Chapter 21: May hindi ako alam😮😮

300 12 0
                                    

Sabado ngayon nandito ako sa gym namin. Sabi kasi sa akin ni Ms. Charmaine kailangan ko raw mag exercise kasi diba mga sexy na damit yung sinusuot pag model, kasi nga Next next month pipirma na ako ng contract para sa storm management..Lilipad na akong london.. Yeheeyyy...

Pagka tapos kong mag gym dumiretcho ako sa garden. Nakita ko naman si kuya doon, kaya umupo ako sa upuan sa harap niya.

"Good Morning kuya kong pogi!" Hindi niya ako pinansin, busy kasi siya sa phone niya, tapos nakangiti na naman hayy nako babae yan!, pampalipas oras, poor girl!

"Huy kuya!"

"Huy Hera! Ano!?" Gulat niyang sabi, Gotcha! May babae yan! Bwahahaha alam ko mga galawan ng babaero kong kapatid..

"Hahahahaha! Kanina pa ako nandito! Ano yan ah! May ka-text siya.. Pakilala mo naman!"

"Tss.! Wala 'to!"

"Suuss!"

Maya maya nag ring yung phone niya.. Tumingin siya sa akin at tumayo para makalayo sa akin para hindi ko marinig yung pinag uusapan nila.. Pinagmasdan ko ang aking kapatid, iba ang kanyang mga ngiti bakit kaya? Sino kaya yung babae niya ngayon? Parang gusto ko tuloy malaman. Binasa ko na lang yung diyaryo sa harap ko.. Tapos napansin kong bumalik na si kuya sa upuan niya.

"Sino yun?"

"Wala ka na don!"

"Tss!" Sabay tumayo na ako, nakakainis gusto ko lang naman malaman eh.

Pumunta akong kwarto ko, humiga muna ako, at pumunta na rin ako sa CR para maligo. Pagka tapos kong maligo. Binuksan ko yung TV sa kwarto ko, nilipat ko siya sa lagi kong pinapanood... NBA! haha, di niyo alam mahilig ako sa basketball, Ball is life nga kasi.. Naglalaban ngayon SPURS vs MIAMI! lamang yung miami.. Pero sa huli ng quarter panalo ang SPURS..hmm Miami pa naman bet kong manalo.. Naboring ako, nag isip ako ng pwede kong gawin ngayon, hanggang sa napag desisyonan kong mag mall na lang mamayang ala una. Oo nga yun na lang. Tinignan ko ang orasan 9:20 palang masyado pang maaga.

Nung bumaba ako, nagulat ako sa kausap ni kuya, Eh? Bakit nandito ang mokong na yan!? Bigla naman akong nairita. Nung naramdaman kong papasok sila sa loob. Nag lakad ako papuntang kusina kung saan nag luluto doon si Mama.

"Oh anak, ano gusto mong kainin? Oo nga pala, hindi tayo nakapag usap tungkol doon sa pagka panalo mo, ano na nga pala ang plano mo?"

"Sabi nila Ma, kukunin ako ng storm management"

"Oh bakit parang malungkot ka? Hindi ba't iyon naman ang gusto mo dati pa?"

"Opo, kaso Mama, maiiwan ko kayo, nakakalungkot"

"Hayy, hayaan mo na yun, dadalawin ka na lang namin doon"

Ngumiti na lang ako.

"Tita Hanny, may nag hahanap po sa inyo sa labas" Mahinahong sabi ni Arsen.

"Ah ganon ba? Anak paki bantayan naman itong niluluto ko"

"Ah sige po"

Nakaalis na si Mama, pero ramdam kong nandiyan parin si mokong at nakatingin sa akin. Naramdaman kong naglalakad siya palapit sa direksyon ko.

"Marunong kang mag luto?"

"Ano sa tingin mo!?" Irita kong sagot.

"Ganito yan oh!" Hinawakan niya ang kamay ko, at ginabayan. Sa maraming pag kakataon kinabahan ako ng bonggang bongga, sa di malaman na dahilan, lintek na yan! Ano bang nangyayari sa akin, hindi naman ako ganito dati!

"Anak, ayos na ba yan?" Bigla namang pumasok si Mama, at nag madali naman si Arsen na tanggalin ang kamay niya sa kamay ko.

"Ah- Ano Ma- sa tingin ko ayos na 'to" wala sa sarili kong sagot.

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Where stories live. Discover now