Naglalakad na nga ako, kakain na akong lunch.. Papunta na sana ako sa cafeteria kaso. May humawak ng kamay ko..
"T-teka?!" Nagulat ako, kasi hinigit niya ako, tapos ang lapit ng mukha namin, ano bang ginagawa neto?
Agad naman akong lumayo.Tapos bigla siyang tumawa!! Luhhhh???
"Tara sabay tayo kumain?" Nakangiti niyang sabi.
"Ah---kasi---" hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko ay agad niya akong inakbayan..
"Tara na, ano gusto mo kainin? Libre kita!" Tapos kinindatan ako.
"Ah--Gab saan ba tayo pupunta?" Nakalabas na kasi kami ng gate ng school.
"Basta!" Binuksan niya ang pinto ng kotse niya, na nakaparada sa harap ng mga nag titindang street foods.
Habang nasa sasakyan, hindi ko maiwasang tignan siya. Ano naman kayang pumasok sa isip neto at niyaya akong kumain.
"Bakit mo ako niyayang kumain? Tsaka bakit kailangan pang lumabas tayo ng university, pwede namang kumain na lang tayo sa cafeteria?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.. Bigla naman siyang ngumiti.. Ngingiti na lang ba siya? Eh?
"Wala lang naman, gusto ko lang na makasabay kang kumain" nakangiti paring sabi niya tapos nakatingin ng diretcho sa daan.
Pamilyar sa akin ang lugar na pinuntahan namin ni Gab, pero hindi ko maalala kung kailan ba ako pumunta dito.
Nung tignan ko sa taas ang pangalan neto, nakalagay ay Food Lovers.
"Come on?" Pinauna niya akong pumasok sa loob, kaunti pa lang ang mga tao. Hindi ito mamahaling kainan, simple lang siya kung titignan..
Tinaas ni Gab ang kamay niya, at may lumapit sa amin na isang lalake.
"Two bowl of sinigang and a ginataang gulay, and ice tea" sabi niya doon sa lalake.
"Meron ka pa bang gustong kainin?" Tanong sa akin ni Gab.
"Ah, wala na okay na yun"
"Yun lang po ba?" Tanong ng lalake
"Yeah! Thanks!" At umalis na nga yung lalake.
Habang hinihintay yung order namin, hindi ko maiwasang mapatingin sa lugar. Meron kasing part sa akin, na napuntahan ko na 'to dati. Natigilan ako, ng hawakan ni Gab ang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Anong iniisip mo?" Nakangiti niyang sabi sa akin, ang gwapo talaga nito'ng lalaking 'to.
Ngumiti na lang ako pabalik sa kanya..
"Hehe! Wala naman, ang simple kasi ng lugar na 'to, hindi ko alam na pumupunta ka sa ganitong lugar" sinabi ko yon tsaka tumingin sa may labas ng pinto.
Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko, ano namang nakakatawa doon!?
"Mas gusto ko sa ganitong lugar, ayoko nong mga mamahalin, minsan nga hindi pa masarap yung mga pagkain, eh dito kahit mura masarap!" Natatawa niyang sabi.
Tumango tango na lang ako bilang pag sagot.. Kaya naman pala walang arte sa katawan 'tong si Gab. Ang tagal naman ng order namin, nagugutom na ako!
"Gutom ka na ba?" Napatingin ulit ako kay Gab. Kasi may nilalaro ako sa phone ko.
"Ahh-- hindi pa naman, hehe!" Pag kukunwari ko. Pero talagang gutom na ako.
Maya maya nandito na rin yung order.
"Here, Ma'am and sir! Pasensya na po kung natagalan, enjoy" sabi nung kuya na maputi na matangkad na cute. Hahaha
Yun nga kumain na kami..