♥CHAPTER 8♥

30 2 0
                                    

Krince's POV

"Krince bakit dalawa yung t-shirt? Saka bakit pang lalaki yung size? Kanino yon?"tanong ni Summer

Shit! Ano sasabihin ko? 'Eh kasi gusto ko pareho tayo ng susuotin?'. Ang panget naman! Naman! Tanga tanga mo talaga Krince! Bakit mo pa kasi binili yon?! Napakamot na lang ako sa batok ko sa hiya. Shete naman!

"Ano umm... S-Sakin yun. Actually couple shirt y-yan. Yan sana yung susuotin natin sa concert. Kung okay lang sayo?"sabi ko habang nakayuko

Damn! This is gay! Hindi ko matanggap sa sarili ko na namumula ako. Yes! I'm blushing! Like what the fuck?! Kalalaki mong tao Krince!

Hindi pa rin siya sumasagot kaya tinignan ko siya. Nakatulala lang siya sa kawalan. Nako naman! Tignan mo yung ginawa mo Krince!

"Okay lang naman kung hindi ka payag. Kay Misha ko na lang ibibigag saka kay Sy–"

"No!"mukhang natigilan pa siya sa sinabi niya. "I mean... Okay lang sakin. Salamat talaga Krince! Kahit na minsan naaasar mo na ko sa pamimwisit mo, bumabawi ka naman lagi"sabi niya ng nakangiti

Nahiya naman ako bigla. Naaasar na pala siya sakin. Akala ko kasi wala lang sa lang sa kanya yon. Okay titigilan ko yung pang-aasar ko sa kanya. Kung kakayanin.

"Ahh ganun ba? Sorry"sabi ko habang nakayuko

Fvck! Alam kong nawiwirduhan na sakin si Summer dahil sa mga pinaggagagawa ko. Pero kahit ako hindi ko maintindihan yung sarili ko. Hindi ko din alam kung bakit ko to ginagawa. Wala naman akong pake sa mga babae dati, pero nung nakita ko siya parang biglang nag-iba ang tingin ko sa mga babae.

"Okay lang no! Hindi lang talaga ako sanay ng may nang-aasar sakin o kaya ay kumakausap. Wala kasi talaga akong kaibigan sa school. Wala din naman kaming pinsan. Si Sygel lang ang kaibigan ko dati kaso lumipat siya sa Japan. Buti nga nandyan na kayo para sakin eh. Kaya salamat!"

"Alam mo gutom na ko. Kain na tayo Krince"aya niya sakin

Napatingin naman ako sa kanya at mukha siyang batang nagugutom nga. Napangiti na lang ako kasi ang cute niya.

"Tsk! Lagi ka namang gutom eh"pang-aasar ko

Nawala yung ngiti niya. Bumusangot naman siya. Tsk! Bakit ba kahit anong gawin niya ang cute pa rin niya?

"Hindi ah! Dalawang be– tatlong bese– apat na beses lang ako kumakain sa buong araw!"sigaw niya. "Apat nga lang ba?"tanong niya sa sarili

Tsk! Malala na tong kapatid ni Daryl.

Bumaba na kami sa sala para magpahanda ng pagkain. Habang hinihintay namin yung pagkain nanood muna kami ng tv. Or more like siya lang yung nanood. Tsk!

"Kyah! Oh my god! See that Krince?! Si Jimin! Omo! I can't wait to see him! Oh my! Kamukhang kamukha mo siya oh!!"tili ni Summer

Nanonood siya ng KPOP. And pinagpipilitan niyang kamukha ko daw si Jimin who ever he is. Actually mahilig din ako sa KPOP, dahil ang astig ng mga step nila sa sayaw. Yes, I'm a dancer. Wala man sa itsura ko pero mahilig akong sumayaw saka kumanta. I can play piano too. Tsk! Almost perfect na ako ah? Hays!

"Yeah. Whatever"walang ganang sabi ko

Lumingon naman siya sakin. Tapos biglang nag-pout. Oh god! Please don't do that! Baka hindi ako makapagtimpi!

"Bakit ba ayaw mo sa kanila? Gwapo naman sila. Ang cool pa nga ng sayaw nila eh. Saka may girl group din naman na iba eh. Tulad nila oh. Blackpink in your area~"kanta niya

Pinanood ko yung MV nung girl group. Infairness magaganda sila saka mga sexy. Nagsimula nang mag-rap yung babaeng brown at wavy yung buhok. Mukha siyang pusa. Bakit parang may kamukha siya?

Sandali nga! Tinignan ko uli yung babae saka ko tinignan si Summer na nanonood. Shit! Magkamukha sila!

"Oh! Summer hija ikaw ba iyong nasa tv? Hala eh kamukha mo"sabi ni Manang Lecy

"Po? Kamukha ko po si Jennie?"gulat na tanong ni Summer

Seryoso! Kamukha niya talaga yun. Tinignan ko uli yung babae. Hindi kaya si Summer to? Kamukhang kamukha niya eh.

"Summer wala ka bang kakambal?"tanong ko

Natawa naman siya sa tanong ko. Aish! Seryoso ako!

"Wala no! Pero di nga?! Kamukha ko si Jennie? Wow naman!"tuwang tuwang sabi niya

Hala siya! Kamukhang kamukha niya talaga!

"Sino ba siya?"tanon ko

Lumingon naman siya sakin. Nginisihan niya ako. Oh bakit naman?

"Bakit? Interested ka ba sa kanila?"tanong niya

Medyo? Nacurious kasi ako dun sa babaeng kamukha niya eh. Then why not? Baka maging fanboy ako nito ah? Haha!

"Oo na. Dali kwento mo"sabi ko

Lalong lumawak yung ngisi niya. Oo na! Ang cute niya kahit anong gawin niya.

Pinatay niya yung flat screen saka humarap sakin. May nakapatong na unan sa lapa niya para hindi siya makitaan. Tch! Yung school naman kasi namin masyadong inspired sa korea. Ang ikli tuloy ng mga skirt ng mga babae.

"So unahin na natin si Jisoo. Ay wait! BlackPink ang name ng group nila. Apat na members lang meron sila as you can see. Kasama don si Jisoo, Rose, Lisa and Jennie"panimula niya

Aba! Kabisado! Ganito ba talaga siya kaadik sa mga kpop idols? Baka pati private life nila ay alam niya.

"So kay Jisoo tayo. Her full name is Kim Jisoo. Korean talaga siya. And siya ang pinakamatanda sa group. Siya ang lead vocal sa group nila and face of the group. Then si Rose. Rose is from Australia. Pero pure korean din siya. Ang korean name niya ay Park Chaeyoung, pero Rosè ang stage name niya. Siya naman ang main vocal sa group nila, and at the same time ay lead dancer din. Siya ang sunod na pinakabata. Then si Lisa. Lisa is from Thailand, so hindi siya korean. Her name is Lalisa Manoban or Pranpriya Manoban. Siya ang main dancer siya kanila at lead rapper. Sub-vocal din ata siya. Siya naman ang pinakabata sa grupo. And syempre ang kamukha ko base sa inyo, ay si Jennie. Sandali lang nauuhaw na ako"sabi niya saka uminom

Pambitin ampu! Kay Jennie na eh! Hindi ko din alam kung bakit ako curious sa group nila. Pero may something na naka-attract sakin. Siguro si Jennie dahil kamukha niya si Summer. Pero hindi eh!

"Okay! So kay Jennie na. Jennie is born in Korea, pero lumipat sila sa New Zealand at dun na nag-aral. Her real name is Park-Kim Jennie. Charot lang yon! Kim Jennie talaga ang real name niya. Siya ang leader sa grupo. Main rapper din siya. Sabi naman ng iba lead dancer din daw siya. At isa na ako don! Omo! Ang sexy niyang sumayaw! So yun nga. Vocal din siya. And isa pa pala, si Jennie, Lisa at Rose ay marunong mag-English. Si Jisoo nakakaintindi siya ng maayos kaso ayaw niyang nagsasalita ng English. So yun na"sabi niya saka binuksan uli yung flat screen

Hindi naman siya masyadong feel at home no? Tch! Pero... Wait! Bakit sinabi niyang Park-Kim Jennie yung pangalan ni Jennie kanina?

"Summer matanong ko lang. Bakit sabi mo kanina Park-Kim Jennie yung pangalan ni Jennie?"curious na tanong ko

Lumingon naman siya sakin. Saka kinamot yung batok niya.

"Eh kasi bagay sila ni Jimin. Park kasi ang apilido ni Jimin so kung maging sila man, Park Jennie na ang pangalan ni Jennie. Hehe! Pinagpapartner kasi ang BlackPink saka BTS. Tapos bagay na couple sila Jimin saka si Jennie. Hindi dahil pareho ko silang bias. Basta may something sa kanila. Bagay sila. Ang cute nilang tignan. Tapos kapag ngumingiti naman sila parehong nawawala yung mata nila"sabi niya habang kumakain ng cookies

Napaisip naman ako. So kung bagay sila...

"Edi bagay din tayo?"tanong ko na ikinalaki ng mata niya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fall for MeWhere stories live. Discover now