♥CHAPTER 1♥

88 6 0
                                    

Summer's POV

Another day of hopelessness. Hayy...

"Summer! Malelate ka na! Hurry up! Araso?!"[Araso- Alright?]

Bakit pa ko papasok? Ano pa dahilan? Para lang masaktan ako?

"Okay!"sigaw ko kay kuya Rein

Nagmadali akong maligo kasi baka iwanan na naman ako ni kuya. Pagkatapos kong maligo bumaba na agad ako.

"Summer!!"

Aray! Huhu. Yung tenga ko! Kung makasigaw naman tong si kuya akala mong may sunog na eh.

"Yah! Don't shout hyung!" [Hyung- older brother]

"Pano kong di sisigaw? Eh napakabagal mo. Tch! Iiwanan uli kita"waaa!! Ayoko ng maglakad uli!

"No! Eto na nga oh! Binibilisan ko na. Wag mo kong iwan kuya ah?"sabi ko habang kagat kagat ko yung sandwich

"Tch! Tara na. May susunduin pa ko"huh? Sino naman?

"Sino kuya? Girlfriend mo? Uyyy... Si kuya may girlfriend na" pang-aasar ko.

"Shut up! Wala pa kong nililigawan. Wag ka ngang matanong no? Tara na" sabi ko nga shut up na ko. Tch

Sumakay na kami sa kotse ni kuya. Magpapakilala pa ba ko? Wag na siguro no? Haha! Syempre joke lang.

I'm Summer Ylona Ocampo. I'm 16 year old. I'm studying at Fuentes University. I'm taking culinary arts. Marunong akong mag-korean kasi korean yung mommy namin eh.

Hyung's name is Rein Daryl Ocampo. Palasigaw yan, mainitin ang ulo. Pero kahit na ganun love ko naman siya. Haha!

Back to me. Masyadong madrama tong sasabihin kaya wag kayong iiyak okay?

Lagi na lang akong umaasa sa wala. Kahit na sabi nila kuya na maganda daw ako, I still don't believe them. Kasi kung totoong maganda ko bakit walang nagkakagusto sakin. Kahit nerd o bully man. Ako na lang lagi yung nasasaktan at umiiyak. Ako na lang lagi yung nagpapakatanga. Laging ako na lang ba? Hindi ba pwedeng sila naman? Kasi masakit na eh. Kaya eto ko ngayon, kahit na mukha akong masayahin, I'm a lonely girl na walang alam gawin kundi magpakatanga. Kahit na masakit go pa rin ako. Kasi malay niyo naman diba? May biglang dumating na tao para sakin. Wala akong pakielam kung sino man siya, basta ang mahalaga mahal niya ko at hindi niya ko iiwan. Sabi nga nila dadating ang taong para sayo sa tamang panahon. Kelan kaya ang tamang panahon para sakin?

"Summer wait me here okay?"sabi ni kuya tsaka umalis. San naman yun pupunta?

Maya maya ay nakita ko na uli si kuya na pabalik sa kotse, kaso may kasama siyang lalaki.

Sino yun?

"Sorry I'm late Daryl" sabi niya kay kuya.

"I'ts okay. Tara na baka ma-late tayo" wow naman. Parang wala ako dito ah.

"Oh. Si Summer nga pala. Summer si Krince"oh! So siya pala si Krince. Cool name

"Hi" bati ko sa kanya. Tinanguan lang niya ko tsaka pumasok sa loob ng kotse.

Aba! Lakas ng loob niyang isnobin ako. Siya na nga yung makikisakay eh. Hmp!

"Summer wag kang bumusangot. Ang panget mo!"sabi ni kuya habang nakatingin sakin sa salamin.

"Yah! Shut up! Bilisan mo nga! Late na  ko oh!"sigaw ko

"Kelan ka pa na concious kung late ka na ha?"ehh! Kaasar naman kasing Krince to eh.

Makapag-earphone na nga lang. Nilagay ko sa tenga ko yung earphone tsaka sumandal sa bintana.

Sakto naman yung kanta para sakin. Inside Out ng Chainsmokers.

Let me see the dark side
As well's the bright
I'm gonna love you inside out
I'm gonna love you inside out

Ganun sana no? I'm gonna love you inside out. Gagawin ko yun sa taong magmamahal sakin.

"Pagong bumaba ka na!"anong pagong?! Hindi ako pagong no?

"Hoy! Hindi ako pagong tanda!"sigaw ko. Haha. Ano ka ngayon?

"Sinong matanda ha?!"ikaw malamang. Tanga lang?

"Baka si Krince no? Malamang ikaw! Nirarayuma ka na nga eh!"haha! Kung nakikita niyo lang yung mukha ni kuya. Matatawa kayo

"Bumaba ka na nga! Dun ka mamaya sa table namin kakain araso?" [Araso-alright]

"Bye tanda! Ingat ka ah, baka atakihin ka ng rayuma mo. Haha!"tawa ko. Si Krince wala lang.

Lumabas na ko agad bago pa man din ako sigawan ni kuya.

Anong oras na ba? 7:04 pa lang. Hayy... Ang aga pa. 8:00 pa yung unang klase ko eh.

San naman ako pupunta nito? Aish! Si kuya naman kasi eh. Masyadong nagmamadali!

Pupunta na lang ako sa library.

~~

Hmmm... Ano kaya yung babasahin ko? Ahh! Alam ko na!

Pumunta ko sa section S. Inisa isa ko yung mga libro lahat ng makita kong libro na tungkol sa stars kinukuha ko. Hindi ko ba nasabi sa inyo? Mahilig ako sa stars.

Leche! Napadami ata ako ng kuha. Ang bigat! Waaa!

*Blag*

Aray! Huhu. Tumama ng malakas yung pwet ko.

"Mi-Mihanhea" [Mihanhea-sorry]

"It's okay" sabi niya. Tsaka tinulungan akong tumayo. Ng makita ko yung mukha na nanlaki agad yung mata ko.

"Sygel?"tanong ko

"Wait... Bakit mo ko ki— Ikaw ba si Ylona?"nag-aalangan niyang tanong

My god! Si Sygel Niko Fuerte. Shete!

"Oo ako nga! Si Summer Ylona Ocampo" sabi ko habang nakangiti

"Weeh? Bakit ang ganda mo naman? Ang panget kaya ni Ylona" what?!

"YAH! Hindi ako panget!"sigaw ko

Oppss! Lagot! Napatingin samin yung librarian tsaka sinamaan kami ng tingin. Nag-peace sign na lang ako. Buti na lang at inalis niya na yung tingin niya sa samin. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Seryoso? Ikaw si Ylona? Bakit ang ganda mo na? Nagparetoke ka ba?"eh kung sapakin ko kaya siya no?

"Oo nga! Tsaka anong panget? Bata pa kasi ako non, tsaka ang taba ko kaya dati" sabi ko.

Totoo naman. Mataba ako dati nung bata ako. Kaya nga tukso niya sakin panget. Magkababata kasi kami netong si Sygel.  Kaya pala nung nag-sorry ako naintindihan niya yung sinabi, marunong din kasi siya na mag-korean. Kaso nung naghigh school na kami pumunta sila ng Japan. Dun na siya nag-aaral, kaso wala naman kaming naging communication kaya siguro nakalimutan na niya ko. Pero it's okay, sanay naman akong kinakalimutan eh.

"Kelan ka pa nakabalik dito?"tanong ko

"Actually engaged na ko. Kaya ako umuwi dito" what?!

Huhu. Buti pa siya may lovelife na. Ako wala pa. Waa!! Sino kaya yun

"Sino naman yung fiancè mo?"tanong ko

"Si... Si Misha Rias Garcia"

Kung kanina nakangiti ako, ngayon napalitan na to ng gulat na mukha.

Si... Si Misha Rias Garcia. Ang pinakakinamumuhian kong tao. Ang taong nanakit sa kuya ko...

To be continued...

Fall for MeWhere stories live. Discover now