EBMD 5

36.9K 841 33
                                    

EBMD 5:

"WHAT are you doing here?" Hindi na ako nagulat nang salubungin niya ako ng kanyang salubong nang mga kilay at kunot na noo.

I flipped my hair and pouted my lips. "Kakain." Kapagkuwan ay namaywang ako sa kanya. "Masama ba?"

He gently dropped the menu on the table. Umigting ang kanyang panga at nag-aakusa akong tiningnan. "Are you following me?"

I chuckled and rolled my eyes. "Alam mo, ang praning mo, mister! Hindi ah. Nagkataon lang."

"Cut that bullsht, lady! Why do I keep on seeing you? Tell me, are you some kind of a stalker?"

"Stalker?" I doubtedly pointed myself.

"Itong gandang to? Hmmm..." I inched our distance and smiled sweetly at Lance.

Totoo naman kasing stalker na niya ako. But I never thought he's here. Nagkataon lang talaga. Promise!

Nangalumbaba ako sa kanya at walang habas ko siyang tinitigan. I can't do this when I'm Pietro, so I would take advantage of this rare opportunity.

"Baka naman kasi... Nakatadhana na tayo, Lance." Napahagikhik ako ng tumigas ang anyo niya. Hindi siya tuminag kung kaya mas lalo akong nahumaling sa taglay niyang kakisigan.

I removed his glasses and saw how lovely his lashes are. I found myself lost in his coffee eyes again.

"Tell me, Lance. Gusto mo bang iistalk kita?" Umiling siya at tumayo bigla.

Nalaglag ang aking panga nang makita ang isang magandang babae na pasalubong sa kanya.

Who is she?

"I'm sorry Lance. Did I kept you waiting?" Naningkit ang mga mata ko nang makita ang pagdampi ng palad ni Lance sa likod ng babae. Mukhang siyang siya naman ang babae sa ginawa niya.

Girlfriend?

"Let's find another place, Kim." Nakaawang ang mga labing sinundan ko sila ng tingin ng lisanin nila ang resto grill.

Really?!

"I'm sorry Lance. Did I kept you waiting?" I mimicked that bitch voice. "Bwisit!"

I heard a loud clear of throat so I turned around. Sumimangot ako nang makita ang matiim na tingin saakin ni Lance.

"May kailangan ka?" Sarkastiko ko siyang tinanong. Umirap ako sa kanya ng damputin niya ang eye glasses niya. He then leaves me there.

"Bwisit talaga! Buti pa ang salamin, binabalikan. Samantalang ako, HINDI."

BUSANGOT pa din ang mukha ko ng umuwi na ako sa bahay ng gabing iyon.

Napaangat ang kilay ko nang mahinuhang nakabukas ang tv.

He's probably home.

Dire-diretso kong tinungo ang kwarto ko at nilock iyon. I laid down my bed and examined the ceiling.

"Buti pa ang tv, hindi niya malubay lubayan ng tingin. Samantalang ako..."

Inis akong bumangon at isa isang hinubad ang damit ko. I grabbed my hanging towel and toiletries on the side table.

I made sure the two doors are locked before I turned on the shower. Matapos maligo ay nagpalit na ako ng damit.

Huminga ako ng malalim at tulalang sumandal sa kama.

I admit, I'm missing home. I miss my cousins, their wives and David. Sila lang naman kasi ang kaibigan ko. Hindi ko kailanman naranasang malayo sa kanila.

Austen-Henderson Series 5: ENCHANTED BY MR. DEANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon