CHAPTER THIRTEEN

20.4K 710 7
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ashfaith Hernandez

"Ash? Bakit nandito ka pa?" Lumingon agad ako. Shit, sya nga!

"Oliver?"

"So, bakit nandito ka pa nga? Di ka ba sasama? "-lumapit sya sakin. Ang cool nya sa all black na porma. Swaggers.

"Naiwan ako e.—Ikaw ba't nandito ka pa? Naiwan ka din no? "-tinaasan ko sya ng kilay. Lumapit na naman sya sakin tapos kinuha nya yung maleta ko.

" Nope.—Nagpaiwan sadya ako. "-tapos lumakad na sya na dala dala yung gamit ko. Anong nakain nya? Pero teka? Bakit sya nagpaiwan.

Imbis na mag-isip pa ko don, hinabol ko na lang sya. Nakita ko sya na ipinasok yung mga gamit ko sa likod ng kotse nya. Ha? Teka, dun ba kami sasakay? Wut? Di nga?

" Hoy Oliver! "

" Sakay."

" Ha? "

Lumapit sya sakin tapos hinawakan nya ang kamay ko.

" Sabi ko sumakay ka. "-tinulak nya ko papasok dun sa unahan katabi ng driver's seat.

Shit, eto na naman po!

Enebe? Kenekeleg ne nemen eke! Tengene Elever!

Hanggang sa makapasok na sya sa loob ng kotse, parang maiihi ako sa kilig.

" Seat belt. "-sabi nya.

" Ha? "

" Ash, nakapaghinuli ka ba?—Sabi ko magseat belt ka. "-Oliver naman e, rinig ko yon syempre, hinihintay ko lang na ikaw ang gumawa nun para sakin.

" Akin na nga!"-pota, narinig nya ata yung nasa isip ko. Kyaaa!

Inabot nya sakin yung belt, syempre nasa right side ko yon kaya lumapit yung katawan at mukha nya sakin. Shet, naiilang ako.

" Don't worry, hindi kita hahalikan. "-napangisi sya at isinaksak na yung belt dun sa saksakan. Psh, asa naman akong hahalikan mo ko.—Pero oo, inaasahan ko na yon e. Ang gulo ko na naman. Sorna phoezxs. [Jejemode] Hahaha.

**

Amph, inaantok na ko. Tinignan ko ang cellphone ko, halos mag-aalas dose na nasa highway pa rin kami. Bagal naman magdrive ni Oliver.

" Matulog ka muna. "-biglang umimik si Oliver.

" Ayoko nga, baka pagnasahan mo ko habang natutulog ."

" Hahahaha, seryoso? Baka nga ako pa ang pagnasahan mo sa panaginip mo eh. " Aba't nakisabay pa sa pang-aasar ko ah. Lintek na ito.

" Asa ka naman. "-pagkasabi ko nun, pumikit ako at inayos ang upo. Inaantok na ako e.

"Sweet dreams Amihan. "-rinig kong sabi ni Oliver.

" Psh. Amihan mo mukha mo!" Humarap naman ako dun sa may bintana at papigil na ngumit.

**

" Ash! "

" Hoy Ash! Gising na! " Nagising ako sa pagpitik ni Oliver sa ilong ko. Aray ha. Umungot lang ako, inaantok pa kasi ako.

" Sige pag hindi ka gumising iiwanan kita dito. " Agad naman napamulat ang mata ko. Tsk, kaya pala inaantok pa ko e, gabi na.

" Ano? Hindi ka pa babangon? "

"Oo na eto na. Babangon na po. "-kinusot kusot ko ang mata ko.

" Nasan na ba tayo? "-tanong ko.

" Nasa batangas na tayo. "

Inilibot ko ang paningin ko. Shet, sa sobrang ganda ng nakita kong view, nauntog tuloy ako dun sa bintana.

" Aray. "-napahawak ako sa ilong at noo ko. Grabe, nakakaasar naman kasi yung view, nakakaakit.

"Stupid. Yan tuloy nauntog ka pa. Tara na nga, bumaba na tayo. "-sinamaan ko lang ng tingin si Oliver. Hay nako, napakayabang. Mauntog ka rin sana. Pumunta muna kami sa likod ng kotse nya para kuhanin yung gamit namin.

Kukuhanin ko na sana yung maleta ko nang. . . "Ako na ang magdadala. "-pinalo nya yung kamay ko. Tsk,grabe na Oliver ha! Kinikilig na naman ako,hinawakan mo kasi yung kamay ko.

Ibinaba na nya yung maleta ko sa kotse nya sunod nun ay kinuha na nya din yung kanya. Aba, kakaunti ang dala ah. Yung akin nga parang dinala ko na ang drawer ko e.

Habang naglalakad kami sa white sand, tanaw ko na sa kabilang isla yung mga ilaw.

" Hoy san ka pupunta? "-napalingon naman ako kay Oliver. Oo nga? San ba ko pupunta. "Dito ang daan. Hindi dyan. "

Hays, saan ba ko pupunta? Yan tuloy sa sobrang ganda ko--este sa sobrang ganda ng lugar na to, lumilipad tuloy ang utak ko.


Nakarating na kami sa loob ng resort.

"Nasan na sila? "-tanong ko.

" Baka tulog na sila. Pagod pa ata sila sa byahe e. "

Teka? Ano bang oras na?

Hi Chat Love On - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon