EBMD 23

31.7K 710 27
                                    

FB: Tinea Garcia

EBMD 23

HINDI matapos tapos ang ngiti ko habang tinitingnan ko si Tiago Lance na inaayos ang mesa para sa agahan.

The usual Monday morning came, and It's just me and him over breakfast. Kahit balik baliktarin pa ang mundo, hindi ko pinagsisisihang minahal ko siya, at mas lalo pang mamahalin!

I love him and that won't change even after life. Siya na ang nakikita ko sa bawat pagpikit at bukas ng mga mata ko. He's the reason of my thoughts and smiles. It's only Tiago Lance who can flipped my heart in just a split seconds. Siya lang.

"Barbara, tinusta mo na naman ang bacon." Nakagat ko ang aking labi nang makitang nangingitim na ang pobreng bacon na niluto ko. Sa sobrang nipis nyon, I'm sure it will be as crunchy as the charcoal.

"Sorry na..." Nahihiyang utas ko. Palpak na naman ang luto ko. I can't concentrate. I can't take off my eyes to Tiago Lance as he has been my favorite spot since I got laid an eye on him!

"Ano ba kasing iniisip mo at nalimutan mo na ang niluluto mo?" He softly groaned as I watched him eat the bacon.

"Ikaw." I pouted my lips. "Ikaw iyong iniisip ko kaya nasunog ko na naman ang niluluto ko." Umiling lamang siya at pinagpatuloy ang pagkain. I picked up a bacon, iyong medyo hindi natutong at kumagat niyon. Napangiwi ako ng malasahan ang pait niyon. I'm not good in kitchen, I know.

"Huwag ka nang kumain niyan, TL. Ang sagwa ng lasa." Hinarangan ko ng aking kamay ang akma niyang pagkuha ng bacon.

"No. I can take it. May iba namang hindi sunog. Besides you cook this, I won't be wasting your effort."

Namumula ang pisnging tumango ako sa kanya at pinagpatuloy na lamang ang pagkain.

"Ikaw na ang kumain nito." Binigay niya sa akin ang sunny side up egg na maayos niyang niluto habang pinagtyatyagaan niya naman ang sunog kong niluto.

"TL..." Bulong ko sa kanya habang nakayakap ako sa likod niya. Pinaandar niya ang kanyang motor at mabining pinaarngkanda iyon. Malamig ang hangin na humahampas sa aking mukha.

"Thank you. Salamat kasi pinagtyagaan mo iyong luto ko kahit sunog." The way he insisted eating the food that I have burnt made my day. Ang isiping kinokonsidera niya ang effort ko sa pagluluto ay isang malaking bagay para sa akin.

Tumango siya habang hinihigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

Lumipas ang buong araw na hindi ko namamalayan. Tiago Lance attended a whole day convention outside the University, kung kaya nagpadeliver na lamang kami ng lunch nila Zol at Dindin sa office.

Napangiti ako nang masilip ang text niya sa akin. 

He: I'm almost there. Susunduin kita sa office ninyo.

"Oo na, Manika. Ikaw na ang may sundo. Ikaw na ang may lovelife. Mauuna na kami." Matapos makapagpaalam kina Zol at Dindin ay eksakto namang nagring ang phone ko.

"Nasa labas na ako ng building ninyo." Tiago Lance said. I ended the call and excitedly went out the office. Lakad takbo ang ginawa ko matuntun lamang ang labas ng building.

I widely beamed when I saw Tiago Lance, waiting for me. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at halos takbuhin ko ang pagitan namin.

Dear God! How I miss my boyfriend!
"Slow down, Barbara." Pero sa halip na sumagot sa kanya ay kaagad kong niyapos siya.

"Namiss kita, TL." Kontento akong humilig sa dibdib niya ng matagal na sandali.

"You're running like a kid. You might slip on your way." He worriedly whispered. Humagikhik ako at kumapit sa braso niya.

Austen-Henderson Series 5: ENCHANTED BY MR. DEANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon