Chapter 3: Trying To Reach You
Gutom na talaga ako pero andun pa rin si Shirayuki. Siguro dededmahin ko na lang siya at kunwaring hindi ko napansin para mas malimutan niya ako lalo. Teka ano ba talaga ang gusto ko? marecognize niya o hindi? ewan ko basta ang gulo. Eh kung umuwi na lang kaya ako at sa bahay na kumain yun nga lang madaming tao sa pila ng jeep no choice ako. Pumunta na ako sa convenient store at buti na lang hindi siya tumingin sa akin nung pumasok ako. Habang naghahanap ako ng makakain, napansin kong pumasok din si Shirayuki, grabe naman heavy na to!! Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa paghahanap ng makakain. Habang tumitingin ako ng mga rice meals, napansin ko na nasa tabi ko na pala siya at tumitingin din siya ng pagkain.
"Pagkain pagkain lalala pagkain" teka kahit mga sikat may pagkawierdo din pala, kumakanta sa loob ng convenient store in public pa. Hindi na lang ako lumingon at kumuha na lang ako ng burger steak with rice. Pumila na ako sa pagkahaba habang pila sa cashier at pagkalingon ko sa likod, nakapila na din pala siya kaya agad agad akong humarap ulit sa pila para hindi niya mahalata na tumitingin ako sa kanya. Pagkabayad ko, napansin ko na may parang pamilyar na hitsura na pumasok sa store. Yung nakakabadtrip pala na si Luke.
"I can't believe na may earthworm pala na bumibili sa mga convenient store" ito ang sinabi niya pagkapasok niya ng store. Grabe na ito kaya babasagin ko na lang siya "wala akong panahon makipag usap sa basurang tulad mo" inirapan niya lang ako at napansin ko na lumapit siya kay Shirayuki. "Honey diba dapat sinasabi mo sa akin kung saan ka pupunta?" ang kapal ng mukha na tawagin niyang honey si Shirayuki, teka sila ba? "Don't call me honey Luke at hindi tayo para umakto ka ng ganyan" ito ang sinabi sa kanya ni Shirayuki "But our parents want us to be together kaya nga may fixed marriage tayo diba. After graduation ikakasal na tayo at may surprise ako sayo na tiyak na magugustuhan mo" ahh so fixed marriage pala ang meron dito, teka bakit ba ako nakikinig? medyo naheart broken ako dun ahh kaya lumabas na lang ako ng store.
Nakasakay na ako ng jeep at umandar na ito papaalis. Nakita ko sa labas ng jeep na sinusundan pa din siya ni basurang Luke. Nakakainis! Parang gusto ko tuloy pumara at bumaba para sapakin si Luke ng matauhan naman kahit papano. Sinubukan ko pumara kaso hindi ko na lang itinuloy dahil ayaw ko din naman ng gulo tsaka sino ba ako para mangealam diba? Hinayaan ko na lang umandar yung jeep at napansin ko na tumingin si Shirayuki sa jeep na sinasakyan ko na may bakas ng lungkot ang kanyang mukha. Gusto ko na talaga bumaba kaso di ko magawa hayst hayaan ko na muna sorry talaga Shirayuki pero wala talaga ako karapatan mangealam.
Pagkauwi ko, binuksan ko na agad ang PC ko at nagfacebook. Tinignan ko ulit yung account niya at pinindot ko yung message button para kamustahin siya at makipag interact sa kanya for the first time. Habang nagtatype ako, binura ko na lang ito dahil natotorpe talaga ako. Hmmm, alam ko na! gagawa na lang ako ng second account hehehe iibahin ko lahat ng about sa akin at di ako maglalagay ng picture ko kahit kailan para hindi niya malaman na ako yun.
After ko gumawa ng second account ko, nagmessage ako agad sa kanya.
"Hi! I heard that your looking for a writer? I'm a writer and I would like to work with you"
Ito muna ang ipinadala ko sa kanya na message. After ten minutes may nag add sa akin, si Shirayuki pala! kaya inaccept ko agad. Nagreply agad siya sa akin. Nagpanggap ako na wala akong alam about sa kanya.
Shirayuki: Hi Mr. Snow, pwede naman po tayo magtagalog kasi nakakaintindi ako ng tagalog kahit papano.
Eri: Ahh pasensya na akala ko kasi hindi ka nakakaintindi ng tagalog. So what's the plan?
Shirayuki: Can you send me your best work? Kahit draft lang.
Agad agad? tutal may pinapagawa naman sa amin ang club namin na draft ng novel, isinend ko sa kanya yung ginagawa ko na novel. Actually yung ginagawa ko na novel na yun ay about sa aming dalawa, iniba ko lang yung mga characters at settings.
BINABASA MO ANG
Crush, I Exist
HumorA story of a boy who wants to be a great writer who meets this girl who used to be famous manga artist in a place called Memorial Garden. Join Eri on his wonderful story of laughter and romance as he tries to tell his feeling to a famous manga artis...