Na shock ako sa kadahilanan na ang daming miss call at text galing sa kuya ko kasi tamad kayang mag text o kaya tumawag si kuya, laptop at wifi lang naman mahal niya nun eh.Tatawagan ko na sana siya kaso
Babae ang sumagot
*you don't have enough balance chu chu eklabo* oh diba kakaload ko lang wala na agad akong load kinakain yata ang load ko mga patay gutom talagaKaya umuwi nalang agad ako baka emergency to kaya tinawagan niya ako.
******************************
"Ma! Nasaan si kuya?"sabay mano ko sa kanya.
"Baka na sa Kwarto niya anak"dali dali naman ako pumunta sa kwarto niya pero hindi si kuya ang nadatnan ko kundi ang mga kaibigan niya na dinala sa canteeen kanina.
"nasaan si kuya?"tanong ko sakanila pero hindi man lang ako sinagot busy parin sila sa mga pinangagawa nila kaya no choice ako sinigaw ko kung nasaan si kuya kaya napatabon sila sa kanilang tenga
"NA SA C.R!!!bakit ba kasi kaylangan mong sumigaw?"siya pa may ganang magalit
"kasalanan niyo din naman kung bakit ako sumigaw hindi niyo kasi ako sinasagot!"sagot ko sa kanya
"sumagot kaya ako sa tanong mo hindi mo lang narinig kasi puno ng fats ang tenga mo!"sabi nung lalaking yelo ang puti niya kasi siguro mas ma puti pa siya sa akin pero nainis parin ako sa sinabi niya kanina.
"ANONG SINABI MO?"tanong ko sa kanya na may halong pag kainis
"oh diba hindi mo narinig ang sinabi ko kasi puno ng fats ang tenga mo haahaha"nag tawanan naman silang apat kaya susugudin ko na sana ang lalaking nag sabi na puno ng fats ang tenga ng biglang bumukas ang pintuan ng C.R
"KUYA!!! PINAGTULUNGAN NILA AKONG AWAYIN MGA BWESIT SILA!"sumbong ko sa kuya ko habang ang apat na ulupong tawa parin ng tawa sana sa sobrang pagtawa nila mamatay na sila.
"ano ba ang pinag sasabi nila sayo?"tanong ng kuya ko
"puno raw ng fats ang tenga ko kaya hindi ko narinig ang sagot nitong lalaking lumunok ng limang galon ng gluta"sabay turo ko sa lalaking yelo
"yun talaga sinabi mo Will?hahahah LT ARAY!"napahawak naman si kuya sa kanyang ulo kasi binatukan ko siya.
"Bwesit! akala ko susuntukin mo sila o kaya sabihin mo na Friends is over na kayo kuya kasi pinagtripan nila ang pinakamaganda mong bunso pero isa karin palang walang hiyang tatawanan din ako!"iritang sabi ko sa kuya ko na hanggang ngayon namumula parin sa pagpigil ng tawa niya.
"Pina kamaganda? Hahahaha nag papatawa kaba?"Banat naman nung lalaking chinitong may salamin.
"Mukha ba akong nag jojoke dito upang hindi ka maniwala na maganda ako?Meron kaya akong evidence na maganda ako!"sabay turo ko sa aking mukha habang naka pamewang ang isa kong kamay.
"Saan ang evidence mo bat hindi ko makita?Mata ko lang ba ang sira o ang mukha mo talaga ang SIRA?"hindi ko na natiis ang pang insulto nila sa kagandahan ko kaya sinugod ko silang dalawa at pinag susuntok.
"Aray!tigilan mo nga ako ang sakit sa mata ng pagmumukha mo kung malapitan kaya lumayas ka dito! Chu chu Aray!"reklamo nung lalaking nakasalamin.
"Suntok na ba tawag diyan?"walang ganang wika ng lalaking yelo kaya mas nilakasan ko ang suntok ko sa kanya.
"Aray!"reklamo ko bigla kasing umiwas si kuyang puti kaya na suntok ko ang pader.
"Hahahaha tanga nakita mo yun Blue?"
"Oo kitang kita ko talaga ang katangahan niya Red hahahaha" nag apir pa talaga sila at ngayon ko lang napansin may kambal pala si kuya na kaibigan pero wala akong pake. Kasi ang sasama ng ugali
"Ang sasama ng ugali niyo huh pag ako naka ganti ipapakain ko talaga kayo sa alaga kong dragon!"panakot ko sa kanila pero walang epek tawa parin sila ng tawa
"HOY tama nayan pft——hahaha galit na ang pinakamaganda kong bunso"saway ni kuya sa mga kaibigan niya na hindi parin tumitigil sa kakatawa kaya na inis na ako ng tuluyan kaya umalis na ako dun at dumiretso na sa kwarto ko at ni lock ang pintuan at nag bihis na ako ng pambahay ko na damit na extra large na T-shirt at cycling mas comfortable kasing suotin.
**********************************************************************************************
"BUNSO BUKSAN MO ANG PINTO BILISAN MO!"kaya nag madali naman akong buksan ang pinto kasi kawawa naman kung masisira lang ni kuya sa sobrang pagkatok niya ang mahal kaya nitong pintuan na to worth 100,000 thousand made in New york city britey street 3254 code Maque wood land Company pero joke lang lahat gawa gawa ko lang talaga na galing sa new york upang mapahaba lang ang update ni author okay nonsense Back to topic
"Bakit ba? May plano kabang sirain ang pinakamamahal kong pintuan kuya?huh?at ano ang ginagawa mo dito? Doon kana sa mga kaibigan mo na mga panget."
"hindi naman masisira agad ang pintuan na to binili kaya to ni mama sa Wood land company pabayaan mo na ang pintuan halika na bunso may sasabihin diba ako sayong importante"hala totoo palang sa wood land talaga binili tung pintuang ito
Sosyalin rin pala kami hahaha."hoy bunso!"
"Ai wood land, ano ba problema mo kuya!"pinitik niya kasi ang noo ko.
"sumama kanalang nga saakin."
Hinatak ako ni kuya pa punta sa kwarto niya."Hoy kuya ano nga yun? At bakit hindi pa umuuwi ang mga asungot mong kaibigan?"tanong ko kay kuya
"pwede ba mag tanong bunso?"
"kuya nag tatanong kana po"
"pilosopang bata"
" pero seryoso ano ang itatanong mo?"
"kasi bunso ginagamit mo ba laptop mo ngayon?" baliw talaga si kuya yun lang naman pala ang itatanong akala ko kung ano na talaga ang itatanong niya.
"hindi naman, bakit? Anong gagawin mo? bakit kaylangan mo pang manghiram ng laptop may laptop kanaman"
"eh kasi bunso gagawa kami ng research kulang ang Laptop namin"Tinignan ko naman ang mga kaibigan ni kuya
"kuya lahat naman kayo may hawak na laptop huh bakit kaylangan mo pa mang hiram? At baka buksan mo rin ang mga account ko sa facebook at pag tritripan mo din ako?"tanong ko sa kuya ko.
"kulang nga, mag papatulong kami kay dark eh ang gago hindi mag dadala ng laptop kasi daw nakakatamad kaya kaylangan naming mag provide ng laptop para ma tulunga niya kami,Okay na bunso na explain ko na sayo at isa pa hindi ako tulad ng kakilala ko na nagigialam ng account okay?" grabe naman siya sinabi niya talaga yun natamaan tuloy ako, ay ako talaga ang pinapatamaan niya
"eh kuya meron kanamang computer huh? bakit kaylangan mo pa mang hiram?" tanong ko ulit sa kanya
"eh kasi kulang nga"sagot niya ulit
"eh bakit laptop ko pa?"
Tanong ko ulit"paulit ulit ka bunso?"
May halong inis na sabi ni kuya."okay fine"umalis na ako sa kanyang harapan at pumunta sa kwarto ko at dumiretso sa desk ko at kinuha ang laptop pero nagulat ako ng makita ko ang isang hindi kanais nais na tao nung papunta na ako sa kwarto ni kuya
A/n:hi one fan
BINABASA MO ANG
Twisted
Teen FictionKwento ng isang babae na inaakala na ang lahat ng mga bagay na kanyang nakikita ay may katotohanan lahat, ngunit sakabila ng lahat ay mali pala ang kanyang pinapaniwalaan