Chapter 13

560 18 4
                                    

Kiara's POV
    Nagising ako sa pangtatapik sa kin ni Kurt..
"Asan na tayo??"tanong ko sa kanya
"Nasa bahay na tayo kaya lumabas kana diyan para maka pasok na tayo sa loob.."
"Ah cge"
        Habang naglalakad kami papasok sa bahay nila hindi ko maiwasang mamangha dahil ang laki ng mansyon nila at ang gaganda ng mga gamit nila.Mas malaki pa ito sa mansyon namin..Makikita mo talagang mayaman sila.At habang papalapit kami sa daining area nila hindi ko maiwasang kabahan dahil makikita ko na ang mommy at lola niya.Pano kung ayaw nila sakin?Pano na ang relasyon namin ni Kurt?Paghihiwalayin ba nila kami?Ay wait bat ang OA ko hindi naman pala tunay ang relasyon namin...
"Good evening Mom,Lola"bati niya sa Mommy at Lola niya..Isa lang masasabi ko ngayong nakita ko na ang Mommy at Lola niya ang gaganda nila parang bata pa ang Mommy niya kung titignan mo parang kapatid lang ni Kurt ang mommy niya.At ang lola naman niya di mo mapapansin na may edad na dahil sa kagandahan niya..
"Good evening too son..Is that your girlfriend?"tanong ng Mommy niya sabay tingin sa kin..Yumuko nalang ako dahil nahihiya ako
"Yes Mom..by the way Mommy,Lola this is Kiara"pakilala niya sa kin.."Kiara this is my mommy and my grandma"pakilala niya sa mommy at lola niya sa kin
"Good evening po sa inyo"sabi ko sabay ngiti
"Good evening too iha...Ako nga pala si Cristine Kate Lee.."pakilala ng Mommy ni Kurt
"I'm Kiara Irish Salvador Ma'am nice meeting you"
"And I am Faith Lee..Kurt's grandmother"sabi ng Lola ni Kurt
"Nice meeting you Ma'am Kate and Ma'am Faith.."sabi ko sabay bow sa kanila
"Oh don't call me Ma'am just call me Tita or Mommy okay.."nakangiting sabi niya sa kin
"Amm...okay tita"naiilang na sabi ko
"And me too don't call me ma'am just call me grandma okay.."nakangiti ring sabi ng Lola ni Kurt
"Ah cge po grandma"nakangiting sabi ko
"Okay let's eat"naka ngiting sabi ni tita Kate
        Habang kumakain kami di maiiwasan ang pagkwekwentuhan...Ang saya ko ngayon kasi kahit Fake Girlfriend lang ako ni Kurt eh ipinakilala niya ako kay tita Kate at kay grandma...Marami kaming napagkwentuhan tungkol sa pamilya ko at sa pamilya nila..Isa lang ang masasabi ko ang saya-saya ng pamilya nila parang ang sarap mapabilang sa angkan nila..Hindi namin namalayan na gabing gabi na pala dahil napa sarap ang aming pagkwekwentuhan..Kaya napagdesisyonan na ni Kurt na ihahatid na niya ako sa bahay namin..

"Tita and grandma salamat po sa pag imbita sa kin dito.."sabay ngiti ko sa kanila.."At salamat po sa mga inihanda niyong masasarap na pagkain na busog po ako ng sobra-sobra"
"Walang anuman iha...balik ka ulit dito ha..At itutuloy natin ang pagkwekwentuhan.."sabi ni tita Kate
"Opo tita pag wala akong ginagawA"
"Cge na Mom ihahatid ko na po si Kiara..Gabi na kasi at maaga pa kaming papasok bukas sa school"sabi ni Kurt
"Oh siya cge mag-iingat kayo ha"
"Opo tita cge po ba-bye at tiyaka gud nyt po.."nakangiting sabi ko
"Cge iha gud nyt too"
      Pumasok na ako sa loob ng kotse at agad namang inistart ni Kurt ang engine ng sasakyan niya..At pinaharurot ng mabilis..At dahil ang bilis magpatakbo ni Kurt agad kaming nakarating sa bahay..
"Amm...Kurt thank you sa pagiimbita sa kin sa bahay niyo,thank you rin sa pag mamake over mo sa kin,salamat dito sa mga binili mong damit,sandals,and sa mga pangpaganda na inaaply sa mukha at thank you sa pag hatid mo sa kin dito sa bahay.."nahihiyang sabi ko sa kanya
"Wala yun cge na pumasok kana sa loob ng bahay niyo para maka uwi na ako dahil gustong-gusto ko nang matulog...."cold na sabi niya sa kin
"Ah cge thank you ulit at gud nyt sweet dreams ingat sa pag dradrive.."naka ngiting sabi ko
     Bumaba na ako sa sasakyan niya at hinintay na makaalis siya...At nung hindi ko na matanaw ang sasakyan niya pumasok na ako sa bahay at dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog na dahil pagod na pagod na ako.......

When Miss Nerd Got InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon