Bakit ang gulo ng feelings ko? Nung nandito si Kiefer gusto ko siya umalis ngayon naman na umalis na siya gusto ko nandito siya. I can't help but be sad. Pagkahiga ko sa couch automatic na tumulo yung luha ko. Hindi ko alam kung tama bang pinaalis ko siya kasi mas masakit pala pag wala siya.
Buti na lang wala pa rin akong work kung hindi mababaliw sa akin yung make up artist dahil ang laki laki na ng eyebags ko kakaiyak. Pumikit ako at natulog sa couch niyakap ko yung unan dito na amoy ni Kiefer.
Nagising ako ng may kumakatok sa pinto kaya agad agad akong tumayo pero pagsilip ko sa peephole si Myka lang pala kaya pinagbuksan ko
May susi ka naman huh, bakit kumakatok ka pa? Tanong ko.
Eh diba dumating si Kuya Kiefer. Mamaya pumasok ako tapos may ginagawa na naman kayo. Sabi niya.
Anong ginagawa mo pala dito? Tanong ko.
Bibisitahin ko lang sana kayo ni Kuya. Nasaan nga pala siya saka bakit ang pangit mo? Tanong niya kaya bigla akong umiyak.
Naku joke lang ate maganda ka pa rin. Hindi ka naman mabiro. Sabi niya.
Wala na si Kiefer. Sabi ko.
Huh? Namatay na si kuya Kiefer? Kailan pa? Paano eh ang bata pa nun diba? Anong cause ng death niya? Diyos ko bakit di mo ko tinawagan agad? Sorry ate. Sabi niya at niyakap ako. Hindi ko alam kung matatawa ako o mabwibwisit ako dito kay Myka eh. Tatanga tanga.
Wag ka ngang oa. Kapag wala na patay na agad? Tanong ko sa kanya
Eh kasi ate yung itsura mo para kang namatayan. May lakad ba yung mata mo? Laki ng bag na dala eh. Umupo nga tayo, ikwento mo sa akin ang nangyari. Sabi niya at kinwento ko sa kanya.
Ang arte mo rin pala eh. Nagsorry na nga't lahat pati yung parents di mo pa pinatawad. Tapos ngayon sinunod yung gusto mo ngangawa ngawa ka. Model ka ate hindi artista kaya wag kang umarte. Sabi niya.
Ano bang dapat kong gawin? Tanong ko.
Sundan mo sa new york. Sabi niya.
Ganun? Tanong ko.
Oo. Pwede rin naman magmukmok ka na lang diyan. Papadalhan na lang kita ng mcdo araw araw para makamove on ka. Sabi niya.
Myka naman eh. Sabi ko.
Haynaku tehh malaki ka na alam mo na ang dapat mong gawin. Ako kailangan ko ng umalis dahil may date pa ako. Wag na umarte tehh. Sabi niya.
Sige na. Ingat ka sa date mo. Sabi ko kaya bineso niya ako at umalis na.
Pumasok ako sa kwarto at sa cr para tignan ang sarili ko. Ang pangit ko nga ngayon. Namamaga yung mata ko at mukha akong bangkay dahil ang putla putla ko. Naghihilamos ako ng biglang marinig kong may nagbukas ng pinto. Bakit kaya bumalik tong si Myka. Kinuha ko yung towel at lumabas habang nagpupunas ng mukha.
Anong naiwan mo? Tanong ko.
Huh? Tanong niya sa akin kaya napatingin ako.
Si Kiefer to hindi si Myka. Para tuloy akong napako sa kinatatayuan ko. Nang hindi ako sumagot. Dumiretso siya sa kusina.
I bought you alcohol so you don't have to go out tonight if you want to drink. Did you have breakfast? Tanong niya sa akin kaya napailing na lang ako.
Kumain ka na, binili kita ng tapsilog at pancakes sa iHop. Nagbreakfast na ako so don't worry hindi kita sasabayan kumain. I didn't know you'll be out of your room. Ayusin ko lang pinamili ko and then i'll go out so you can eat in peace. Sabi niya at inayos yung breakfast ko kaya umupo na ako dun.
