CHAPTER FORTY-FOUR

14.8K 543 20
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


RIEVE RAI MONTENEGRO's POINT OF VIEW

Argh! Ang laki kong tanga. First move? Nahalikan ko agad si Ash? Psh! Maling mali ang diskarte ko! Bakit ko ba kasi sya hinalikan!

Dahil sa inis, napalo ko tuloy ang labi ko. And it definitely hurts me! Paluin ba daw ang labi. Pft! --_-

Bakit ba kasi nakikita ko sa kanya si Kristy? Magkatulad sila ng mata ni Ash. As if namang nagreincarnate sya sa katawan ni Ash!?

Tumakbo agad ako sa loob ng resort. Aaminin ko na ba? Alam kong masyadong mabilis pero iba talaga to. Sorry Kristy pero hindi ko naman pwedeng i-center na lang sa taong patay na ang puso ko. I need to love again--and I need to be loved again. Hindi ko alam ang nararamdaman ko for Ash. Nagsimula ito nung...

*FLASHBACK*

" May punishment ang kung sino man ang pumasok sa kwarto ko. " -may punishment naman talaga e. Iba't ibang punishment, for example, pumasok dito si Martin, magpapalibre ako sa kanya ng snacks in 1 week. And yung babaeng nakasama ko nung nalasing kami pinarusahan ko din-- she need to clean all the mess in my room and if not--pagsisisihan nyang pumasok sya sa kwarto ko. Wala akong pakealam kung pinapasok ko sya noon, lasing ako e kaya napapasok ko sya and besides, ginusto nya din yon.

" Kalokohan! Psh!--Tabi nga! "-wow as in wow! Ang lakas ng loob nya para itulak ako ah! Hindi nya ba talaga kilala ang isang Rieve Rai Montenegro? Pwes, makikilala na nya kung sino ako.

Hinarang ko ang sarili ko sa may pinto at straight to the point kong sinabi sa kanya na... " HALIKAN MO MUNA AKO BAGO KA MAKALABAS. "

Hindi naman ako nagulat sa ginawa nya, hinawakan lang naman nya ang dalawang pisnge ko. Hahahaha. Sabi na e, bibigay din tong babaeng to sakin. Ako pa? Malakas ang asse--

" HALIKAN MO MUKHA MO! "-nung akala kong hahalikan nya ako, bigla nyang iniuntog ang ulo ko sa matigas nyang tuhod! Tch! Alam nyo ba kung gano kasakit yon? Para kayang bato ang tuhod ng tao! what the fuck!

Bago sya tuluyang makalabas, humagikhik muna sya " Yan ang nababagay sa mga lalaking manyakis! Pwe!"-wala kang pakialam kung manyak ako! Lagot talaga to sakin!

Hinimas himas ko ang noo ko at tinignan ko sya " Ouch! Argh~Humanda ka sakin! Pagbabayaran mo tong ginawa mo! "-sigaw ko sa kanya habang nakapikit yung isa kong mata.

" Bwahahaha, ikaw ang humanda sakin! "-nagwave pa sya ng buhok bago tuluyang lumabas.

Isinarado nya ang pinto ng palagapak. Bwisit na babaeng yon! ang sakit tuloy na noo ko. Feeling ko in a minute magbubukol na to.

Habang tinitignan ko ang bukol ko sa salamin, may biglang nagring na cellphone. Napatingin naman ako kung saan banda yon.

Teka? Kakaibang ringtone ah.

Hi Chat Love On - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon