Chapter 2: You again?
Bumalik na ako sa room namin dahil tapos na ang breaktime namin at habang nagihihintay ng prof. namin, nagkwekwentuhan kaming dalawa ni Marco. "Oh ano nangyari sa inyo ni Daisy?" medyo namula ang mukha ni Marco at tumawa na lang ng onti "Okay naman pre may boyfriend na pero uso naman NTR ehh hahahaha!" hayop! Sabi ko na nga ba ito na naman sasabihin niya sa akin haha ang ibig sabihin kasi ng NTR ay parang nangangaliwa yung may karelasyon, ginagamit din namin ito pag may sulutan session na nagaganap at kapag may kakilala kaming nagaganun lagi naming nasasabi ang katagang pare! naNTR ka! Pashot ka na! Kaya nung high school kami, busog kami sa alak kapag may naNTR sa amin pero buti na lang hindi pa ako nagiging biktima ng NTR haha! "Hindi ka talaga nagbago kahit kailan, san ka naman sumali na club?" nagtaka ako kasi hindi kami parehas ng sinalihang club kasi nung high school, kung san ako sumali dun din siya sumasali. "Sa comics club ako sumali tutal marunong naman ako gumawa ng comics and guess what andun yung sikat na manga artist!" Malamang si mystery famous girl yung tinutukoy niya "Ganun ba? Ano pre" sinubukan kong tanungin sa kanya ang name ni mystery famous girl "Ano yun?" naisip ko bigla na kapag tinuloy ko yun baka isipin niya na interesado ako kay mystery famous girl "Ah wala andyan na yung prof. makinig muna tayo" tumingin sa akin si Marco na parang nagtataka siya "You're wierd what's wrong with you?" ngumiti na lang ako at nakinig na ako sa prof. namin last subject na kasi namin ito ibig sabihin nun uwian na namin.
Tapos na ang klase namin at nagpaalam na ako kay Marco dahil bibili pa ako ng pasalubong ko para sa kapatid kong si Victor. Dumiretso na ako sa Mcdonalds para bumili ng favorite niya. Bumili ako ng fries at McFloat para sa akin. Naalala ko bigla na onting lakad lang pala dito sa school namin ay Memorial Garden na kaya naisipan ko na pumunta doon. Tutal hapon naman na, naisip ko na hintayin ulit ang sunset at kumain ng fries habang pinapanood ito. Pagkarating ko sa Memorial Garden, dumiretso na ako sa lugar kung saan ko pinapanood ang sunset at kung saan una kaming nagkita ni mystery famous girl. Himala wala siya dito, naupo ako sa bench kung saan siya nakaupo nung una kami nagkita. Habang naghihintay ng sunset, napansin ko na may papel na nakasingit sa may kanto ng pinagdikit dikit na kahoy ng bench na inuupuan ko. Nacurious ako bigla at kinuha ko ito.
"I need a writer, please contact me urgently at my facebook account. Message me first before adding me and tell me if you really are a writer and please show me one of your works."
www.facebook.com/ShirayukiMasato24
Ito yung nilalaman ng papel, mukhang magandang opportunity ito, baka staff siya ng isang publishing company or ano pa pero sana naman hindi siya kidnapper. Ayan na ang sunset kaya pinanood ko na ito habang kumakain ng fries. Habang pinapanood ko ang napakagandang scenario, naalala ko si mystery famous girl. Magtatagpo kaya ulit ang aming landas? Sana pero huwag naman yung mapapahiya ulit ako. Pagkatapos ng sunset, umuwi na ako dahil naalala ko na hinihintay pala ako ng kapatid ko dahil sa pasalubong ko at maglalaro pa kami ng Super Street Fighter 4 sa PS3 namin.
Pagkarating sa bahay inilagay ko na sa dining table yung binili kong spaghetti para kay Victor. "Victor! andito na ako yung favorite mo andito na may kasama pang toys yan!" pagkatapos ko tawagin si bunso, agad agad siyang bumaba sa first floor at tumakbo sa dining room. Lagi kasing happy meal ang binibili ko para sa kanya kaya ayun collectibles niya mga laruan ng Mcdo at nagtatampo siya sa akin kapag hindi ko siya nabibilhan ng happy meal. "Salamat kuya! tapos na yung homework ko! pagkatapos ko kumain laro agad tayo!" Kinuha ko na yung ulam sa table at sumandok na ako ng kanin. Nasa grocery si mama every monday night kaya nag iiwan na lang siya ng ulam sa table. Pagkatapos namin kumain ng dinner, pumunta na kami sa kwarto ko para maglaro ng SSF4, hahaha talagang match lang kami pag naglalaro nito. Mahigit ilang oras kami naglaro hanggang sa makatulog siya. Binuhat ko siya, dinala sa kanyang kwarto, at inihiga sa kanyang kama. Bumalik na ako sa kwarto at niligpit ko na yung PS3. Binuksan ko na yung PC ko para makapagfacebook, naalala ko bigla yung account nung naghahanap ng writer. Nakita ko na yung account niya at tinignan ito. Pinindot ko na agad yung message button at habang nagtatype ako, teka may kahawig siya ahh? binura ko muna yung isesend ko sa kanya at tinignan yung profile niya. Hmmm? sa U.A. din ang school niya at isa siyang manga artist, dahan dahan kong tinignan ang kanyang picture at..... SIYA NGA! SI MYSTERY FAMOUS GIRL!!!! grabe pressure na ito! Naglog out na lang ako at natulog na grabe nagulat ako sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
Crush, I Exist
HumorA story of a boy who wants to be a great writer who meets this girl who used to be famous manga artist in a place called Memorial Garden. Join Eri on his wonderful story of laughter and romance as he tries to tell his feeling to a famous manga artis...