Chapter 5: Project

298 8 0
                                    

Nandito ako  sa bahay, nag babasa ng libro, at dahil saturday ngayon dito lang ako sa bahay.. Yipee matutulog lang ako mag hapon.. wahahahaa

~Dingdong~
~Dingdong~

"Aish! Si kuya ayaw pang buksan yung gate!"

Tumayo ako at pinuntahan ko kung sino ba yung nag do-doorbell na yan! Sigurado naman akong bisita yan ni kuya eh..!

Pagka bukas ko.

Luuhh!! Bakit nandito 'tong dalawang nilalang na 'to.

"Hi Hera!" Bati sa akin ni Alec, tapos nakangiti pa.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Ah- kasi gagawa kami ng project"

"Di mo ba kami papapasukin?" Sabat naman bigla ni Arsen.

"Tss! Pasok na!"

"Sungit! Di naman gwapo!" Bulong ko sa sarili ko.

Pumasok na sila ng bahay, tapos pinaupo ko sila

"Oh nandito na pala kayo" sabi ni kuya.

Pumunta akong kusina, nakita ko don si mama.

"May bisita ka ata"

"Kay kuya na bisita yun"

"Huh? Kala ko sayo"

"Ano bang ibig mong sabihin ma?"

"Wala naman" bigla namang umiwas ng tingin si mama. Problema neto ni mama?

Pumunta ako sa sala, dala ang sandwich na ginawa ko.

"Wow! Gawa mo yan?"

"Baka naman hindi masarap yan!"

"Edi wag mong kainin!"

"Hera tutulungan mo kaming gumawa ng project ah" sabat naman ni kuya.

Luhh?? Bakit naman kasama pa ako, aba! Ayoko nga! Ayoko kasama si Arsen sa paggawa ng project nila.

"Bakit naman?"

"Eh gusto namin eh" Arsen

"Sige na Hera. Sabi kasi ni Anthony magaling ka pagdating sa paggawa ng project eh."

Tinignan ko si Alec, naka puppy eye, si Arsen nag hihintay ng sagot ko. Si Kuya nakatingin ng masama sa akin. Luh? Problema neto?, Wahhhh nakakainis naman!

"Sige na!, sige na!" Takte bakit ako pumayag!?

"Yesss!!"

"Tungkol ba saan yang project niyo?"

"Since magaling ka sa Arts, ikaw mag-dadrawing" Kuya

"Eh ano namang gagawin niyo?"

"Panonoorin ka lang" Arsen

Aba ayos ah! As if naman na may grades ako dito noh!

"Pshh!"

Yun nga, nag drawing ako tapos wala nga silang ginagawa, Ayos eh noh!.

"Guys nagugutom ako" Alec

"Edi bumili kayong food" Arsen

"Tara singkit bili tayo" Alec

Wala si mama dito eh, may pinuntahan business matter.

"Ge, oyy Arsen wag kang gagawa ng masama sa kapatid ko ah"

"As if naman na kaya ko siyang gahasain, ang pangit niya kaya!"

Tinignan ko siya ng masama, siya naka ngiti, Bakit ba ang sama niya.

Umalis na sila kuya, kaming dalawa na lang ni Arsen dito. Ano ba yan! Dapat sumama na lang din siya para walang aasar sa akin.

"Hayyss kala ko naman magaling ka mag drawing di pala"

Tinignan ko yung drawing ko, Castle kasi yung pina drawing nila sa akin, ewan ba sa mga yan.

"Ganito kasi yan oh!"

Lumapit siya sa akin tapos, hinawakan niya yung kamay ko para gabayan yung pag drawing ko.

Habang ginagawa niya yun di ko maiwasang mapatingin sa mata niya, sa ilong niya, tsaka sa labi niya. Hala! Aiisshh.. pati sa kamay niya na nakahawak din sa kamay ko.

"Wag mo ako masyado titigan, baka matunaw yung kagwapuhan ko"

Bigla akong umiwas ng tingin.

"Ah-- ikaw na nga mag drawing, marunong ka naman pala eh"

"Aisshh ang panget kasi ng drawing mo"

"Edi ikaw na nga mag drawing" hinagis ko sa kanya yung 1/4 na illustration board

"Hahahaha! Ang pangit mo, pag naaasar ka"

"Hehe, oh bakit sa tingin mo gwapo ka pag nakangiti!?"

"Oo naman!" Nakangiti siya tapos ng pogi sign. Tss

"Oh talaga, taas din ng pangarap mo eh"

"Ikaw lang naman pangarap ko eh"

Namula naman ako sa sinabi niya.

"Bwahahahahahahaha!!!!" Hawak niya yung tiyan niya habang natawa, bwiset talaga 'to!

"Joke lang yun! Asa ka naman!"

"Pshh! Ako aasa? Asa ka pa! Di ako mag kakagusto sayo!"

"Mas lalo naman ako!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

Nandito na sila kuya, ang dami nilang binili.

Napansin ako ni Kuya

"May problema ba bunso?"

"Wala!" Kinuha ko yung illustration board tapos tinuloy ko na ulit.

Tapos ilang minuto tapos na. Oo matagal talaga gumawa niyan, ang hirap kaya.
Tumayo ako at pumuntang kusina, gumawa akong sandwich..
At umakyat akong kwarto, para don kumain. Pagka akyat ko....

"Sino nagsabi sayo na pwede kang pumasok sa kwarto ko?"

Hindi niya ako pinansin, Aba!

"Ang dami mo namang libro"

"Oh! pake mo?"

"Peram ako neto ah?" Kinuha niya yung HP and the Goblet of Fire na libro

"Sige, basta ibalik mo agad pag tapos mo ng basahin yan"

Pumunta akong terrace, para doon na lang kumain, ayaw lumabas ni Arsen eh, pinapalabas ko na nga ayaw pang lumabas.

"Salamat ah"

"Salamat saan?"

"Wala, sige na una na ako"

Di ko siya pinansin, kanina ko pa siya pinapalabas eh, ngayon lang lumabas.

Maglalakad na sana ako palabas, kaso may napansin ako sa sahig, nakalagay Z❤C???? Kanino 'to?

Baka kay Arsen 'to. Tumakbo ako pababa kaso, nakaalis na daw sila sabi ni kuya. Kaya tinago ko na lang..

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Where stories live. Discover now