Chapter 11
"You!" Sigaw ng isang bading na professor ng Academy habang nakaturo sa direction namin. Naglalakad kami papunta sa canteen kasama ang dalawa sa mga classmates ko.
"Ako po?" Tinuro ko pa yung sarili ko.
"Yes. Come here!"
Lumapit naman ako sa kanya.
"Turn around!" paguutos nya.
Ginawa ko naman. After nun ay pumalakpak sya ng may matagumpay na ngiti sa labi.
"Finally! The search is over!"
Eh? Problema neto?
"Please go to room 216 at exactly 3pm. Ako na ang bahala sa teacher mo sa period na yan!
Um-oo na lang ako without asking why.
*3 pm sa room 216*
"WHAT?!" gulat na tanong ko matapos nilang ipaliwanag kung bakit ako pinapunta dito. "Hindi ko po yata kaya yung gusto nyo"
"You have to!" Wala na kaming ibang mahanap! Pagod na ko!" sagot ng bading na teacher.
Ako lang naman ang gusto nilang maging representative ng Senior students sa this year's Mr and Ms Herge Academy.
"Hija please. We will train you. " pakiusap ng isa pang prof.
After an hour ay nakumbinsi rin nila ako. Wala naman akong choice tumanggi eh.
~~
"Really? Tha would be great!" masayang sabi ni Daryl matapos kon sabihin sa kanya na ako ang napiling maging Representive ng Senior Students. "Magkakasama tayo sa rehearsal since pareho tayong department. Pati si Arch!"
"Si Arch?" gulat na tanong ko.
"Yep. Si Arch and his ex-girlfriend. Pumayag na ang pinsan ko na sumali sa competition.
"Sinong ex nya?"
"Ex nya ang may hawak ng last year's Ms Herge Academy. At dapat this year, sayo nya maipasa ang korona. "
What the F! Pressure cooker!
"By the way, natatandaan mo pa ba yung first proof na sinabi ko to know if Arch is in love with you?"
"Oo. He can't look straightly in my eyes. Let's see kung hindi sya tititig sa mata ko."
Hay! Ewan ko sa Daryl na to. Pinipilit akong paniwalain na may gusto sa akin pinsan nya.
**The next day
Habang naglalakad ako patungong room namin e nagtataka ako kung bakit ako pinagtitinginan ng mga estudyante.
What's wrong with these people? LIKE HELLO! Wala akong ginagawang masama.
"Sya na ba? "
"In fairness may ibubuga sya. "
"Surely, sya magwawaging Ms. Herge Academy. "
I sighed. Sana nga.
**Training time
"Walk like Yolanda!" sigaw ng trainer ko. Yolanda? Who the hell is she? "I SAID WALK LIKE YOLANDA! "
Bigla akong natampilok at napaupo sa sahig. Pagod na ko. Ang sakit sakit na rin ng paa. Napakataas naman kasi nitong shoes na pinasuot saken.
I gasp for air. "I'm sorry trainer pero di ko kilala yung Yolandang sinasabi nyo. "
"You don't know bagyong yolanda? "
I dropped my jaw. Anong kinalaman ng bagyo sa pagpapraktis kong rumampa?
"Slow mo te! Gusto kong lumakad ka na parang mag-iiwan ka ng malaking pinsala sa dadaanan mo. Yung tipong kahit nasa backstage ka na e hindi makakalimutan ng lahat! "
Aww. Ok. Biglang sumagi sa mata ko si Arch. Maging sya, medyo nahihirapan din. Pero makikita mo sa kanya ang dedication. Nabuhayan ako ng loob. Tumayo na kong muli at muling lumakad.
****
"Here. " Napatingala ako habang nakaupo sa isang bench. Hindi pa tapos ang practice pero binigyan kami ng time para magpahinga. "Alam kong ginutom ka rin sa practice . " wika ni Arch habang inaabot sa akin ang bottled juice at sandwich. Tinanggap ko.
The competition night came at nandito kami sa backstage at inaayusan na ng aming mga make-up artists.
"Goodevening ladies and gentlemen. Tonight, we will witness the real beauty, brain and talent. Who do you think will win for Mr and Ms Herge Academy? Let us all find out! "
The Academy erupted into applause and yells. Mula dito sa backstage ay dinig na dinig namin na nagsasalita na ang host ng competition pati na rin ang malakas na hiyawan.
Lumabas na mula dito sina Daryl at Sabrina. Sila kasi ang mag-oopening number sa competition na ito.
Natapos na kong ayusan at make-up-an. Minuklat ko ang mata ko at kitang kita ko ang aking transformatuon mula sa malaking mirror na nasa harap ko. Inikot ko yung upuan ko para tingnan si Arch na nakaupo sa couch na nasa likod ko lang. Tapos na din syang ayusan.
Nakapatong yung dalawang paa nya sa isang maliit na lamesa habang nakayuko ng kaunti at nakapangalumbaba.
Bakit ba ang gwapo ng isang to?
"Arch. " Mahinang sabi ko.
Napatingala sya at agad na napatayo na para bang nakakita ng ewan.
I smiled at him. At agad nyang pinutol yung tingin nya. The next moment ay hindi na nya ako tinitingnan pa. I don't know why.
BINABASA MO ANG
Silent Heart
Teen FictionSigns if a guy is hiding what he feels for you. Genre: Romance, Comedy, Teen Language: Tagalog, English