Summer's POV
Two days passed after akong bigyan ni Krince nung box na may laman ng poster ng BTS. And masasabi ko lang... Diko na kaya!!
Kapag uwian na sasabay samin si Krince tas mags-stay sa bahay namin til 8:00 pm. Tapos lagi niya kong aasarin, si hyung naman walang pakielam. Tas kapag naiinis niya ko bigla bigla siyang ngingiti o kaya tatawa, eto namang si heart bigla bigla ring magwawala. Hay!
"Psst! Umagang umaga nakabusangot ka na"sabi sakin ni Sygel
Actually nasa canteen ako ngayon. Wala pa kasi akong class eh. Tas nandito na pala si Sygel, di ko man lang napansin.
"Nandito ka pala?"tanong ko
"Hindi ako to. Anino ko lang to"pilosopo niyang sagot
"Ahh. Okay"walang gana kong sabi
Ewan ko ba. Feeling ko latang lata ako ngayon. Kumain naman sana ko kanina sa bahay. Epekto kaya to sakin ni Krince?... Aish! Don't think about him Summer! Pilitin mong wag siyang isipin okay?
Yan nawala na siya sa isi–
"Hi guys. Mind if I seat here?"
O_O
Heart kalma lang. Kalma lang. Please naman oh? Nawala na nga siya sa isip ko tas magpapakita naman siya sakin dito.
"Okay lang Krince. Basta ba lilibre mo ko"sabi ni Sygel
'Tong walanghiya na to! Nabubuhay sa libre. Ang yaman yaman naman sana. Kaya kapag pumupunta yang bahay eh nilalagyan ko ng kandado yung refrigerator namin eh. Kasi delikado siya, uubusin lahat ni Sygel yung laman non. Timawa eh.
"Oo ba. What do you want?"tanong naman ni Krince na ikinakislap naman ng mata ni Sygel
"Lahat ng nasa menu"sagot ni Sygel
*cough cough*
O_O
Ano daw?! Lahat ng nasa menu?! Sinapian na naman si Sygel ng pagkatimawa niya. Pero iba na this time, abe lahat ba naman ng nasa menu?
"Sygel mahiya ka nga!"sabi ko
Ka-highblood tong lalaking to eh.
"Bakit ba? Sabi niya okay lang daw eh. Edi lubusin na"anak ng tokwa tong lalaking to!
"Naniwala ka naman Sygel. I'm just kidding"sabi ni Krince sabay tawa
Yan! Diyan magaling si Krince. Ang magpaasa!
Konsensiya: Hugot lang ate?
Che! Hindi ako bitter no?
Konsensiya: Hugot sabi ko. Hindi bitter. Tanga mo naman!
Aba't! Ako pa tanga ngayon ah?
Konsensiya: Oo! Matagal ka nang tanga! Ngayon mo lang ba nalaman?
Tch! Oo na! Ako na tanga! Dati pa alam ko na. Pakielam mo?
"Ang saklap naman nun Krince. Pinaasa mo ko!"sabi ni Sygel na kunwaring pinupunasan yung luha niya
"Kasalanan ko bang assumero ka?"mapang-asar na sabi ni Krince
"Ang bad mo! Sumbong kita kay Summer eh!"aba't! Dinamay pa ko sa kapabebehan niya!
"Go lang"sabi ni Krince
"*sigh*... Summer... Summer... Summer... Summer... Summer... Summer... Summer... Summer... Summer... Summer... Sum–"