♥CHAPTER 4♥

22 5 0
                                    

Summer's POV

Shit naman! Bakit kausap niya si hyung?! Nagmadali akong pumunta sa table ni hyung at sinampal siya.

"Ang lakas din naman ng hiya mo no? Ikaw na ang nakipag-hiwalay kay hyung! Hindi ka pa ba kontento na sinaktan mo si kuya! Sabihin mo bakit ka andito? Diba engaged na kayo ni Sygel? Ano pa ba ang gagawin mo?!"sigaw ko kay Misha

Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa canteen. Pakielam ba nila?

"Summer!"sigaw ni hyung

"What hyung?! Don't tell me na kakampihan mo pa yang si Misha!"sigaw ko uli

"Summer it's not what you think"sagot ni Misha

"Then what?! Tell me!"sigaw ko

"Humihingi ako ng sorry sa kuya mo. Yun lang wala ng iba"sabi niya

Natigilan ako sa sinabi niya. Mygod naman! Please lupa lamunin mo na ko, ngayon na! Nakakahiya! Nag-eskandalo pa ko dito.

"Alamin mo muna kasi kung ano ang nangyayari Summer. Hindi yung pa bigka bigla ka na lang na magsisisigaw diyan. Araso?"sabi ni hyung

Oo na! Malay ko ba kasing humihingi siya sorry kay hyung. Noong naghiwalay kasi sila ni hyung doon nagsimula yung pagkakagalit ko sa kanya.

"M-Mianhae Misha. I didn't mean it. It just I got angry when I saw you. Please forgive me"sabi ko

Binabaan ko na lang yung pride ko dahil alam kong ako pa rin naman yung mali.

"It's okay Summer. I understand you. Alam kong malaki ang galit mo dahil sa ginawa ko sa kuya mo. Kaya eto ako ngayon at humihingi ng pasensya. Sorry Summer"sabi niya.

Kahit na ayaw ko pa rin sa kanya wala akong magagawa dahil napatawad na ata siya ni kuya.

"Pinapatawad na kita Misha. Basta kapag sinaktan mo tong si little Sygel ko lagot ka sakin"sabi ko saka tiningnan ko si Sygel na nakatingin sakin ng masama. Haha!

"Oo naman. Lahat gagawin ko para hindi masaktan tong si little Sygel mo. Haha!"sabi niya

Napangiti na lang ako. Ang cute nilang dalawa. Umalis ako sa canteen at pumunta sa field. Sakto namang walang tao dito, kaya masarap tumambay.

"Sorry Krince hindi na kita nailibre"sabi ko

Mukha nga akong timang eh. Wala naman dito si Krince pero nagso-sorry pa din ako. Haha!

"It's okay. Alam kong nabigla ka sa nangyari kanina"

O_O

"Hey! Look I'm sorry if I scared you"

Ohmygod! Nakakahiya! Andito lang pala siya. Shukla ng ina!

"W-Why are you here?"tanong ko

"Sabi kasi ni Daryl sundan daw kita. So ayun, kaya ako nandito"

Ahh. Pss! Si hyung talaga, tinatrato kong parang bata. Aish!

"Sorry nga pala sa mga nasabi ko kay Misha. Nagulat lang ako kasi pagkatapos niyang saktan si hyung bigla bigla na lang siyang magpapakita"sabi ko

"Okay lang yon. Alam ko namang nakain ka lang ng galit mo kaya mo yon nasabi. For sure naman na naiintindihan ka ni Misha"sagot niya

Bakit ang bait niya? Diba pinsan niya si Misha? Edi dapat galit siya sakin kasi sinabihan ko ng mga masasakit na salita si Misha diba?

"Bakit ang bait mo sakin Krince?"

"Huh?... Ewan ko. Maybe kasi kapatid ka ni Daryl? Ewan. I'm weird right?"sabi niya saka ngumiti

Shocks! Lord naman eh! Sabi ko ayoko na diba? Ayoko nang magmahal! Pero bakit binabalik ni Krince yung mga nararamdaman ko.

Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko kaya kinuha ko. May one message galing kay Sygel.

From: Little Sygel

Lagot ka sakin!

Problema nito? Ano na naman ba yung ginawa ko?

Tinignan ko si Krince na natutulog. Nakasandal kasi kami sa puno tapos ang tahimik pa dito kaya siguro nakatulog siya.

Pinagmasdan ko lang yung mukha niya. Yung face niya ang kinis, yung ilong niya matangos, yung pilik mata niya mahaba(nahiya naman yung pilik mata ko), yung lips niya mapula. Kung tutuusin perfect na tong si Krince eh. Gwapo, mayaman, matalino, mukhang gentleman at saka kamukha niya si Park Jimin ng BTS.

Yes! Kamukha niya ang baby Jimin ko. Waa!!! Pangarap kong makapanood ng concert nila dito kaya nag-aabang ako. I'm a Kpop fan kung hindi niyo alam. Aba yung kwarto ko halos mapuno na ng poster ng BTS, pero more yung mukha ni Jimin. Syempre iba na kapag bias mo. Haha.

"Jimin"sabi ko

Waa!! Iniisip ko tuloy na siya si Jimin!!

"Sino yon?"

"Ayy palakang buntis!!"

Aish! Bwisit naman tong si Krince. Bigla bigla na lang magsasalita eh nakapikit pa siya. GRR!!

"Sino yun? Boyfriend mo?"tanong niya saka umayos ng upo

"Boyfriend ko? Sana..."sagot ko

"Sana? Bakit binasted mo ba? O baka naman ikaw ang binasted?"natatawa niyang tanong

"Hoy kapal mo! Ako?... Ni wala ngang nanliligaw sakin eh. Kaya siguro dun ako sa ako yung binasted. Saka Korean idol si Jimin no? Hanapin mo yung BTS. Boy group sa Korea, kasali sa kanila si bebe Jimin ko. Yah!"sabi ko

"So feeling mo ikaw yung girlfriend niya ganon?"tanong niya

"Well, hindi naman masamang mangarap diba? And one more thing, kamukha mo nga pala si Jimin ko"sagot ko

"Weh? Sa gwapo kong to? Magiging kamukha ko yung mga mukhang bakla na yun?"aba! Hindi bakla si Jimin no?!

"FYI! Hindi po bakla si Jimin! Pakita ko pa sayo eh!"sabi ko saka kinuha yung phone ko

Hinanap ko yung mga photos ni Jimin don.

"Oh ayan! Oh diba kamukha mo? Saka anong bakla? Eh kita mo ngang may muscles eh"sabi ko saka tinapat sa mukha niya yung phone ko

"Infairness. Magaling yung nag-retoke sa kanya. Siguro nakita nila ko non tapos nagwapuhan sakin kaya ayun ginaya yung mukha ko. Aish! Gwapo ko kasi eh!"sabi niya na parang naiinis

Yabang! Tch! Baka nga siya pa yung nagpa-retoke para lang maging kamukha niya si Jimin eh.

"Oh"may inabot siya saking nakabalot

"Ano to?"tanong ko

"Buksan mo na lang"sagot niya

Tch! Sungit! Ano kaya to? Pinunit ko yung pagkakabalot sa box. Actually, medyo malaki siyang box.

Pagkabukas ko nung box literal na napanganga ako.

"Shit Krince!!! Waaa!!! Wae?!!! I cannot!!! Waaa!!!"[Wae-Why]

Yung box, as in yung buong box. Punong puno ng poster, pins, post card, t-shirt etc. ng BTS. OMYGOD!!!

"Calm down okay? Regalo ko dapat yan kay Misha. Kaso fan ka pala ng BTS, so yan. Peace offering ko na din pala yan para dun sa kaninang umaga"waaa!!! Di talaga ako makapaniwala!!

"Waa!!! Salamat Krince!"sabi ko saka ko siya niyakap

"Tch. Welcome"sungit talaga niya!

Kumalas na ko sa yakap and tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya sakin. Eto namang baliw kong puso biglang nag-react. Hayy! Kasalanan mo to Krince eh! Bat kasi ang bait mo sakin?! Yan tuloy nahuhulog na ko sayo.

Sana saluhin mo ko...

Fall for MeWhere stories live. Discover now