"Hera gumising ka na"
"Ehhhh!! Antok pa ako!"
"Bumangon ka na diyan!"
"Ayoko nga!" Sinabi ko yon ng nakapikit..
"Aba! Puputulan kita ng daliri pag hindi ka bumangon diyan!"
Agad naman akong napabangon,huhu antok pa nga ako eh!😭😭😭😭
"Eto na! Pssshh😕😕"
"Bilisan mo!"
"Mawalang galang na kuya noh! Lumabas ka na ng kwarto ko!"
"Tss"
Lumabas na si kuya ng kwarto, uminat ako para mawala yung antok ko.. Tapos pumunta na akong banyo, para maligo at nag bihis at bumaba na. Naalala ko yung nangyari kagabi, naiinis ako! Pag baba ko tahimik lang.
"Good Morning" walang gana kong sabi.
Tahimik lang ako habang nakain pati si mama at kuya.
"Anak, yung nangyari kagabi--"
"Ma, ayokong pag usapan yan" Tumayo ako at nag paalam.
"Alis na po ako"
Tinignan ako ni kuya.
"Mauna ka na. Mamaya na ako papasok"
"Tss. Ginising-gising mo pa ako diyan! Tapos mamaya ka pa pala papasok"
Sabay nag lakad na ako.
Kasalukuyan akong nag lalakad, hayy nako wala akong gana mag aral ngayon. Pagka-dating ko sa school nag kukumpulan yung mga estudyante sa bulletin board, ano kayang meron? Nung tinignan ko mga nakasama pala sa overall, hinanap ko kung nandon ang pangalan ko sa mga 4th year, haha yess!!! Nakasama ako, 93.73 ang average ko sa 2nd grading, woahoaa!!
Ngayon gaganahan na ako mag aral, tinignan ko pa yung iba, at nagulat ako kasi kasama don ang apat! Aba si kuya nag sisipag na ah! Hahahaha
Umalis na ako don, at dumiretcho ako sa library para mag basa ng libro. Di ko pa tapos basahin itong HP and the Half Blood Prince eh.
Napansin kong may umupo sa harapan ko di ko makita mukha niya kasi nakatakip ng libro, tinignan ko siya saglit tapos, bumalik na sa pag babasa.
Napansin kong palakas ng palakas yung pag babasa niya, kaya hindi ko na maintindihan ang binabasa ko! Aba! Nakakainis naman 'tong lalaking 'to kaya di ko na napigilan na pag sabihan siya.
"Kuya, mawalang galang na noh! Pwede bang paki-hinaan ang boses!?"
Tapos bumalik ulit ako sa pag babasa.
"Bakit!? Pakialam mo ba!?"
Nagulat naman ako sa nag salita. Aba! Si mokong pala.
"Hah! Kaya naman pala ang bigat ng pakiramdam ko!"
"Wow! Ah! Hiya naman ako sayo"
"Sssssttttttt" sabi nung librarian.
"Yan ang ingay mo kasi, pag ako pinalabas dito!" Sabay irap sa kanya.
"Tss!! Ano naman kung palabasin ka?!"
Aba! Nang iinis talaga 'to ah. Kaya sinipa ko siya.
"Araaayy!!" Napasigaw siya ng malakas...
Haha buti nga sayo! Bleeeeehhh!!
"HEY! BOTH OF YOU!!! GET OUT!" galit na sabi ng librarian.
Arsen kainis ka..!