"Sorry, pero wala akong nararamdaman para sayo"
Tch! Ganyan na lang ba lagi? Yan na lang ba lagi ang madidinig ko kapag umamin ako sa isang tao? Lagi na lang ba kong aasa?
Kelan ba may maghahabol sakin? Kelan ba may magmamahal sakin? Puro ako na lang ba ang hahabol sa kanila?
Sana balang araw maranasan ko namang habol habolin ako ng taong mahal ko.
Sana balang araw mahalin din ako ng taong mahal ko...
Sawa na kong umiyak. Sawa na kong umasa. Sawa na kong magmahal ng taong hindi naman ako mahal...
Kung kaya ko lang baguhin ang tadhana...
-Summer
~~~
Hi guysss!!! So ito na po ang aking new story. Alam ko pong hindi ko pa tapos yung mga story ko, pero kating kati na po kasi ako na ipublish ko. Sana po magustuhan niyo.
Please support my new story. Thank you. Like and comment.