Chapter 1

294 5 5
  • Dedicated kay Ms. Megumi Itayama(alam ko na taken na si crush pero okay lang yun hahaha)
                                    

Chapter 1: Love? First Sight? Dingdong?

Sunday before the first day of school:

Katapos ko lang magsimba at hapon na, pumunta ako sa Memorial Garden kung saan madalas kong pinapanood ang sunset. Pagkarating ko doon pumwesto na ako sa bench na madalas kong inuupuan kapag pinapanood ko ang sunset. Naupo na ako at habang naghihintay ng sunset scene, binuksan ko ang dingdong na dala dala ko. Madalas ako kumain ng dingdong habang pinapanood ang sunset. Habang kumakain ako, napansin ko sa kabilang bench na may naghihintay din ng sunset. Isang girl na mahaba ang buhok, straight bangs, maputi, nakasalamin, medyo petite ang height nito siguro kapag tumayo, singkit, at sobrang ganda (parang may lahi Korean? Japanese? Chinese? Taiwanese?). Sunset na pero siya pa din ang tinitignan ko, ang ganda kasi ng scene. Bigla siyang tumingin sa akin dahil napansin niya na nakatingin ako sa kanya.

(O///O)

Tumayo siya at umalis. Napansin ko na tapos na pala ang sunset, sayang naman di ko napanood. Sino kaya siya? Ang lakas ng pintig ng puso ko. Is this what they called love at first sight?

First Day of school: 5:00 a.m.

Aaaaahhh!!! Sarap talaga mag unat pagkagising mo ano? 5am ng umaga na pala, kailangan ko na magprepare para sa school. Maaga talaga ako magising kasi ayoko malate. By the way ako pala si Eri Mint Summers oo sadyang napagtripan ng parents ko ang pangalan ko dahil mala candy yung dating pero okay lang kasi unique at kakaiba. Medyo mahaba ang buhok ko abot sa may collar ng polo ko sa school, naka one side lagi ang bangs ko, maputi ang aking balat, at medyo matangkad. Isa akong aspiring writer and yes mahilig kasi ako magsulat at nainspire ako sa mga writers katulad nila J.K. Rowling. Bukod dun mahilig ako sa rock music, mahilig ako magbasa ng libro lalo na pag humor ang genre, at mahilig ako manood ng anime. Kumukuha ako ng AB Literature sa University of Arts(U.A.). Oo private school ako pumapasok at mayayaman at foreigner ang pumapasok dito. Hindi ako mayaman, may kaya lang kami at may 40% discount ako sa tuition ko dahil may honor at awards ako nung high school. Bumaba na ako at pumunta sa dining room para kumain ng breakfast. As usual yung favorite ko ang ginawa ni mama, champurado at tuyo ang sarap diba? "Anak ito yung baon mo ilalagay ko na lang sa ibabaw ng table aayusin ko pa kasi yung gamit ni bunso ingat at goodluck sa first day of school ahh" nilapag na ni mama yung pera ko at umakyat na siya para ayusin ang gamit ng kapatid kong si Victor. Grade 3 pa lang ang kapatid ko at sabihin ko sa inyo, sobrang spoiled yan sa akin pero mabait din naman si Victor(may pagkapilyo at pasaway lang talaga minsan).

Pagkatapos ko kumain, maligo at magbihis, pumasok na ako ng school. Sumakay na ako ng jeep, bigla kong naalala yung babae na nakita ko kahapon sa Memorial Garden. Sana sa U.A. din siya pumapasok para masilayan ko siya hehe ang landi. 6am na at malapit na ako sa school grabe kabado ako dahil first day of school at first day ko sa college.

Ring!

Ring!

Ring!

Pagkababa ko ng jeep, biglang nagring ang cellphone ko, tumatawag pala si Victor. Sinagot ko ang phone at kinausap ko siya habang naglalakad ako papunta sa entrance ng school. "KUYA!!! HINDI KA NAGPAALAM SA AKIN MADAYA KA!!!!! PAGKAUWI MO MAMAYA DAPAT MAY PASALUBONG KA SAKIN!!!" sabi ko na nga ba pasalubong naman pero wala ako magagawa siguro uuwian ko na lang siya ng spaghetti na galing sa Mcdo, favorite niya kasi yun ehh. "Oo sige bibilhan na lang kita ng favorite mo kumain ka na diyan 8am pasok mo diba gumawa ka ng homework mo kapag may binigay ang teacher mo huh" mas maaga ang pasukan nila Victor sa amin. "Oo kuya! laro tayo mamaya ahh" lagi kasi kami naglalaro ng Elsword, oo gamer kami parehas, bata pa lang kasi tinuturuan ko na siya maglaro ng iba't ibang online games, arcade games, at console games. "Sige basta unahin mo muna ang assignment mo sige na bye na ingat ka maya papasok na ako ng entrance ng school" pagkababa ko ng phone pumasok na ako ng school, napansin ko bigla na ang daming tao sa isang lugar na parang may pinagkakaguluhan sila doon.

Crush, I ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon