Chapter 5: Eri’s Memory
Way back 1st year high school days of Eri
“Hulaan ko, nag-away na naman kayo ng tatay mo ano?” tanong sa akin ni Nevil, lunchbreak namin ngayon at walang tigil si Marco sa pagtingin niya sa kanyang dala dalang porn magazine. “Oo, lagi na lang siya naghihigpit eh hindi naman ako ang bunso tsaka binata na ako kaya hindi niya ako dapat paghigpitan ng ganun. Nalate lang ako ng 1 oras sa pag-uwi sisigawan agad ako” biglang tumigil sa pagtingin ng pictures sa magazine si Marco at tumingin sa akin “alam mo pre maganda nga yun ehh, it doesn’t mean na pinaghihigpitan ka ehh sinasakal ka na. Nag-aalala lang kasi yun sayo pagpasensyahan mo na at tsaka gamyan naman talaga ang mga matatanda ehh” lagi na lang kasi kami nag-aaway ng tatay ko kaya kada papasok ako, lagi akong nakasimangot. “Hayaan mo na, importante kasama ko kayo ni Nevil, at least kahit papano masaya ako” hindi ko mabuksan ang binili ko na c2 dahil sobrang higpit yung takip. “Akin na nga yan” kinuha ni Nevil yung bote sa akin ng c2 at binuksan niya ito. Meron kasing kakayahan si Nevil na palakasin ang katawan niya kahit ganun kaliit ang kanyang mga katawan. Isa siyang payat, laging nakavest, medyo mahaba at wavy ang buhok, medyo matangkad, mabilog ang mata, at palangiti. Siya ang pinakamatalino sa aming magtrotropa, kumbaga kopyahan naming siya pag tinatamad kaming mag-aral ni Marco.
“Saan mo ba plano magcollege?” biglang napaisip si Nevil sa tanong ko. Hindi naman din siya mahilig sa arts dahil gusto niya ay napapaligiran siya ng computer. “Hmmm.... Balak ko kasi sa STU kaya lilipat na ako dun mismo sa kanila ermat” nasabi niya kasi samin nung pagkagraduate pa lang ng elementary na gustong gusto niya mag-aral sa STU dahil maganda daw ang facilities dun at mga computer na gagamitin. “Ehh ikaw Eri? Napag-isipan mo naba kung saan ka mag-aaral?” mahilig naman ako magsulat ng mga scripts at short novel ngunit hindi ito napapansin dahil hindi ko din naman kasi pinapabasa sa maraming tao, kumbaga sa dalawang ito ko lang pinapabasa ang ginagawa ko. “Sa University of Arts siguro, gusto ko kasi pagkagraduate dun ako babagsak sa university na yun tsaka malapit lang sa amin ehh. Ikaw Marco? Ano balak mo maging porn star? Hahaha” natawa kami ni Nevil dahil naisip naming bigla kung ano ang hitsura ni Marco kapag nagging porn star siya.
“Mga ulol! First year pa lang tayo saka ko na pag-iisipan yan” mahilig naman siya magdrawing ng comics yun nga lang yung malaswa na comics kumbaga pwede siya magtrabaho sa diyaryong bomba. Inubos na namin yung kinakain namin at bumalik na kamin sa room naming dahil bawal kami malate alam niyo naman buhay high school. Naalala ko din na magagalit girlfriend ko kapag may markang late ako sa record ko. Habang nagdidiscuss ang teacher namin, naisip ko na naman kung magagalit na naman si papa sa akin kapag umuwi ako mamaya. Sa araw araw ba naman na buhay ko lagi akong pinapagalitan ehh kahit katiting na bagay lang yung tipong may natapon na butil ng kanin sa sahig. Tumingin na lang ako sa bintana at tinignan ang magandang tanawin sa labas.
Pagkatapos ng ilang oras, tapos na ang klase namin at nauna na ako lumabas dahil naghihintay sa akin ang girlfriend ko sa may gate ng school. Lagi kasi kaming umuuwi ng sabay, hinahatid ko siya sa kanila bago ako umuwi kaya minsan nalalate talaga ako umuwi lalo na pag traffic. Habang naglalakad papunta sa gate, may bumato ng malambot na bagay sa ulo ko at napansin ko na tinapay pala ito. Isang babae na mahaba ang buhok at may pagkaoctopus cut yung dating ng hair niya, maputi, singkit, medyo maliit ang height, at maganda ang katawan. Si Andrea lang pala ang girlfriend ko. “Nagsasayang ka na naman ng pagkain pasaway ka talagang babae ka pero love pa din kita” hinalikan ko siya sa cheeks at hinawakan niya ang mga kamay ko. “Tara na uwi na tayo, may bago kang gawa na novel? Pabasa naman please (^_^)” mahilig kasi siya magbasa at kaya magkasundo kami lagi.
As usual, bago kami umuwi ni Andrea, bumili muna kami ng ice cream at binilhan ko siya ng favorite niya na kwek kwek. Nakarating na kami sa bahay nila at ininvite ako ng magulang niya na kumain. Legal kasi kami sa amin at sa kanila kaya walang problema sa aming relasyon. “Andrea, lilipat ka na ng school sa America next school year with your cousin. We have to go there para magkakasama na talaga tayo” nagulat ako bigla nung sinabi ng father niya ang mga salitang ito dahil bihira lang umuwi ang father niya dito sa bansa dahil dun siya sa America nagtratrabaho. “But dad, I don’t want to go to America. I mean paano yung mga friends ko? Si Eri” sumingit bigla ang nanay niya nung sumagot si Andrea “Anak give time for your dad naman kahit papano, minsan na lang kasi natin siya makasama ayaw mo nun kumpleto na ulit tayo kapag andun na tayo sa America at tsaka masarap mabuhay dun anak” biglang tumayo si Andrea at tumakbo papalabas. Tinignan ako ng parents ni Andrea na parang nalulungkot sila “Ako na po bahala tito at tita” tumayo ako sa inuupuan ko at pinuntahan si Andrea sa labas.
BINABASA MO ANG
Crush, I Exist
HumorA story of a boy who wants to be a great writer who meets this girl who used to be famous manga artist in a place called Memorial Garden. Join Eri on his wonderful story of laughter and romance as he tries to tell his feeling to a famous manga artis...