Twisted#18

7 0 0
                                    


(SUSI P.O.V)

"Hoy gumising kana diyan, Yuck bunso puno ng Laway mo yung unan ko kahit kaylan talaga ang yucky mo"sabi ni Kuya

Ang aga aga sinisra niya na agad ang mood ko kaya minulat ko na ang aking mga magagandang mata

"Anong unan mo eh Kwarto ko to,yucky yucky ka diyan "hinug ko pa yung unan na katabi ko

"Bakit amoy lalaki to kuya? Meron bang pumasok sa kwarto kuya OMAY GUSH KUYA MERON BANG NAG TANGKA SAAKING MANG RAPE?"tumayo na ako sa kama dahil nag panic na ako pero batok lang ang nakuha ko saaking kuya wow damang dama ko na meron siyang pakialam sa akin

"Ang tanga mo hindi mo ba nakikita na kwarto ko to? Tulog kapa yata eh at akin nanga yang unan ko pinuno mo to ng laway mo! Lumabas ka na nga dito ang baho ng hininga mo mag toothbrush ka!" ng mahablot niya saakin ang kaniyang unan tinulak tulak niya na ako palabas sa kaniyang kwarto

"Oo na lalabas na, ang panget naman ng kwarto mo eh mabaho pa ng
laway "reklamo ko habang tinutulak-tulak niya pa ako

"Paanong hindi maging mabaho nag sasalita ka kaya lumabas kana!" tuluyan niya na akong tinaboy kaya naman pumunta ako sa aking kwarto upang mag toothbrush dahil nung naglalakad ako patungo sa aking kwarto, inamoy ko ang hininga ko ayon malapit na akong mahilo hindi pala ako nakapag tootbrush kagabi
At ano pa ba yung kinain ko yung cookies ka gabi na binake nung lalaking poste kaya pala mabaho ang hininga ko kasi yung lalaking yun ang gumawa ng cookies mukha kasi siyang mabaho, okay nonsense Kaya nag madali akong mag toothbrush kasi parang napanis yung cookies sa sobrang baho ng hininga ko potek

Ng matapos na akong mag ayos ng aking sarili lumabas na ako sa aking kwarto upang bumaba na

"Kuya bat ikaw ang nagluluto diyan?hindi ka naman marunong mag luto sinasayangan mo lang yang pagkain" kumukuha ako ng gatas sa Ref hindi ko na sinilip si kuya kung ano ang ginagawa niya dumiretso nalang ako sa mesa pero bigla siyang nag salita.

"I'm not your Brother" Sa sobra kong gulat malapit ko ng mabuga ang gatas ko pero kinaya kong lumukin lahat lahat eh sayang mahal panaman ang mga gatas ngayon

"Bakit ka nandito? At sino ang nag sabi na suotin mo nanaman ang Apron ko na Si Marshal Lee?"lumapit ako sa lalaking nag luluto ngayon dinuro duro ko pa ito ng aking baso

"Hubarin mo nga yang Apron ko"
Sabi ko pa sakaniya habang naka pamewang na

"Ikaw naka isip? Then take it off" humarap siya saakin habang hawak hawak niya pa ang Sandok Ow pisti naman bakit nung sinabi niya yung Take it off parang sarap niyang hubaran ng balat gamit yung
nail cutter

"Ulol!"yun lang ang sinabi ko at inirapan ko pa siya bumalik nalamang ako sa mesa at umupo sa upuan

"Oh? Nag toothbrush kana?" tanong ni kuya habang pababa ito ng hagdan
At pansin ko hawak-hawak niya ang unan na inagaw niya saakin kanina nung nag-tatalo kami

"Malamang kuya, kahit nga ako malapit ng mahilo at ano ang gagawin mo sa unan mo? Don't tell me itatapon mo yan? Grabe kanaman sa kapatid mo nilawayan lang ng maganda mong kapatid itatapon mo na?" pag dadrama ko sa kaniya

"Oo itatapon ko to sa mukha mo, mukha kasing basurahan" Diba mahal na mahal ako ng Kuya ko Ganyan niya ako mahalin

"Mukha nga akong Basurahan
Di-nabubulok eh ikaw naman ay nabubulok kasi magkapatid tayo" tawa ako tawa dahil nakita ko yung mukha niyang inis na inis pero sa sobrang inis niya tinapon niya nga ang unan sa mukha ko sapol na sapol.

"Pikon mo talaga kuya biro ngalang eh" hindi niya na ako pinansin umupo lang siya sa katabi ko na upuan, pikon siya eh baka red days niya ngayon kaya hinayaan ko na siya moody masyadong lalaki

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon