CHAPTER 15
"Wahahaha! Si fishy lang pala yung nagbigay nung cookies? All these days akala natin si papa Arch na! WAHAHAHA! Hindi pala! "
Bruhildang to. Oo. Si Ralyn yan. Kung makatawa parang wala nang darating na bukas.
"Hoy bruha! Wag mo nga akong tawanan! Sapakin kita dyan e! "
"Wahahaha! Eh nakakatawa naman talaga eh! Wahaha! Magkakaadmirer ka na rin lang, yung fishy na tilapyang nerd pa na yun? The nerve! "
"Che! Tumahimik ka nga! Pinagtitinginan na tayo oh! " nasa canteen kasi kami ng Academy ngayon.
Kahit ako kinikilabutan din naman ako sa Jose Dimagiba na yun. Marami namang iba jan e, bakit sya pa? Chakaness ek ek!
Pag uwi ko sa bahay~
PAKSHET!
Bakit amoy tilapya dito?!!
"Oh anak nandito ka na pala, magbihis ka na sa taas at kakain na tayo. " pagsalubong sa akin ni mama habang hinahain yung pritong tilapya sa mesa.
WAAAAHHHH! TT_______TT
Hanggang dito ba naman kailangan talaga iremind sa akin? Huhuhu. Kadirs. Wala na kong gana kumain.
**RALYN'S POV**
Walang-hiya talagang author yan binigyan ako ng role kung kelan chapter 15 na!
Any ways, let's get back to business.
*Cough! Cough!* So yun nga. Ako si Ralyn Nylar. Kung tatanungin nyo kung may lahi ba ako, yes meron. Isang akong 1/4 na alien, 1/4 na aswang 1/4 na takas sa mental at 1/4 na hayop. Kaya naman wag na kayong magugulat kung bakit out of this world ang magiging behavior ko sa story na ito. Bwahaha!
Nasa CR ako ngayon, nagpalit lang ako saglit ng alam nyo na.
SHETE! Ba't kasi ngayon pa ko nagka-period eh.
After nun ay naghugas na ako ng kamay tsaka lumabas pero bago ako makaalis, may narinig akong boses sa CR ng boys. May estudyante pa palang hindi nakakauwi? Akala ko naman ako lang ang may planong gawing lumina homes to school.
"So ano na ? Nagawa mo ba?"
Narinig kong nagsalita yung isa. Parang boses ni papa Arch yun ah? Sino kayang kausap nya? Nakakaintriga!
Dahil pinanganak akong chismosa, minabuti kong makinig muna sa pinaguusapan nila. Tumabi ako sa isang sulok at dinikit ko yung kanang tenga ko sa dingding ng males CR.
"Oo, Arch. Naabutan nya kong nilalagay yung rose tsaka cookies sa locker nya. "
"Good job! Oh heto yung mga libro na hinihingi mo. Sa'yo na lahat yan. "
"Wow Arch ang dami! "
"Oo sinadya ko talaga yan to compensate you for a job well done!"
"Teka lang Arch, bakit mo ba ginagawa to? May gusto ka ba sa babaeng yun? "
"Ha? Ah.. Eh.. Basta! Wag ka na magtanong. Wala dapat makaalam nito ha! "
"Oo Arch! Makakaasa ka. "
Sige, mauna na ko sayo! "
Ahuh! I knew it! Si Arch nga ang secret admirer ni Majhierod at para hindi sya mabuko , inutusan nya ang fishy na to na maglagay ng coomies and roses sa locker ni Majhie sa moment na makikita ni sissy Majhierod! Dahil alam ni Arch na pinagdududahan na sya ni sissy! Ahuh! May utak ako! May utak ako! MAY UTAK AKOOOO!
Akala nila wala akong utak pero meron, meron merooooon!!! Siguradong matutuwa ang mader and fader earth ko neto! Yooohoo!
Narinig ko ang yabag palabas ng CR. Malamang si papa Arch na to.
GULP. Naku, lagot! Kailangan kong magtago, DALI!
Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa!!
Hayuun! Basurahan! Mabilis pero wala ingay at walang kuskos balungos akong nagtago sa likod ng basurahan.
Psssh! Akala ko mahuhuli na ko. Nakita kong nakalabas na si Arch.
Pero kahit alam kong sigurado na ako, kailangan ko ding i-confirm. Kailangan ko pa ding marinig iyon kay tilaps.
Tumayo ako mula sa likod ng basurahan.
"Bzzzzzz!"
WAPAAAK! Bwisit na langaw to oo!
*WAAPAAK!*
Napisa sya sa kamay ko. In fairness, juicy sya.
Lumapit na ko sa CR ng boys pero bakit ang tagal ng tilaps na yun?
Hindi kaya~
Yuck! Pero baka nga nagmamasteral's degree na sya? Tapos si sissy Majhie ang iniimagine nya? Ew!
I crossed my arms at sumandal sa dingding. Hesus Maria Osep! Ang tagal talaga nya! Pasukin ko na kaya?
Pero baka nagmamasturbate nga ang fishy? Baka makita ko sya habang nagggaganun? NO WAY! Virgin pa ang mata ko.
But I really need to know the truth as well para sa sissy ko. Bahala na nga! Tutal 16 years old na naman ako e. Siguro hindi na rin masama makakita ng ganun. Hihi!
Hinga ng malalim Ralyn.. Dahan dahan kong nilakad yung paa ko habang pino-form ko yung kamay ko na hugis baril. Para akong police neto na may kailangan i-rade. Bwahahaha!
"TAAS ANG KAMAY! WALANG KIKILOS!"
*PLAK!*
Nabitwan nya yung hawak nyang libro at mabilis nyang tinaas yung kamay nya.
O. M. G.
I really thought he's doing something na e. Nagbabasa lang pala.
"S-sino ka? Bakit nandito ka sa cr ng b-boys?"
"Taga NBI ako. Inutusan ako ni PDUT na ishoot to kill ka. Para mawala na ang langsa sa Pilipinas! "
Wait, kailangan ko ng patunay! Pinakita ko yung school ID ko at tinapat ko yun sa mukha nya.
"E pareho lang naman tayong estudyante eh?"
"Ha? Hindi ah. Disguise lang to."
"Ano po bang kasalanan ko?"
"May kailangan akong malaman at gusto kong sabihin mo ang totoo! MALIWANAG? !!!
"O-OPO. O-OPO!" nanginginig sya sa nerbyos.
"Good. Nakikita mo ba tong baril ko? "
Nag nod sya.
Baliw pala to e. Kamay ko lang yan pre! "Kapag nagsinungaling ka, shoot to kill labas mo. "
"Maawa ka po sa akin! Magsasabi ako ng totoo. Pangako po!"
"Ok, ang tanong ~!
...Sayo ba talaga galing yung chocolate cookies at roses na walang awang pinitas at natagpuang walang malay sa locker ni Majhie? SAGOT!!!"
"OPO!"
"SINUNGALING!" Tinutok ko ying baril~este kamay ko sa ulo nya.
"HINDI SYA GALING SAKIN! HINDI PO! HINDI PO! " Naiiyak na sya.
"Kung ganun, kanino galing? "
"Kay Arch. Kay Arch Almazar! Inutusan nya lang ako. "
"Ok. Malaya kana. Makakauwi kana ng buhay. "
In fairness pwede na ko magpulis. Mwahahaha!
BINABASA MO ANG
Silent Heart
Teen FictionSigns if a guy is hiding what he feels for you. Genre: Romance, Comedy, Teen Language: Tagalog, English