Chapter 7

23 0 0
                                    

Chapter 7: Private interaction

Ang awkward ng moment na ito, ano kaya sasabihin ni mama kay Shirayuki. Pero sana naman hindi tungkol sa pag-ibig enebe hende ke ne keye te hehehe. “Gaano na kayo katagal magkakilala ni Eri?” napalingon ako kay mama nung sinabi niya yun “buwan na po tita” napalingon ako kay Shirayuki dahil sa kanyang sagot “hindi ba mahirap kasama ang anak ko?” napalingon ulit ako kay mama “hindi naman po tita” lumingon ulit ako kay Shirayuki.

“Kuya para kang baliw palingon lingon ka kumain ka na nga diyan” sabat ni Victor nung napansin niya ang mga kilos ko “relax anak alam ko naman na may gusto ka kay ate naninigurado lang kami na maganda ang kalooban niya” at nagkatinginan kaming dalawa, biglang namula ang aming mga mukha. Inalis namin agad ang titigan namin my God nakakakilig na awkward.

“Wala akong balak manligaw sa kanya katrabaho ko lang siya sa competition, sadyang dito lang siya mag oovernight para makapag-isip kami ng ideas ng malaliman” tumingin si mama sa aming dalawa “siguraduhin niyong wala kayong gagawing kababalaghan mamayang gabi ahh” nagulat kaming dalawa sa sinabi ni mama samin “HINDI PO WALA PO KAMING GAGAWIN! YUUUUCK!” sabay naming nasigaw nung sinabi ni mama ang mga salitang yun. Grabe hanggang pantasya lang ako! (T^T)

Pagkatapos naming kumain, dumiretso na kami sa kwarto ko at bigla niya akong tinulak papalabas “magbibihis lang ako maghintay ka jan” dinabog niya ang pinto ng kwarto ko at hinintay ko matapos siya sa kanyang pagbibihis. Bwisit makakasilip na sana ako este makikita ko sana kung gaano siya kaganda sa susuotin niyang pantulog. Binuksan na niya ang mga pinto at ayun nakasuot siya ng blue na pantulog. “Paborito mo din pala ang color blue” lumingon siya sa akin habang nag-aayos siya ng buhok sa salamin.

“Oo parang pamilyar tong kwarto mo sakin, may kaparehas, parang nakita ko na sa mga kachat ko sa facebook parang lang ahh” nako parang makakahalata ata siya na ako si Snow. Alibi alibi alibi gumana ka ayun “huh? Ah ehh ano baka nasaktuhan lang na parehas kami ng taste sa design ng kwarto” biglang nawala ang nagtataka niyang mga mukha “sabagay mas masaya kausap yun kaysa sayo” nilatag niya sa sahig yung nakita niyang sleeping bag sa gilid ng cabinet ko “dito ka matutulog ako sa kama” huwaaaaw! Teka dapat ako yung nasa kama kasi makikitulog ka lang? Hinayaan ko na lang kasi babae ehh palalampasin ko ngayon to.

“Teka parang hindi naman ata yun tama bahay ko to ehh”

“Be a gentleman (-_____-)”

“hayyst sige na wala ako magagawa”

“alam mo wag ka na lang umangal and let’s start working”

“pero teka paano ba tayo makakaiwas ng issue sa school baka ano isipin nila ehh”

“simple lang mag-uusap lang tayo about sa ginagawa natin nothing more nothing less hindi tayo pwede magsabay sa kung anu-ano at di tayo pwede mag-usap ng kung anu-ano kahit text mahirap na dahil laganap ang hacker sa mundo. Kumbaga pag may sleep over patago itong gagawin at dun lang tayo pwede mag-usap ng mga bagay bagay”

“sige okay ako dun”

Okay nga ba? Huhu paano na ako makakadiskarte nito. Teka anu ba iniisip ko makapagsulat na nga. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya habang nagdradrawing siya, ang ganda niya kasi ehh lalo na pag seryoso ang mukha niya. Tumingin siya bigla sa akin. “Tama na kakatitig and start working baka pati drawing ko matunaw (-_______-)” woah napansin niya pala ako.

“Uhm ano Shirayuki....”

“Bakit nanaman?”

“May tatanong lang sana ako pero sana wag ka magalit”

“Ano yun?”

“Naranasan mo na ba magkagusto sa isang lalake”

Nagtaka ako sa sarili ko kung bakit ko natanong sa kanya ito. Nalaglag na lang niya yung pencil na hawak niya at tumingin sa akin “wala akong panahon diyan, isa lang major distraction sa ginagawa ko yan” so ibig sabihin pala kahit ano gawin ko hindi ako papasa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush, I ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon