Summer's POVBakit siya na naman? Bakit siya na naman ang dahilan? Nananadya ba siya?
"Bakit mo siya kilala?"tanong ko
"Pinsan ko siya"
0_0
What?! Kung pinsan niya si Misha, pwedeng ginagamit lang siya ni Misha para guluhin uli si hyung. I won't let her do that!
"Alam ba yan ni hyung? Kase kung hindi magkaka-away kayo, kilala ko siya, ayaw niya sa mga sinungaling. Kung ako sayo sasabihin ko yun sa kanya"sabi ko
Totoo yun. Simula noong niloko ni Misha si hyung, ayaw niya na sa mga sinungaling.
"Don't worry. Alam yon ni Daryl. Tinuring niya kong parang kapatid niya kaya hindi ko kayang magsinungaling sa kanya" siguraduhin mo lang
"Okay class we will have a quiz today" sabi ni maam. Shete naman oh!
"But for Mr. Fuerte he will not answer. Dahil bago pa lang naman siya, excempted na muna siya okay?"sabi ni maam.
Ang unfair! Yung iba kong mga kaklase nagsi-angalan. Sobra naman si maam! Alam ko namang alam ni Niko yung sagot dito eh. Matalino kasi sa Math si Niko. Grade school pa lang kami non, nagpakitang gilas na si Niko sa larangan ng Math.
"Ma'am!"sabi ni Niko tsaka nagtaas ng kamay. Wait... Don't tell me...
"Yes Mr. Fuerte?"sagot ni ma'am
"Okay lang po ma'am. Magsasagot po ako" sabi niya. Waaa!! Yehey! May makokopiyahan na ko! Haha.
"Are you sure Mr. Fuerte? Hindi mo pa ito napag-aaralan" sabi naman ni ma'am. Nako! Kung alam niyo lang ma'am.
"It's okay ma'am"sabi ni Niko at ngumiti.
"Okay. Get one and pass"sabi ni ma'am at binigay yung papel
"Uy Niko. Turuan mo nga ako"sabi ko
"Hmp! Ayoko nga! Hindi ko pa nga to napag-aaralan eh"sabi niya ng pabulong
"Sus! Alam ko namang alam mo na yung mga sagot dito eh. Kunwari ka pa"sabi ko
Nagsimula na kaming magsagot. Jusko! Babagsak ako nito! Si maam naman kasi eh. Wala man lang pasabi na may quiz pala kami. Yan tuloy hindi ako nakapag-review. Huhu! Wala akong masagot!
"Uyy Niko. Sige na please"sabi ko tsaka nag-puppy eyes. Tumalab ka please
"..."
Waaa! Ayaw akong pansinin ni Niko! Seryoso siya masyado. Kapag ganyan, medyo nahihirapan siya. Waaa!! Kanino ako kokopya?! Ayoko ko na! Hyung!!
"10 minutes"sabi ni maam
Waaa!! 10 minutes na lang! Huhu! Babagsak ako nito!
"Aki na"sabi ni Krince. Walang ano anoy kinuha niya yung papel ko.
Ano yon? Sasagutan niya yung papel ko? Jusko! Baka makita kami ni maam nito, tsaka tama ba yung mga isasagot niya don? Hindi naman sa sinasabi kong hindi siya marunong pero kinakabahan kasi ako eh. Napaparanoid na tuloy ako.
"Last five minutes!"sigaw ni maam
Lalo akong nagpanic nung nakita ako ni maam.
"Ms. Ocampo where's your paper?"tanong ni maam
Jusko lord! Ano isasagot ko?!
"Ta-Tapos na po a-ako maam"sagot ko
Tumango lang si maam tsaka tumingin na sa iba. Hayy... Nakahinga na rin ako. Akala ko hindi maniniwala si maam eh.
"Eto na oh"sabi ni Krince tsaka palihim na inabot sakin yung papel ko
"Salamat. Promise ililibre kita mamaya"sabi ko
"It's okay"sabi niya tsaka ngumiti
Mygulay! Ang gwapo niya kapag ngumingiti! Lalo na yung mata niya, ang ganda. Ang sarap titigan buong araw.
"Niko kamusta ka na diyan?"tanong ko habang nakatingin sa harap
"I'm good. Naiisip ko lang si Misha"
Kung hindi lang talaga siya seryoso kay Misha, inupakan ko na siya kanina pa. Kung saan masaya si Sygel masaya na din ako don, magkapatid na ang turingan namin dati, kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya siya.
"Thank you Summer kasi hindi ka nagalit nung sinabi kong engaged na kami ni Misha. Sobrang pinasaya mo ko non promise. Kapag ikaw naman ang na inlove tutulungan kita pangako yan"sabi niya
"Ano ka ba? Basta para sayo. Para sa ikasasaya mo gagawin ko"sabi ko tsaka ngumiti
"Okay pass your papers"sabi ni maam. Eto na naman yung kaba ko.
Ipinasa ko na yung papel ko na hindi ko naman sinagutan. Na-guilty naman ako kasi alam kong hindi ako yung nagsagot don. Sana hinahayaan ko na lang na wala akong sagot kesa naman nakokonsensya ako.
"Wag kang mag-alala Summer. Everything will be alright, okay?"sabi ni Krince
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Eto na naman ako, lagi sa ganitong eksena ako laging nahuhulog sa mga lalaki. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kahit naman ipagpilitan ko na hindi ko magugustuhan si Krince, lulunukin ko lang din naman yung mga sasabihin ko eh. Sino ba ang hindi magkakagusto sa kanya? Gwapo, maputi, maganda ang katawan, matalino at mukhang mabait naman siya.
"Okay you may go. See you tomorrow"sabi ni maam David saka umalis
"Tara na Ylona. Babatiin ko pa si tandang Daryl. Haha!"sabi ni Sygel
Pfft! Pareho pa rin talaga kami. Siya ang nagpa-uso na tawagin si hyung ng tanda. Kahit na isang taon lang naman yung agwat ni hyung samin. Sa mga kabaliwang bagay kami nagkakasundo ni Sygel.
"Tara Krince. Ililibre nga pala kita. Saka san ka nga ba kakain ng lunch?"tanong ko
"Yiiee! Ikaw Ylona ha! Hindi mo sinasabi, may nililihim na pala kayo kay tandang Daryl"nagkasapak na naman si Sygel
"Nako Krince. Wag mong pansinin si Sygel. Minsan talaga nagkakasapak yan. Kakalabas lang kasi niyan ng mental, parang tumakas pa nga lang ata siya eh. Haha!"tawa ko
"What?! Hoyy! Hindi ako galing ng mental at lalong hindi ako takas sa mental no? Baka ikaw yon"sagot ni Sygel. As always pikon pa rin siya. Haha!
"Really little Sygel? Bakit pikon ka?"sabi ko
Wahahahaha!! Yung ilong ni Sygel nag-uusok na. Haha! Madali siyang mapikon kapag tinatawag ko siyang 'little Sygel'. Iyakin kasi dati si Sygel kaya ang tawag ko sa kanya ay little.
"No I'm not! And I'm not a kid anymore! I'm not little Sygel anymore!"nako! Paktay! Nosebleed ako.
"Okay. Sorry. Sandali, yung ilong ko. Dumudugo ata"sabi ko saka hinawakan yung ilong ko
"Haha! Korean ka pero mahina ka sa English? Haha!"tawa ni Krince
Sobra naman siya! Nagjo-joke lang ako eh. Aba! Magaling ata ako sa English mga besh!
"Ikaw naman Krince nagpapaniwala ka diyan kay Ylona. Sobrang galing niyan mag-English. Baka pati yung mga tiga ibang bansa eh ma-nosebleed na sa galing niya. Haha!"tawa ni Sygel
Totoo naman yun. Hindi sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko pero I'm really good at English. Wahaha! May hangin effect pa yan!
"That's enough. Tara na nga gutom na ko"sabi ko saka naunang maglakad sa kanila
Nang makarating ako sa canteen, hinanap ko kaagad yung upuan ni hyung at...
0_0
"Oy Ylona! Gaano kaba kagutom? Ang bilis mong maglakad"
B-Bakit niya kinakausap si hyung? Bakit nandito siya?