That's a wrap. Sigaw ni Direk. Finally natapos din yung shoot namin.
Sanay ako magshoot ng buong araw pero wala ako sa mood today. Hindi ko alam basta sad ako today.
Ly, you did great. Go home and rest. Sabi ni Direk sa akin.
Thanks direk. Sabi ko sa kanya at bineso siya.
Pumunta na ako sa van ko dahil gusto ko na umuwi at magpahinga its 2 am and i'm dying to get a sleep.
I'm a TVC and print ad model. Mostly seductress lagi ang role ko or laging lingerie ang minomodel ko. Sayang daw kasi yung katawan ko kung nakabalot lang. Marami na nagoffer sa akin magartista pero hindi ko kaya. Modelling pa nga lang ang dami ng nangigielam sa buhay ko, magartista pa kaya.
Pagsakay ko sa van ang daming flowers, punong puno yung van ko.
Myka, kanino galing to? Tanong ko sa beki kong PA.
Eh di kanino pa eh di sa manliligaw mong matanda. Sabi niya.
Paano naman niya nalaman na nandito ako? Tanong ko.
Wala akong alam dyan. Sabi ni Myka habang nakanguso sa driver kong si Jirvy.
Jirvy, ano na namang suhol ang natanggap mo at pinagsasasabi mo kung nasaan ako? Tanong ko sa kanya at nakita ko naman kakamot kamot ng ulo.
Ate Aly sorry na. Eh ang kulit eh. Alam mo naman na malaki utang na loob ko sa matandang yun. Sabi niya.
Ikaw ang may utang na loob hindi ako kaya wag mo ko ipain. I never dreamt to be a mistress for God's sake. Baka bumangon sa hukay ang mga magulang ko sa ginagawa mo. Sabi ko sa kanya.
Ate, idate mo na kasi saka mo sabihin sa kanya ng harapan yan ng tumigil na. Sabi ni Jirvy.
Bakit hindi ikaw ang makipagdate saka mamaya isipin nun type ko siya kaya ako makikipagdate noh. Sabi ko.
Mabait yun ate. Malay mo naman irereto ka lang pala sa anak niya. Sabi ni Jirvy.
Oo nga ate. Gwapo anak nun tapos matangkad bagay sayo. Sabi ni Myka.
Ay close kayo tehh? Tanong ko.
Hindi nakita ko lang sa magazine. Sabi niya.
Kaya nga ayoko makipagdate dun dahil kilala yun. Mamaya mapagkamalan akong kabit noh. Sabi ko.
Kunyari business meeting pwede naman yun huh. Sabi ni Jirvy.
Bahala na. Baka pagbalik na lang namin ni Myka from New york. After the fashion week. We'll see. Sabi ko.
Ate, hindi ako makakasama diba? Bagsak sa interview. Sabi ni Myka.
Shit, oo nga pala. It's gonna be a hell week for me. Sabi ko dahil hindi ako sanay na wala si Myka na tumutulong sa akin.
Parang kapatid na kung ituring ko tong mga to. Matagal ko na silang kasama pero hindi sila nakatira kasama ko dahil pakielamera daw akk sa buhay nila. Mas matanda kasi ako sa kanila at marami akong rules kaya ayaw nila tumira kasama ako.
Okay lang yan tehh, wala naman trabaho dun, mageenjoy ka lang tapos all expense paid pa. Uwian mo ko ng maraming pasalubong. Sabi ni Myka.
Kailan flight mo ate Aly? Tanong ni Jirvy.
Sa isang araw. Loko ka ihahatid mo ako nun. Sabi ko.
Oo nga tapos habang wala ka makikipagdate muna ko sa girlfriend ko ate. Pwede ba pahiram ng kotse mo? Tanong niya.