Chapter 38
Majhierod Gonzalvo's POV
Dinala ako ng mga paa ko sa labas ng Herge Academy. Madilim na at 'yung street lights na lang ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa paligid. He's gone.
After a few minutes, I heard the approaching footsteps behind me. I closed my eyes and made a slow drag of breath before I finally decided to turn around.
Nakatayo ngayon sa harap ko 'yung lalaking nakasayaw ko with the same mask and the same suit.
"Pwede ko bang makita 'yung mukha mo?" tanong ko sa kanya.
Dahan-dahan nyang tinanggal 'yung maskara na nakatabon sa mukha nya.
Matangos ang ilong. Mapungay ang mga pilikmata at may mapulang labi. Madilim pero dahil kaunti lang and distansya sa pagitan naming dalawa, nagawa ko pa ring makita ang hitsura nya. I was expecting to see a different person. I was expecting to see Arch's face behind the mask but it was not him.
The guy gave me smile. With a deep sigh, I decided na umuwi na. Hindi na ko nakapagpaaalam kina Ralyn. Nagtext na lang ako sa kanila na mauuna na ko. Sumakay nalang ako ng jeep pabalik sa bahay. Pinagtitinginan ako ng mga tao habang nakasakay ako sa jeep. I gave them a face with a question mark?
"Ate, sa'n po may sagala?" tanong ng bata habang tumatawa. Agad tinakpan ng nanay nya 'yung bibig nya para pigilan 'yung anak nya.
Anak ng tinapa! Ngayon ko lang narealized na naka-gown nga pala ako. Hindi ko naalala dahil kanina pa lumilipad 'yung utak ko. Sana pala nag-taxi nalang ako. Nakaramdam ako ng hiya. Mabilis na nag-init 'yung mukha ko at hiling ko nalang na sana bigla akong mag-disappear katulad ng mga Sang'gre sa encantadia. Pero keribels lang dahil maganda naman ako.
ARCH ALMAZAR's POVTumakbo agad ako palabas ng Academy. Pakshet! Muntik na nyang makita 'yung mukha ko. Napalingon ako pero mukhang may plano syang sundan ako. Buti na lang kamo at nakasalubong ko si Kirby, 'yung madalas kong kasamang mag-practice sa soccer.
"Hey!" bati nya sa akin
Nag-fist bump kami. Natataranta na ko dahil any moment, aabutan na ko ni Majhierod.
"Bakit wala kang suot na maskara?" tanong ko.
"I lost my mask"
"Gusto mo sa'yo na 'to oh, may isa pa ko sa kotse!"
"Thanks!"
Tumakbo na agad ako at nagtago sa gilid. At hindi nga ako nagkamali dahil sinundan nga ako ni Majhierod. Timing naman na naisuot na ni Kirby 'yung maskara ko.
Hindi pwedeng malaman ni Majhierod na ako ang nakasayaw nya.
Oo. Ako nga ang nakasayaw nya. Bumalik ako ng Academy pagkatapos kong maihatod si Sab sa condo nya. I really missed Majhie. And I feel sorry that I broke her heart. Alam ko sobrang sakit para sa kanya. But this is the only thing I know para maprotektahan ko sya.
Dumiretso ako sa parking lot at pumasok sa kotse. I headed to a near bar. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto kong maglasing at kalimutan lahat ng kagaguhang ginawa these past few days.
BINABASA MO ANG
Silent Heart
TeenfikceSigns if a guy is hiding what he feels for you. Genre: Romance, Comedy, Teen Language: Tagalog, English