Chapter 4

56 0 0
  • Dedicated kay Jomaric Santos, Umamin ka na sa crush mo Joms! wag kang torpe :D
                                    

Chapter 4: The Writer and The Artist

"Napagusapan kasi namin ni Anita na maghanap ng best member ng club namin at ipagcocollaborate namin ito para makagawa ng malupit na art. Hindi ko pinili si Christy dahil masyado siyang busy kaya naghanap ako ng bago" so that explains kung bakit naghanap sila pero bakit ako? "Eri, may potential ka sa pagsusulat at nagulat nga si Christy at iba pang old members sa pinasa mong draft sa amin. Agad agad kaming nagdesisyon dahil nakakabitin agad kahit draft pa lang at ang ganda ng plot" natuwa naman ako dun pero teka "Salamat president, pero teka diba busy din si Ms. Shirayuki?" biglang tumingin si Shirayuki sa akin "Kahit may ginagawa akong ibang manga kaya ko isabay ang collaboration natin, wag mo maliitin ang skills ko" hindi sa minamaliit kita, ayoko lang makaabala sa ginagawa mo, pero di mo lang alam ako yung nagsusulat ng novel na ginagawan mo ng manga version ngayon.

"Hahaha! Malupit na artist si Shirayuki Eri, kaya nga siya kinuha namin. Hindi kami makakasali ni Silver dahil graduating na kami at kailangan namin magbigay ng time para sa studies namin so magpalitan na kayo ng contacts niyo" kahit si Anita bilib rin sa galing ni Shirayuki. Lumapit si Shirayuki sa akin at kinuha ang phone ko "ito number ko, contakin mo na lang ako kapag maygsisimula na tayo at kokontakin mo lang ako for this matters nothing more wag mo din ipamimigay number ko at wag ka magpapadaan ng gm sa akin" angsensitive naman nito pero at least may contact na ako sa kanya. Nagsend ako ng message sa kanya ng nakadila na emoticon "save mo na lang yan yung number ko" tinignan niya at tumingin siya sa akin ng nakapokerface "Oh siya tara na na Eri ingat kayo Anita" umalis na kami ni Silver at pinauna na niya ako sa pag uwi dahil may gagawin pa daw siya.

Habang naglalakad sa hallway, nakita ko na nagphophotoshoot si Luke sa room ng photography club. Lumingon siya sa entrance at sumimangot sa akin "what are you doing here earthworm? Get lost!" sumenyas ako sa kanya ng fuck you sign at umalis na agad. Pagkarating ko sa bahay, umakyat na agad ako ng kwarto at binuksan ang pc ko at nag online sa fb.

Shirayuki: Yow! malapit ko na irelease yung gawa natin Snow!

Eri: Wow! goodluck satin!

Shirayuki: Pero teka paano pag nabenta na yung share mo?

Eri: Don't mind about it. Sayo na yan lahat

Shirayuki: Ehh? sure ka?

Eri: Oo wala naman ako pake sa pera ang gusto ko lang makatulong sa ginagawa mo anyways i have to write the next chapter ito na yung chapter 4 ohh

Sinend ko na sa kanya ang yung chapter 4 ng Crush, I Exist at nag log out. Pagkatapos ko maglog out, sinimulan ko na gumawa ng bagong novel para sa national competition. Hmmm ano kaya ang maganda gandang plot? ahh alam ko na! Tiyak na magugustuhan niya rin ito. Natapos ko na ang draft at napansin ko na hating gabi na pala. Gising pa kaya siya. Tinext ko siya about sa draft at para malaman ko rin na kung gising pa siya o tulog na.

Eri: hey tapos na yung draft

Shirayuki: sige pakita mo na lang sa akin bukas may gagawin pa ako

Yes! May first text message na siya sa akin kahit medyo cold yung dating nung text niya. Nahiga na rin ako sa kama ko at natulog na. Sana, mapalapit ako lalo sa kanya. I can't wait to tell Marco about this hehehe maiinggit yun for sure pero siguro sa ngayon secret muna o kaya hintayin ko na siya ang makakita para masurprise mehehehe.

PLOK!

Ahh! Ano yun! Nagising ako dahil may tumulo sa noo ko! Pagmulat ng mata ko napansin ko na may ibon na nagiikot sa kwarto ko, nalimutan ko pala isara yung bintana ng kwarto ko. Hinipo ko yung noo ko kung ano yun. Bwisit! IPOT NA NAMAN! ANAK NG TIPAKLONG NAMAN OHH! Aga aga maiinvolve na naman ako sa kamalasan buti na lang dito sa bahay nangyari. Dumiretso na ako sa lababo para linisin yung nasa noo ko at maghilamos. Nagready na din ako sa pagpasok ko sa school. Habang naglalakad sa kalsada, tinamaan ako ng bato sa mukha. "Aray! grabe anak ng.." may lumapit sa akin na batang nakatali ang buhok na singkit, maputi at medyo chubby ang hitsura na kasing liit ni Victor "gomenasai I mean sorry po onii I mean kuya hindi ko sinasadya na mapalakas yung sipa ko sa bato" teka hapon pala ito kaya lumuhod ako sa harapan niya at hinimas ang ulo niya "okay lang bata next time wag mo masyado lakasan yung sipa mo haha oh ito lolipop" binigyan ko siya ng lolipop, madalas kasi ako maglagay ng dalawang piraso ng lolipop sa bulsa ko. "Yey! Arigatou I mean salamat!" hindi pa siya siguro marunong magtagalog pero parang may kahawig yung bata na yun? Nakita ko sa nametag niya sa school niya na Yuka ang name niya.

Crush, I ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon