniwala na ako ang kapatid niyang si Kiara??
"Hindi ako naniniwala sayo hindi ikaw si Kiara..Ilabas mo si Kiara"sabay yugyog niya sa kin.."Asan siya??san mo siya dinala?"
"Ano ba kuya!!Bat ba ang kulit mo sinabi ko na ngang ako si Kiara diba bat ba ayaw mong maniwala??Ganon na ba ako kapangit noon kaya ngayong gumanda na ako ay di mo na ako makilala!!?"Tsk!!bat ba ang OA ni kuya??
"Hahahahhaha...Alam ko naman eh na ikaw si Nerd iniinis lang kita..."tumatawang sabi ni kuya Louie
"Tsk!!wala akong panahong makipag asaran sayo kuya...Yan lang ba ang sasabihin mo kaya ginising mo ako nang pagkaaga-aga??
"Ammm...well ginising kita kasi gusto ko lang ipaalala sayo na maaga kang papasok ngayon kasi may klase ka..At tiyaka may naghihintay na gwapo sa baba pero syempre mas gwapo pa rin ako.."ngiting-ngiting sabi niya
"Sino naman yung lalaking yun??"
"Kurt raw at boyfriend mo raw siya.."
"Ah si Kurt lang pala at oo boyfrie-----...Ano!!bat andito siya hindi naman niya sinabi kagabi na susunduin niya ako ngayon ha!!"
"Aba ewan ko sayo...Dalian mo kanina pa yun naghihintay sayo...baka nga nabutasan na ang couch natin kakahintay niya sayo....At mga mahigit one hour na siyang naghihintay sayo.."
"Ano!!Bat di mo ako ginising kuya!!?"
"Kanina pa kaya ako kumakatok sa pinto mo pero ayaw mo akong pagbuksan"
"Patay!!!"natatakot na sabi ko
"Yan kasi tulog mantika ka hahahaha...."
"Nagsalita ang hindi TULOG MANTIKA!!cge na alis kana kuya at maliligo na ako...Baka magtransform sa Leon yung naghihintay sa kin.."
Hindi ko na hinintay na makapagsalita si Kuya..Agad na akong pumunta sa banyo at agad agad na naligo..At nung tapos na akong maligo isinuot ko na agad agad ang uniform ko at agad na bumaba...Nakita kong naka upo si Kurt sa sofa namin habang naka busangot ang mukha..
"Mommy,Daddy,Kuya!!una na po kami!!"paalam ko kina mommy
"Hindi ka na ba kakain anak?"tqnong ni mommy
"Hindi na po Mommy sa school na lang po cge po una na kami.."
"Oh siya cge anak ...Ingngat kayo ha.."sabi ni daddy
"Opo daddy"
Lumabas na kami sa bahay at sumakay agad ako sa kotse niya..
"Bat ang tagal mong bumaba??"cold na tanong niya
"Amm....naligo pa kasi ako"
"Kung naligo ka bakit inabot ka ng mahigit isang oras sa paliligo??"
"Amm...N-na pa-pasarap ka-kasi ang tu-tulog K-ko kaya natagalan akong bumaba...Bat kasi hindi mo sinabi kagabi na sabay tayong papasok sa school ngayon??"
"Tsk!!!Kailangan pa bang ipaalam para maaga kang gumising??!"cold parin na sabi niya
"Hindi naman pero mas mabuti sana kung sinabi mo sa kin kagabi para gumising ako ng maaga para sana hindi ka naghintay ng matagal"
"Tss!!!"yan lang sabi niya at hindi na muli pang nagsalita
Nang maka rating kami sa school makikita mo na ang. Mga daang-daang babae na naghihintay sa pagdating ni Kurt at maririnig mo na ang mga hiyawan nila..Nung nakalabas na si Kurt sa kotse niya mas lumakas pa ang hiyawan nila..Pinagbuksan ako ng pinto ni Kurt at inalalayan akong maka baba sa kotse niya..Nang makita nila ako bigla silang tumigil sa paghiyaw at nag umpisa ng magbulungan..
"Sino yang babaeng yan??"girl 1
"Ang ganda niya pare"boy 1
"Miss pwedeng mang ligaw?"boy 2
Pagkasabi niyan ng lalake biglang humigpit ang pagkakahawak ni Kurt sa kamay ko...Nang tignan ko ang mukha niya hindi na maipinta sa sobrang inis..Bat kaya ganyan ang mukha niya??
"Sayang maganda sana siya pero ang landi naman niya"girl 2
"Girlfriend kaya ni Papa Kurt niyan?"girl 3
"Gaga diba may girlfriend na si papa Kurt yung nerd diba yun yung girlfriend niya"girl 4
"Aba malay mo baka nagsawa na si papa Kurt dun dahil sa pangit niyang mukha hahahahah.."girl 3...tas nagtawanan sila
"Transferee kaya siya??ngayon ko lang kasi siya nakita eh"girl 5
"Hindi sila bagay ni papa Kurt ang pangit naman ng babaeng yan"girl 6
Yumuko nalang ako kasi nahihiya ako..Patuloy parin kami sa paglalakad ni Kurt papunta sa room ko..At nang makarating na kami sa room nagpaalam na siya sa kin..
"Sabay tayong maglulunch mamaya...Susunduin kita rito wag na wag kang aalis hanggang wala ako.."sabi niya
"Cge hihintayin kita"sabi ko
"Cge na pumasok kana para maka pasok na rin ako sa classroom namin.."
"Cge bye!!"naka ngiting sabi ko at pumasok na ako sa loob ng room namin..At umupo na ako sa upuan ko at hinintay ang tatlo kong kaibigan..

Kurt's POV
Nang naka rating na kami sa school agad akong bumaba sa kotse at pinagbuksan ng pinto si Kiara....
Ang sarap dukutin ang mga mata ng mga lalaking tumitingin kay Kiara...At ang lakas ng loob ng lalaking nagsabing pwedeng mangligaw kay Kiara eh nakikita ng nga nilang andito ako na BOYFRIEND niya!!!!
Bat ba ganito ako makapag react??Eh FAKE BOYFRIEND lang naman ako ni Kiara??Diba wala naman akong karapatan na magalit kung may ibang lalaking tumitingin at manliligaw kay Kiara??Hindi ko siya pagmamay-ari kaya wala akong karapatang ipagdamot siya....Pero bakit ganito ang nararamdaman ko??gusto ko akin lang siya,gusto ko ako lang ang titingin sa kanya,gusto ko ako lang hahawak sa malalambot niyang mga kamay,gusto ko ako lang ang manghahalik sa mapupula at malalambot niyang labi,at higit sa lahat gusto ko ako lang ang manligaw sa kanya..
Bat ko ba sinasabi ang mga salitang yan??Gusto ko na ba si Kiara o mahal ko na siya??Ang daming katanungan sa isip ko na gusto ko nang masagutan...
Sa kakaisip ko kay Kiara hindi ko namalayang nakarating na ako sa classroom namin....Pumasok agad ako at dumiretso sa upuan ko...

"Oh bro mukhang ang lalim ng iniisip mo ha??"sabi ni Jeydon..hindi ako nagsalita nagpatuloy ako sa pag upo ko...
"May problema ka ba bro??"tanong ni Nathan ..hindi ko parin sila pinansin
"Babae siguro ang problema niya.."sabi ni Ethan habang naka ngisi
"Kung babae ang problema mo Kurt sabihin mo lang sa min at tutulungan ka naming lutasin ito hahahahaha"ani ni Dustin
"Tsss....mga gunggong....wala akong problema at higit sa lahat hindi ko problema ang babae.."
 
   Hindi na sila nakapagsalita kasi dumating na ang teacher namin...At agad na nag discuss.

When Miss Nerd Got InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon