Carmela's POV
October 19,2014
Ngayon pala kami lalabas ni Daniel para i-celebrate yong birthday nya. Pero wala akong regalo sakny -,- huhu nakakahiya naman!
"Lola. Alis po muna ako, may lakad kami nila Denden eh." pagpapaalam ko kay lola.
"San kayo pupunta nanaman?" tanong nya sakin. Patay! Ano sasabihin ko?
"Amm. Sa bahay nila Mark, birthday kasi nong ading niya lola." pagsisinungaling ko. Bad mela!
"Osige. Umuwi ka ng 4pm ha? Ang aga mo umalis 8:00am pa lang" sabi ni lola sakin.
"Opo opo. Mauna nko lola" umalis nko. Tsk! Nakalimutan ko humingi ng pera -.- 500 lang tuloy pera ko.Daniel's POV
From Carmela
Asan ka? Nsa harap nko ng 7eleven.Ayun. Kitang kita ko siya mula dito sa kinatatayuan ko hahaha. Ang ganda niya talaga. Ewan ko kung bakit kinakabahan Ako tuwing nakikita ko siya.
To Carmela
Andito ako sa bus terminal. Nakikita na kita
From Carmela
Hays sige wait mko dyanSo yun, naglakad na siya papunta sakin. Nakakasilaw siya. Bakit siya nagsuot ng short? Psh. Kailangan maging matinik ang mata ko ngayon sa paligid niya. Mahirap na! Baka maraming tumitig saknya. Naka long sleeve na pink siya at maong na short at rubber shoes lang. Ang ganda niya padin tignan sa simple niyang porma.
"Hoy makatingin ka dyan!" suway niya sakin.
"Ano ba. Hindi ako sanay! Psh" dagdag pa niya tska umiwas ng tingin. Eh sa dko mapigilan mapatitig saknya eh
"Hahaha sorry na! Ganda mo kase eh" sabi ko sabay hila saknya pasakay ng bus.
"Wow! Bt ba ang hilig mong manghila ha?" tanong niya with taas kilay. Ayan nanaman yong maldita side nya
"Oo ah. Para naman mahila kita papalapit sakin palagi at para di ka makuha ng iba" pagbitiw ko nong mga salitan yon, namula na lang siya. Hahaha para siyang strawberry tuloy.
"Ang mais mo. Yuk" tumawa nalang ako nong masabi niya yon.Tahimik lang kami sa biyahe. Naka headset kaming dalawa at nakasandal ulo ko sa balikat niya habang nakatingin sya sa labas ng bintana.
"Hayy. Ang init naman! Di ba pwedeng ibaba tong window?" sabi niya. Nakit ko rin yong legs niya na maputi at nasikatan pa ng araw kaya mas lalong lumitaw iyon, napakunot naman ang noo ko at inilagay ko yong bag ko sa legs nya para maharangan.
"Next time wag ka na magsusuot ng maiksi. Okay?" sabi ko saknya. Namula siya at mukhang nahihiya.
"Ah-hh. O-ok-ayy" at inayos nya yong bag ko na nakalagay ngyon sa legs nya. Hindi naman sa pangit tignan o ano? Ayaw lang tlaga naming mga lalake na nakikita ang babaeng mahal namin na nakasuot ng mga maiiksing damit lalo na't maraming mata ang umaaligid.Carmela's POV
Grabe siya. Sobrang protective <3 hahaha. Ugh! Andito na kami sa CSI. Agad naman kaming nagtungo sa sinehan.
"Ano ba papanuorin natin?" tanong ko sakanya.
"Yang Dracula Untold nlang" sagot niya. So yun ang pinanuod namin.
*FastForwardTapos na kaming manuod, habang nasa loob kami ng sinehan sobrang lambing niya. Hawak niya lng yung kamay ko. Wait what? Pano yun?! Hahahah. Dko na din namalayan. So ayun, umuwi na kami para magsimba.
"Magbihis ka muna. Wag ganyan suot mong magsimba, hintayin nlang kita sa simbahan. Magpantalon ka ha?" Utos niya sakin. Wiw!!
"Oo na. Sige ingat!!" agad na akong nagbihis at pumunta sa simbahan. Nakinig lang kami sa misa, natatawa ako kase ang maka diyos niya. Talagang nakatutok siya sa misa.
"Magdasal ka kaya, di yung nakatitig ka sakin" sabi niya
"Ay ang kapal. Nsa simbahan tayo, yang lumalabas sa bunganga mo di kanais nais" sabay irap ko saknya. Papatalo ba naman ako? Hahaha no way!
"Hahahahah! Galit ka na niyan? Biro lang yun" pagkasabi niya non, bigla siyang lumuhod at nagdasal so ginaya ko siya."Anong pinagdasal mo?" tanong niya sakin.
"Sakin nlang yun. Mind your own, psh. You? Ano pinagdasal mo?" sabi ko.
"Hmm. Na sana bumait ka na, sana wag ka ng masungit. Sana wag mko iwan, sana di mko saktan. Sana maging tayo kase aalagaan naman kita. Nagpromise pa ako kay Lord oh" bigla niyang sabi. Ewan? Bigla akong natawa.
"Pfttt. Hahahaha! Are you in drugd?!" tawa at sabi ko saknya.
"I don't need drugs, I'm already addicted to you baby" *tugtug tugtug* wth? Bilis ng tibok ng puso ko. Ang husky ng boses niya.
"Cut it out. Tapos na misa, I want to go home." pang iiba ko ng topic. Baka mahalata niyang may epekto na siya sakin. Psh
"Hahaha kain muna tayo. Alam kong gutom ka... NANAMAN" tawang tawa siya.
"Sana birthday mo lagi hahaha para madaming foods" sabi ko.
"Kahit dko naman birthday, binubusog kita eh!" Binubusog? Duh?!
"Excuse me? Nang ano naman aber?!" taas kilay kong tanong saknya.
"Ng pagmamahal ko sayo" hahahah. Ewww! Corny.
"Corny mo! Haha kain na nga tayo para makauwi na tayo. 5:30pm na oh." patay! Hanggang 5 lang paalam ko nong nagbihis ako sa bahay.
"Ah. Sige. Tara na"Nong matapos kaming kumain, hinatid na niya ako at umuwi na din siya. Hays! Nakakapagod naman this day! Ano ba yung mga pinagsasabi kanina nong impakto na yun? Nagugulo isip ko eh! Huhuhu. Lulusog nanaman tuloy tong eyebags ko. Kaasar!
Daniel's POV
BEST BIRTHDAY EVER!!! Nakakabakla pero the best talaga! <3 nakasama ko yung babaeng mahal ko. Kelan ba ko aamin? Hays. Pano kung iwasan niya ako?! :( lahat ng sinabe ko saknya kanina, totoo. Pero wala akong lakas ng loob para sabihin ng mas seryoso yun. Sana naman ma-gets nalang niya :) matutulog nko. Para pag gising ko, makikita ko na ulit siya.
BINABASA MO ANG
My first love
Non-FictionSabi nila, first love never dies daw. Kahit na hindi na kayo, laging merong special place sa puso mo ang taong una mong minahal. Siguro nga ganon yon. Pero hawak parin ng tadhana kung pagtatagpuin kayong muli o hindi. May mga tao na dumarating sa bu...