Twisted# 19

0 0 0
                                    


"Halika rito" makikita ko ang kaniyang noo itoy naka kunot, ang mukha niya na parang hindi maipinta
Hinila niya lang ako bigla bigla at ang sakit ng pagkahila niya saakin.

"Hoy masakit!"napatingin naman ito saakin at niluwagan ang pagkahawak niya saakin

"Sino to? Bat ka naka sakay sa motor niya? At bakit sabay kayong dalawa papunta rito? Kaano ano mo siya? boyfriend mo naman ba to? Isang araw meron kang pinakilala ngayon ano nanaman to? Joke nanaman ba to Susi? Ano sumagot ka" hindi ko alam kung anong dapat kung eh react sa pagmumukha at sinasabi nitomg si Jiro kung makapag react kasi kala mo  tatay ko.

"Teka lang dami mong tanon—g" hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko dahil meron namang humila sa akin

"Let's go" Hinila na ako ni Lalaking poste pero hinila rin ako ni Jiro pabalik punyetang buhay to.

"Bitawan mo siya, Hindi pa kami tapos mag usap" may diing sabi ni Jiro, kung titignan sila parang may mga boltahe ang kanilang paningin

"So?"pa cool na sabi ni lalaking poste may pataas taas pa ng kilay ito hinila niya ako papalapit sa kaniya pero hinila lang ako pabalik ni Jiro sa kaniya

"Punyeta bitawan niyo nga ako, hindi ako lubid okay? Plano niyo yatang punitin yung makinis at maputi kong balat at kung hindi pa kayo tumigil sige kayo ang mag hilaan diyan, wag niyo akong damayin mga bwesit!" Padabog akong umalis doon at hindi ko na pinansin si Jiro kahit tinatawag niya parin ako naglakad ako hanggang sa makarating sa Room

(Third Person Point of View)

Si Jiro tinatawag parin ang pangalan ni Susi kahit hindi ito pinapansin pero nung makalayo nilipat niya ang tingin sa lalaking inaayos ang Helmet ng kaniyang Motor, makikita ang inis sa mga tingin ni Jiro pero hindi ito pinapansin ng lalaki

"Sino kaba ang angas mo auh!" tinulak pa ni Jiro sa Dibdib si Dark pero hindi ito nag pabuwag
Ginantihan lamang ito ni Dark ng  masamang tingin

"Wala ka na ron" Walang ganang sagot ni Dark sa tanong ni Jiro, paalis na sana si Dark ng aakmang susuntukin ito ni Jiro pero natigilan ito dahil meron itong narinig na sigaw kaya naman binaba niya ang kaniyang kamao at inayos ang kaniyang uniform

"HOY! Dark ano to?" madiing tanong ng taong lumapit sa kanila

"Kilala mo bato Lock?" tanong ni Jiro, tumango lamang si Lock bilang tugon na sagot sa katanungan ni Jiro 

"Tsk" yun lang ang reaction ni Dark at tuluyan ng umalis hinayaan nalamang ito ni Jiro dahil kakilala naman ito ni Lock

"Hayaan mo nayon Jiro kaibigan ko yun, ganon talaga ugali niya mabuti nalamang at naabutan ko kayong dalawa kung hindi nag kasuntukn na siguro kayo" paliwanag ni Lock habang tinatapik tapik ang balikat ni Jiro

"Bakit mag kasabay silang dalawa ni Susi?" Derktang tanong ni Jiro pero tumawa lang si Lock sa katanungan ni  Jiro

" Yun ba ang dahilan bakit mo siya gustong suntukin?" tawa parin ng tawa si Lock pero tinignan ito ng masama ni Jiro kaya tumigil naman ito

"Hindi yun ang dahilan" sagot ni Jiro

"Kasi dun natulog si Dark sa bahay at  sinabi ko nalang na sumabay nalamang si Bunso kay Dark tutal magkaklase lang naman sila at para naman hindi na hassle sa kaniya dahil ang hilig niyang sumakay sa Tricycle" paliwanag ni Lock kay Jiro pero itong Si Jiro naka kunot na ang noo at parang sinisink in lahat ng mga sinabi ni Lock

"HUY!"sigaw ni Lock dahil bigla bigla nalamang itong umalis pero hinayaan nalamang ito ni Lock pumunta nalang sa kaniyang Classroom dahil kanina pa siya tinetext ng kaniyang mga kaibigan

(Susi Point of View)

Ng makarating ako sa Room umupo agad ako saaking upuan si Jade busy sa pag lalaro sa kaniyang Cellphone hindi yata ako napansin
Pero hinayaan ko nalamang ito, tinignan ko ang oras 20mins na akong Late pero Wala parin ang aming guro

"Wala tayong teacher ngayon?" tanong ko kaklase ko na si Pamela na naka upo lamang sa aking harapan

"Wala raw kasing First period ngayon dahil nag meeting raw ang mga teachers ngayon" Sagot niya saaking tanong tumango lang ako at ngumiti sa kaniya, kahapon may meeting rin hanggang ngayon meron din

Tinignan ko naman si Jade pero busy parin sa kakalaro hinayaan ko nalamang ito naisipan ko nalamang ma tulog nalamang dahil matagal panaman ang second period

Pero hindi nag tagal na distorbo ako sa ingay  ng aking mga kaklase

" Whaaaaa ang gwapo"

" shet bes parang nahulog yung panty ko na may napkin"

"Bat nandito siya"

" nawawala ba siya"

Mga bwesit ang iingay kaya naman inayos ko nalang ang aking pag upo pero nung napunta ang tingin ko sa pintuan may papalapit na demonyo na pwede nating tawaging lalaking poste At nawalan ako ng gana at gusto nalamang ibalik ang aking ulo na kasubsub sa aking desk ngunit hindi ko na nagawa dahil sa pagkagulat sa ginawa ng lalaking ito.

"Leave" Pinaalis niya si Pamela na naka upo sa upuan, Itong si Pamela naman ay umalis din, hindi na siya nakapag reklamo dahil natakot yata sa tingin nitong lalaking ito, ikaw banaman baka lamunin ka ng buo diba?

Ang daming naka tingin sa kaniya at ang daming kinikilig kahit wala naman ginagawa itong  si Lalaking Poste Sana maihi kayo sa inyong panty ang lalandi niyo

"Oi Boyfriend sabay tayong mag Lunch huh! Yung luto ni Mama"kinalabit ko si Jade at tumawa lang ito habang patango tango

"auh Girlfriend meron pala akong nakalimutang ibigay sayo kanina  pero mamaya ko na ibibigay para suspense dahil natulog ka kanina hihihi" ang cute niya talaga kahit kaylan pag ako talaga tupakin eh uuwi ko talaga to

"Yieee may pa gift kahit hindi ko naman  birthday, pero ako din may gift sayo isang Kiss, muah "tumawa lang ako ng tumawa kasi reaction ng mga kaklase ko nung sinabi ko iyon parang mga nasukluban ng langit at lupa kaya naman tumawa din si Jade nung binulong ko sa kaniya na tignan niya ang mga mukha ng mga kaklase ko na nakarinig sa sinabi ko saknya kaya ayon, para kaming tanga dahil may pa apir apir pa kaming nalalaman habang tumatawa

"Ako nalang ang mag kikiss sayo mamaya" Ayon parang kakapusin kami sa hangin sa kakatawa ni Jade dahil ang mga reaction talaga ng mga kaklase ko ang epic at pasalamat talaga sinabayan ako nitong si Jade, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda na mala diyosa na tumatawa kasama ang gwapong lalaking itinadhana sa magandang tulad ko?

Pero natigilan kami ng Meron isang kaklase namin ang nadulas dahil tumakbo pabalik yata sa upuan niya.
Pero imbis na tinulungan ito ng mga kaklase ko pinag tawanan lang nila ito
Oh diba? Ang babait talaga nila
Kaya naman tumayo ako at tinulungan yung kaklase ko dahil alam ko amg pakiramdam ma pinag tatawanan.

"Salamat" ngitian niya ako pero tumango lamang ako bilang tugon

Nung pabalik ako ng upuan ko nakita ko ang tingin ni Lalaking poste saakin parang kakainin niya ako ano bayan
Kaya naman iniwas ko ang tingin ko sakanya dumiretso lamang ako saaking upuan pero merong tumawag saakin.

A/n:kaya paba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon