OLIVER's POINT OF VIEW
Nasa ospital ako ngayon kasi inatake na naman si Mama. Akala ko ba tapos na ang operation pero bakit nakakaramdam pa rin ng sakit si Mama.
Tinawagan ko agad si Ate Olivia para i-confirm kay Papa ang nangyari kay Mama.
Hindi na ako pinapasok ng doctor sa loob kaya mas minabuti ko na lang na hantayin sina ate Olivia.
--
Matapos ang ilang minuto ay dumating na sina Ate.
" What happen? Anong nangyari kay Eomma? "-agad na yumakap sakin si Ate tapos tumabi sa upuan ko. [Eomma=Mama]
" I dont know what is the exactly happened to her, yaya call me. Bakit ba walang nagbabantay kay Mama sa mga oras na yon? "-pagalit kong tanong kay Ate.
" Nasa office ako non and I know na si Papa ang nagbabantay kay Mama. "-napasuntok tuloy ako sa pader sa sinabi nya. Nakina Patrick kasi ako nung time na yon. Eh hindi ko naman alam na susumpungin si Mama edi sana ako na lang ang nagbantay. Psh!
" Bakit ka pumasok sa office? Alam mo namang busy-person si Papa, malamang iniwan na naman nya si Mama. "-pangangaral ko kay Ate.
" Oliver ano ba? Wag ka ngang ganyan kay Papa--"
" Ate wag ka ding ganyan kay Mama! Lagi na lang si Papa ang kinakampihan mo! Akala ko ba ayaw mo ring mawala si Mama pero bakit hinakayaan mong maiwan sya mag-isa? Anong klaseng anak ka--" -hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita ng masakit kay Ate. Oo, deserve ko naman yung sampal nya sakin e.
" Wag mo kong pinagsasalitaan ng ganyan Oliver! Ate mo pa rin ako! "-dinuduro duro nya ako tapos umiiyak na sya. " Hindi ko kinakampihan si Papa at wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa. Parehas ko silang mahal Oliver kaya wag mong isusumbat sakin na namimili ako. Oliver, mahal na mahal ko din si Mama like you love her. Ayoko din syang mawala. "
Natigil ang drama ni Ate nung nagbukas ang pinto.
" Doc what happened to my Mom? Is she alright? "-tanong ko.
" As of now, she's fine but we need to pray also for her third operation. "-sabi ng doctor
" What? Third Operation? --Hindi na ba kayo naaawa kay Mama? "-sabi ko.
" But she need it to survive. "
Nag-init na agad ang ulo ko, baka kasi mamaya masuntok ko na tong doctor. Mas minabuti ko na lang na umalis kesa makita ko si Eomma na nasasaktan sa mga aparato na nilalagay sa kanya. Ayoko nang nakikita syang nahihirapan. T^T
May pag-asa pa ba talaga para mabuhay sya? Worth it pa ba kung papakasalan ko si Chloe? Worth it pa ba ang paghihirap ni Mama? Worth it pa ba ang paggigive up ng love para kay Ash? Worth it pa nga ba ang lahat ng sacrifice na 'to?
BINABASA MO ANG
Hi Chat Love On - Completed
Teen FictionHighest Rank Achieved: Rank #10 in Teen Fiction Start Date: 2016 End Date: October 31,2016 Written by: maentblack All Rights Reserved 2016 Credits for Voltage Inc for the cover.