Twisted#2

88 2 0
                                    

Ang sakit sakit sa mata pisti...

Ang comment banaman.
"Hoy baboy pagkain lang nasa isip mo bumaba kana dito!"
Ang mas malala galing pa sa demonyo na si Jiro.
Pisti talaga yung lalaking yun kaya bumaba nalang ako...

"Mama si Jiro tinawag akong baboy!"
Sinabi ko agad sa mama ko nangmaka-baba na ako galing sa kwarto umiiyak iyak pako para maawa siya sa akin

"Hoy! SUSI di kita tinawag na baboy nag type lang naman ako kaya magkaiba yun at isa pa totoo naman yung comment ko dun tapos na pusuan ko na yung status mo wag kang mag alala"kinututya niya parin ako buset talaga tung gago na to! Siraan ko kaya to,sa mga fans niya tapos paparape ko to sa mga bakla sa kanto namin mamaya
*evil laugh*

Napahinto lang ako sa pag-iisip kung ano ang gagawin ko ng hinanda na ni mama yung pagkain sa harap ko pa ito nilagay amoy na amoy kasi ang adobong ulam namin busog nanaman ang mga alaga ko neto.

"Oh tama nayan kumain na kayung dalawa, tapos Key makinig ka nga sa mga itinuturu sayo ni Jiro bagsak kana naman sa math mo nakung bata ka ano bang plano mo?"sabi ni mama saakin habang inaabot kay Jiro ang ulam

"Mama nakikinig naman ako sa kanya
Tapos Ma, wag kang mag alala mag kaka honor ako at makakaakyat ka sa stage habang sinasabitan ng midalya kaya ma tiwala lang"sinasabi ko ito habang ang kamay ko ay nakataas na parang nangagako sa kanya.

"Siguraduhin mo lang Susi dahil nakakailang  pangako kana at ito ka parin bagsak sa math"tinignan ko naman siya ng masama

"Alam mo Jiro hindi ka ba pwedeng ma joke?"di niya na ako pinansin at tumutok siya sa pagkain niya.

Hindi po si Jiro teacher sa school o kung ano man sadyang advance lang siya sa academics kaya sakanya nalang ako nag papatulung I mean sakanya ako pinupush ni mama na mag paturo dahil class A kasi siya tapos ako Class C mabuti na ngayon at hindi ako napunta sa Class D halos lahat ng mga estudyante dun gangster, mga patapun,wala ng.      pag-asa na mga estudyante pero marami din namang matatalino sa Class B at C (at hindi ako kabilang dun) kaso ayaw siguro nila ang madaming gawain ang Class A kasi parang sila kasi yung mga nag Oorganize kung may mga program at halos sakanila mga leader sa school kaya mga busy sila ang iba naman naka pasok sa Class A dahil mayayaman at sikat.

" AI! TATLONG BIBE "nagulat ako.
Paano ba naman bigla akong pinitik sa noo kasi daw di ako nakikinig
Kaya sinabi ko nalang na may menememorize ako na formula at ang gagong si Jiro tumawa lang

"Ay mama nasan si kuya?"tanong ko rito

"Siguro kasama nanaman barkada niya"sagot niya saakin

"Baka nag dota nanaman ulit siya  mama Weak naman si kuya eh"sabi ko rito

"Weak ka dyan si kuya mo nga nag turo sayo na mag laro ng Dota nung naglaro ka nga 20 death 1 kill? at si kuya mo pa ang nakapatay nun at sino ba yung weak ngayon?"nakataas pa yun kilay niya habang sinasabi to Aakin wala na akong nagawa tumahimik nalang ako kasi basag trip tung si Jiro kaya kumain ng kumain nalang ako na stress ako sa kaniya at sa kakareview kahit hindi ako nakikinig.

------
Nang matapos na kami kumain umakyat na rin kami sa kwarto ko Tapos ayon balik nanaman sa pag rereview .
Patago akong nag cellphone nilagay ko sa loob ng notebook ko para hindi mahalatang nag Cecellphone ako. Kung titignan parang nag babasa lang ako. Ito ang tinatawag na galawang Susi
Maka status nga muna.

What's on your mind?

FOOD.

post.

Yieeee tapos na.
Tapos nag scroll scroll ulit ako...
Ang dami kung nababasa na pen apple pen pineapple ano nanaman tung pina uso ng mga Tao...
Para updated ako sinearch ko sa YouTube yung PPAP video daw kasi..nakakatawa din kasi yung mga video. kaya mag statatus nalang ako about sa PPAP nayan para makasabay sa uso

What's on your mind?

Stop acting like you know my pen ✒ your not an apple.🍎 and you will never be pineapple pen. 🍍✒.

Post

Ginaya ko lang yung sa barcelona ang ganda kasi ng linyang yun kaya ayon agad ang naisip ko

"Ai asong gala, ibalik mo ang cellphone ko pisti na demonyo".
Bigla niya kasing hinablot yung cellphone ko tapos sabay takbo kaya ang dakilang si Susi hinabol siya, hawak kasi niya ang buhay ko (cellphone)

"Hoy asong ulol ang cellphone ko, sige na makikinig na talaga ako promise ibalik mo lang yan."pero di padin natinag nag pahabul parin siya kahit maliit tung kwarto ko di ko parin siya na dadakip kaya nag- bilang ako ng ONE to THREE at tumakbo na ako ng mabilis at dinamba siya, nagulat naman siya sa ginawa ko kaya di na siya nakapalag mabuti nalang at sa kama kami na tumba kung hindi sugat sugat na yung mukha niya nakadapa kasi siya tapos humiga ako sa likod niya para Hindi siya makaalis mabigat kaya ako.
nakuha ko din sa wakas yung cellphone ko s kamay niya (evil laugh)

"Shit Key Sharine ang bigat mo umalis ka sa likod ko di na ako makahinga"

"bahala ka dyan" sagot ko lang sakanya

Ngayon ko lang na pansin na may muscles pala tung ugok na to na fefeel ko kasi tapos ang bango pala ng gagong to parang manyakis ako rito dahil inaamoy ko siya.

"Oi Jiro Gwapo akin nalang tung
T-shirt mo ang bango bango"
Hala parang di nato gumagalaw kaya umalis ako sa likod niya at pinaharap saakin... Pisti dina siya humihinga

"Oi Jiro huminga kanaman Paano nga yung CPR nayon parang na lesson na namin yun sa school  pero nakalimutan ko kung paano gawin ang alam ko lang dun idikit mo lang yung lips mo sa patient tapos makakahinga na"parang baliw ako dito kinakausap yung sarili. Kaya bahala na si Batman

Gagawin ko na

A/n:yieeeee tapos na sorry kung bitin heheheh

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon