Chapter 24
MAJHIE'S POV
Nakahiga ako sa kama habang binabasa 'yung sampung patunay na sa akin tumitibok ang silent heart ni Arch. Habang paulit-ulit kong binabasa 'yun ay paulit-ulit ko ring naaalala 'yung mga moments ko with him.
1. He can't look straight in your eyes.
I remembered the competition night ng Mr and Ms Herge Academy. Noong gabing matapos akong ayusan ay halos naiilang na 'kong tingnan ni Arch.
2. He will save you from mean people.
Ito 'yong pinakanakakatakot na nangyari sa buhay ko. Nung after ng competition at may isang lalaking walang pakundangan na pumasok sa dressing room ko at nag-attempt na kunin 'yung virginity ko. Good thing ay dumating ang aking knight in a shining armor.
3. He will ask for a friendship.
After akong bastusin, dinala ako ni Arch sa isang coffee shop at inihatid nya ako pauwi. And before he left, he asked if we can be friends.
4. He will try to find out what your favorites are.
Hahaha! Naalala ko bigla si fishy sa patunay na ito. Tinanong ni Arch ang bessy kong si Ralyn kung ano ang favorite ko which is chocolate cookies. At ginamit nya pa si fishy para maglagay nu'n sa locker ko.
5. He won't say no when you ask for a favor.
Ito 'yung hiniling ko sa kanya na dalhan ko sya ng tropicana every after practice nya sa soccer.
6. He will not compete with you. He will purposely make you win, instead.
At ito naman 'yong nag-quiz bee kami sa Herge Academy kung saan sinadya nyang maliin 'yung sagot nya para ako ang manalo.
7: He will change the topic when you ask about his past love life.
Noong nakulong kami sa sleeping quarters at umandar ang pagiging chismosa ko at tinanong ko sya kung bakit sila nag-break ng ex nyang si Sabrina Javier. Pero hindi nya naman sinagot.
8. He will push you to another man.
Teka, ang isang ito. Parang wala akong maalala na nagawa nya ito ah? Takte! It means hindi pa tapos ang mga patunay! Hindi pa confirmed na mahal ako ni Arch!
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
9. He will get mad at you without any valid reason.
Ito 'yung time na inutusan akong tawagin ni Prof Tralala si Arch at sinabi kong sasabay na ko pero bigla nya kong sinungitan. Tapos nung nasa canteen, inatake sya ng pagkabipolar nya. Hindi ko alam kung bakit.
10. He will smile and congratulate you when you introduce to him your official boyfriend.
*FLASHBACK*
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakasalubong ko si Arch.
We stared at each other. It lasted a minute or two.
"Arch" wala akong masabi.
Lumapit sya sa akin.
"Congrats sa inyo. Bagay kayo." Sabi nya sabay tap sa right shoulder ko.
That was the last and the 10th proof.
*END OF FLASHBACK*
At doon ko na-realized na naisagawa rin pala ni Arch ang number 8 noong gabing 'yon when he said "bagay kayo"
BINABASA MO ANG
Silent Heart
Teen FictionSigns if a guy is hiding what he feels for you. Genre: Romance, Comedy, Teen Language: Tagalog, English