✤―Ashfaith Hernandez―✤
✉ ✉ ✉
Nainis ako kay Oliver Gonzales dahil lagi nya na lang akong sini-seen. Ang hinayupak na iyon! Nakakainis, porket gwapo't famous sya ang lakas na nya mangseen. Daig pa nya si Lord, buti pa nga si Lord dinidinggin pa rin yung mga dasal natin, napakadami natin diba? Sya pa kayang medyo famous lang?!
Maglalog-out na sana ako ng makita ko na nagtatype si Oliver.
Oliver Gonzales is typing...
Oliver: Ano bang problema mo? Kung may problema ka sa pagiging famous ko, harapin mo ko. I'm just a busy person kaya hindi ko mareplyan ang walang kwenta mong chat. Kaya Miss, kung magpapapansin ka, wag ngayon!
Aba't napakayabang ah! Basher mo na ako ngayon! Sayang pa naman yang kagwapuhan mo! Napakaantipatiko! Bwiset!
Ashfaith: Puta ka! Napakayabang mo. Anong problema ko? Kayo! Kayong mga pa-famwhore! Daig nyo pa mga aso. Nakakainis kayo! Gwapo ka nga, napakaantipatiko mo naman.
Oliver: I think, naghahanap ka nga lang ng pansin sakin. Come on! Harapin mo ko! Lagot ka sakin pag nakita kita! Hahanapin kita. Di mo ko kilala Ashfaith. Hangal!
Napalunok ako sa huling chat nya. Hindi na ako nagchat at isinarado ko na agad ang laptop ko.✉ ✉ ✉
Buti na lang at linggo ngayon. Wala akong ginawa kundi kumain, matulog at magfacebook. Nabobored ako. Nakakainis. Ayoko naman lumabas kasi baka mangitim ako. Makapagfacebook na nga lang ulit.
Umakyat ako sa kwarto ko at umupo sa kama. Binuksan ko ang laptop ko. Nagloloading pa lang naman kaya tumayo muna ako para kumuha ng pulburon sa kabinet ko. Hobby ko kasi ang mangolekta ng pagkain. Naisubo ko na ang isang plastic ng pulburon, hindi pa rin tapos ang pagloloading. Bagal ng wifi ah.
"Pwe—ano ba 'to? Bat ang dami kong messages at notifications?" Tinignan ko isa isa yung laman ng messages.
"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihan ng pa-famewhore si Oliver! Poor you!"
"You bitch! Kung naghahanap ka ng papansin sayo, eto piso hanap ka kausap!"
"Damn you! Hindi ka na nahiya! Sabagay wala ka sigurong hiya! Pagsabihan mo ba naman si Prince Oliver ng pafamewhore! Go to hell!"
"Ikaw pala yung tatanga tangang nagmessage kay Oliver! Lakas pala ng loob mo eh no! Lagot ka samin! Ikaw ang pa-famewhore! Panget!"
Hindi ko na kinayang basahin pa yung 24 messages request. Naiirita na ko sa mga babaeng fans ni Oliver. Sunod kong binuksan yung notifs ko. Nakita kong may nakatag na picture sakin .
*Oliver Gonzales's tag you in a post*
Hindi na ako nag-alinlangan pang buksan. Clinick ko agad yon para matapos na. Nanlaki yung mata ko at inilapit ko pa yung mukha ko sa laptop sa nakita kong picture na nakatag sakin.
"What the f*ck! Seryoso?" Walangya, ti-nag pa nya sakin yung convo namin. Napaka-pa-famewhore talaga nitong si Oliver. Eto na nga gumaganti na sya! Bwiset.
Binasa ko pa yung caption nya sa picture.
"I love bashers. Nice job Ashfaith Hernandez. I want to see you soon. –Oliver"
BINABASA MO ANG
Hi Chat Love On - Completed
Fiksi RemajaHighest Rank Achieved: Rank #10 in Teen Fiction Start Date: 2016 End Date: October 31,2016 Written by: maentblack All Rights Reserved 2016 Credits for Voltage Inc for the cover.