Page 11 : Mettle

24 1 1
                                    

Inilipat ko ang aking nagawang istorya sa papers na hindi magtatagal ay ibibigay ko rin sa owner ng bookshop. Mahigit ilang weeks ring hindi na ako nagpapasa ng paperworks sa kadahilanang nakadorm ako...but since it's weekend and Saturday is my leisure day, I still have time to pass my recent homemade stories as preparation for the upcoming Story Fest next month. That event is one of the important gatherings the mass should prepare of...pero dahil nga sa malaking sekretong problemang hinaharap ko ay baka mahirapan akong makapasok sa Top 10 best stories.

Hapon na ako pumunta sa bookshop dahil ayaw ko rin namang pumunta dito ng napakaaga. Pagkakatok ko ng tatlong beses ay agad na bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang may ari ng gusali.

"OMG Hellen, It's been two weeks already since you left, sa tingin mo ba matutuwa ang mga readers mo kung lagi ka na lang huli sa pagpapasa ng paperworks?" Dakdak niya nang maisara ang pintuan.

I just rolled my eyes on him. He always think that I'm just a normal numb author who used to end a story in a miserable way. Nagtataka nga ako kung bakit sumisikat ang aking mga kuwento kahit na ang karamihan ay nagtatapos sa sad endings.

"Just get used to it." Tipid kong sagot pagkatapos kong ibagsak ang aking bag sa isang upuan at umupo sa isa pa.

"Hellen we have to do better than this." Suhesyon niya nang matapos basahin ang ginawa ko.

Umupo siya sa kanyang swivel chair at tinignan ako ng maigi habang naka cross arms.

"That is the perfect ending. You should know how to appreciate sad endings...now if you really don't want to accept that one---"

Hinablot ko ang folder mula sa kanya. "---Goodbye Mr. Shelton."

Patuloy ko.

Dali dali siyang tumayo mula sa pagkakaupo at hinabol ako.
"No, no, don't do this to me Hellen, hindi ganito ang ibig kong sabihin." Sambit niya.

Hinarap ko siya at sinabing,
"I already told you about this...
but you're such a hardheaded bookworm."

"Ok, fine fine fine fine, I'll accept this." Pagsuko niya.

"Mabuti naman. Hindi mo pa nga nababasa ang buong istorya pero sinasabihan mo na agad ng pangit." Pambubuking ko sa kanya.

"H-how did you know?"

Nagtataka niyang tanong.

"Hindi ako tanga para hindi malamang description lang ang binabasa mo nang sa ganong ay matanto mo agad na malungkot ang wakas ng istorya." Paliwanag ko dahilan upang mapalunok siya.

He swallowed hard because of shame. "I-Im really really sorry." Mahinang tugon niya.

"I know you're really fond of happy endings, but we don't have the same taste, kaya huwag ka ng masyadong mapilit dahil hinding hindi na ako magbabago." Untad ko.

Pagkatapos ng pakikipag usap kay Mr. Shelton ay bumalik na ako sa sasakyan at tinungo ang lugar na kailan man ay hindi ko pinangarap na mapuntahan. The threat I received yesterday was very hard to ignor, kaya kahit sabihin man ng iba na mali ang napagdesisyunan kong kapitan ay wala na akong pakialam dahil ibang klaseng problema ang kinakaharap ko ngayon, alam kong nakakairita man pero kailangan ko ng kumapit sa patalim. Bumungad agad sa bintana ng aking kotse ang nag iinspeksyon ng lugar...mga armado sila at mukhang hindi pangkaraniwang guard lamang.

"This is me, Hellen Fross, one of your master's companions." Panimula ko.

Mukhang hindi sila nakontento dahil hinawakan nila ang napakaliit na device sa kanilang  kwelyo at nakipag usap sa kabilang linya. Hindi nagtagal ay pinalampas rin nila ako at tuluyang pinapasok sa napakalaking itim na main gate.

Melancholy Night Where stories live. Discover now